< Charlie Devin's POV >
"Ano nanaman kayang pagpapakulo ito?" walang gana kong tanong sa sarili.
"Baka may ma-eexpel sa'tin?" ganting tanong sa akin ni Louie. Katabi ko nga pala itong lalaking 'to.
Gaya namin, palihim at tahimik na nag-uusap usap yung mga kaklase namin tungkol dun sa in-announce kanina nung adviser namin habang nasa flag ceremony.
Paano ba naman kasi 'tong may kaharutan din naming guro, may mga pa-bitin pang nalalaman. May sasabihin pala eh bat hindi pa sinabi nung Biyernes o kaya kanina pagkatapos naming sumumpa ng Panatang Makabayan sa harap ng watawat ng bansang ito.
Pero hindi, nag-maganda ang guro namin. Hintayin daw ang kanyang pagdating. At heto nga, inuuod na yung mga naka-sapatos naming paa kahihintay sa adviser pero wala, ke tagal dumating. Feeling peymus eh. Psh
"Oh pasensya't natagalan ako." Sa wakas! Matapos ang isang henerasyon, dumating din ang nagmamaganda naming guro na may dala dalang mga papel. Maraming papel.
"Sabi ko nga kanina, may i-aannounce ako. At ngayon na yun kaya excited na ba kayo?" tanong niya sa amin gamit ang tonong nakakaloko. "Alam niyo namang isa sa pinaka-pinapahalagahan ng eskwelahang ito ang pagkakapantay pantay ng mga estudyante kahit pa iba't iba ang antas nila sa lipunan hindi ba?"
Equality. Fairness. Dalawa lang iyan sa napakaraming bagay na ipinaglalaban ng eskwelahang ito. Sikat nga yung school namin dahil d'yan sa mga adbokasiyang ganyan eh.
"Sa bagong project ng ating principal, ang ilan sa inyo ay mag-lilipat eskwelahan muna sa isang pampublikong paaralan sa loob ng dalawang linggo." masiglang sabi ni adviser sa amin.
Mag-lilipat eskwelahan? Nakakaloka nga namang talaga ang mga pagpapakulong ganyan ng aming principal. May kainaman.
May mga kaklase kaming nagsipag-taas ng mga kamay para paulanan ng mga tanong si nagmamagandang adviser. Mga tanong tungkol sa pag-lipat panandalian.
May mga halatang excited sa plano, gaya na lang ni Louie. May mga pilit namang itinatago yung excitement, paminta ang peg. At may iilang gaya ko, mga walang pakialam sa mga mangyayari. Ano ba kasing dapat ika-excite sa pag-lilipat ng eskwelahang panandalian lang naman? Well, makaka-kilala ka nga ng mga bagong tao, makakakita ng bagong paligid pero yun lang yun. Sa ibang eskwelahan ka lang papasok ng dalawang linggo pero mag-aaral ka pa rin. Mabuti sana kung hahayahay at nganganga lang ang mga lilipat eh, baka makapanakit pa ako para lang mapa-sama sa listahan ng mga lilipat.
Akala namin ay magpapalista kay Ma'am yung mga estudyanteng gustong sumali dun sa project ni Principal. Pero mali pala, sila na pala mismo yung pumili ng mga ipadadala sa public school.
Sabi ni Adviser, ang mga napili raw ngayong taon ay yung mga estudyanteng kakayanin yung biglaang pag-lipat at yung mga estudyanteng madadala yung pangalan ng eskwelahan namin ng may dangal at puri. Oo, para lang isasabak sa giyera ang mapipili sa amin.