Para-paraan

29.2K 517 36
                                    

"Tooch that booty! Tooch that booty!"


Aish. Lecheng Tyra Banks 'to oh! Kanina pa nananakit ang likod ko kakatooch! Pastilan man!



Pero hindi dapat ako magreklamo! Kailangan ito sa pagiging supermodel ko! Kailangan ito para mailagay ako sa Vogue! Tiis ganda na lang ito mga bebe!



"Hoy Charlie! Kanina pa kita pinabibili ng suka ah!" sabi ni tatay nung bigla siyang pumasok ng kwarto ko.



"Tatay naman eh! Mamaya na 'yang suka na yan! Matatapos na'tong palabas eh! At tsaka nagprapractice pa akong mag-tooch!" sabi ko. Sinamplean ko pa nga siya para maniwala eh.



"Tuts tuts ka pang nalalaman dyang bata ka, tutusukin kita ng karayom 'pag di ka pa sumunod!"



Si tatay naman talaga eh. Asar! Ang kill joy masyado! Psh..



Kinuha ko na yung inaabot niyang pera kanina pa saka nagsimulang lumabas ng kwarto. Pero bago ako lumabas ay napabulong na lang ako. "Aish! Para namang matuturuan akong maging supermodel ng suka na 'yan.. Hmp!"

"Talaga 'tong anak ko oh. Parang matatapos nung pinanunuod niya yung niluluto ko. Hayy mga bata talaga." malakas pa rin pala pandinig nitong si Tatay? Narinig pa yung bulong ko eh.

Oo nga pala. Pasensya sa kabastusan. Hindi niyo pa nga pala ako nakikilala. Kasi naman si tatay eh, inasar ako.

Ako nga pala si Charlie Devin Laurel, 17, bading, Gemini, pinakamagandang nilalang sa pamayanan namin at future supermodel! May kotong ang kumontra kaya huwag niyo nang subukan.

At yung kausap ko kanina ay yung tatay ko, si Carlos Laurel, 34 years old, nagtrtrabaho pero hindi ko alam kung ano siya dun sa trabaho niya. Hehe

Oh pero teka, ang bata bata pa ng tatay ko 'no? Sabi niya kasi, maaga daw silang naglandi nung nanay ko. Kaya maaga din daw akong nabuo. Pero ayun, hindi daw kinaya ni nanay na magsilang ng isang dyosa kaya ayun, sumama na siya kay Bro.

Si tatay naman, ayaw pa maghanap ng bago kong nanay. Mas magandang abalahin daw ang pagpapalaki niya sa'kin kesa paglalandi niya.

Ewan ko ba dun sa tatay ko kung anong ipinaglalaban sa buhay. Malaki naman na ako. Maganda pa. Umaayon naman kayong oras na para lumandi ang tatay ko 'no? Good.

"Witwew! Ang sexy mga pare oh!"

Kinamay na dumi ng baka naman oh! Bakit ba laging may mga istambay sa tindahang 'to ni Michael?

Hindi ko na lang pinansin yung trip nung mga tarantadong 'to, mapapagalitan lang ako ni ama pag nalaman 'to eh. "Michael! Pabili raw ng suka ang tatay! Yung sa bote ha!"

"Miss, can I get your number?" Aish! Ampanget namang mag-ingles nitong hipon na'to! Halatang hindi marunong eh. Tch!

"Huwag na. Puno na phonebook ko." mataray kong sagot habang inip na inaantay yung suka. Bagal talaga nito ni Michael oh. Tch

"Kayo talaga mga pare, inaabala niyo tong syota ko eh." kinulayang ihi ng kabayo! May imamalas pa ba ang araw na'to Bro? Tama na ples? Tama na. Sobra na sa sobrang sobrang kamalasan ang pagpapakita nanaman nitong Kristian Delos Reyes na'to.

Si Kristian Delos Reyes ang bwisit ng buhay ko. Dalawang buwan na yata simula nung malipat kami dito sa Antipolo, dalawang buwan na rin siyang bwisit ng buhay ko. Hayop 'no? Kupal eh. May gelpren daw yan sabi dito, maganda. Bulag siguro yung babae, hindi makita ang kahayupan nung nobyo niya eh.

"Kamusta babe? Kailan mo ba ako dadalhin sa inyo?" tanong sa'kin nung bwisit pagka-akbay sakin. Kupal talaga eh.

Sakto namang ibinigay na ni Michael yung suka at yung sukli ko. Makakauwi na rin sa wakas.

"Ge. Pag kailangan na namin ng pozo negro saka kita papupuntahin sa bahay."

"BUUUUUUUURNED!" sabay sabay na sabi nung mga kapwa niya istambay.

Naglakad na ako palayo sa grupo ng mga bisugo na 'to, kamalasan lang ang dala nila sa'kin. Tsaka kailangang maabutan ko yung photoshoot sa ANTM!

"Babe! NICE ASS!"

Sheet of paper! Ramdam na ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko sa sobrang hiya at pagkabwisit. Tengene! Ang kapal ng mukha ng taong ito!

"Pinabili lang kita pero ba't parang ininom mo pa yung suka?" salubong sa akin ni tatay pagbalik ko sa bahay.

"Bwisit kasi yung mga istambay sa kanto 'tay eh!" reklamo ko ng nakapangalumbaba.

Inihalo na ni tatay yung suka sa niluluto niya. "Hayaan mo na. Atleast ikaw dyosa, alipin lang yung mga yun."

Nice words tatay. Da best among da rest ka talaga! Galing galing!

"Tama ka tay, alipin ko lang sila." tumatangong kong sabi. "Osya 'tay, manunuod na uli ako ha? Ge."

Kaya lang pagbukas ko nung tv sa kwarto ko, tapos na yung palabas ni Tyra. Bwisit sa lahat ng bwisit.

Sinimulan kasi nung Kristian Delos Reyes aka Bisugong hilaw eh!

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon