< Charlie Devin's POV >
Tuluyan kong iniwang mag-isa si Kristian sa ecopark. Sinimulan kong lakarin ang pamilyar na daan papunta kina Mico. Hindi ko kasi kayang umuwi muna agad, parang kailangan ko nang masasabihan.
Habang naglalakad, inalala ko ang mga nasabi ko kanina kay Kristian. Sana, sa dami ng mga lumabas sa bibig ko, wala dun ang makakapanakit sa kanya.
Ang gusto ko lang kasi ay yung maintindihan niya yung desisyon ko. Hindi ko na rin kasi talaga kaya eh.
Bukod sa pinaka-ayaw ko talaga ang mga niloloko ako, nandyan pa yung bigat ng pakiramdam na ibinigay niya. Ewan ko, pero ang lakas ng pakiramdam ko na hindi makagaganda para sa kalusugan ko kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-tulong ko sa kanya.
Actually, naiintindihan ko naman na talaga yung nagawa niya. Sabi nga kasi 'di ba, "The more you try to restrain something, the more that it tries to break free.". Sa pagdating ko, sinubukang ikulong ni Kristian agad yung nararamdaman niya kay Piper kaya hayan, bigla biglang kumakawala na lang.
Siguro kasalanan ko yun. Hindi ko kasi siguro hinayaang kusang magpakulong yung nararamdaman niya para sa babaeng iyon. Ipinilit ko ang isang bagay na hindi dapat ipinipilit.
"Charlie?!"
At bumalik ako sa realidad nung biglang may umalog sa akin. Si Mico pala nung mapansin ko.
"Hindi mo yata ako narinig, tinawag na kita kanina pa eh." sabi niya sa'kin. Tanging pag-ngiti lang ang nagawa ko. "Teka, san nga pala punta mo?"
"Sa inyo sana..."
"Oh edi tara! Siguradong matutuwa niyan si lola." at hinila niya na ako papunta sa bahay nila.
Bago kami makarating ng bahay nila, nag-text ako kay tatay na hindi muna ako makakapagluto dahil nasa bahay pa ako ng kaibigan ko. Buti nga pumayag siya eh.
"Charlie hijo! Buti nakabalik ka!" bati ni lola sa'kin bago niya ako niyakap. Hayy. Nakakamiss din talaga itong si Lola Gloria. Hehe
Maraming ikwinento si Lola habang naghahapunan. Talagang kapag ako ang kausap niya eh ang dami niyang nasasabi. Hahaha
Pero kahit gaano pa nakakatuwa ang mga kwento ni Lola Gloria, hindi ko magawang tuluyang maging masaya. Hindi ko kasi malimutan yung pag-uusap namin kanina ni Kristian eh.
Napansin pala ni Mico ang kakulangan ko ng gana kaya personal niya akong kinausap matapos naming mag-hapunan. "Tungkol saan yang iniisip mo?"
"Ha? Pinagsasabi mo?" medyo natatawa ko pang tanggi.
"Sige na, superfriends na tayo 'di ba? Kaya pwede mong ikwento sa'kin yang nasa isip mo."
Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko sinabi kay Mico yung tunay kong ipinunta rito. "Binigyan ako ng bulaklak ni Kristian three days ago."