< Charlie Devin's POV >
"Charlie, uubra ba kung mag-papalipat ako ng section?"
"Ayoko dun sa napuntahan ko, Charlie! Ang layo na nila sa Physics!"
"Yung akin naman Charlie, sobrang layo na nung napag-aralan namin sa Math dun sa pinag-aaralan nila ngayon dito."
Heto ang sinasabi ko kaya ayaw kong maging leader eh, inaakala nung mga taga-sunod mo na makakaya mo lahat ng bagay na idaing nila kahit ang imposible nang gawan ng solusyon.
Uwian kahapon pa nag-simula yang mga ganyang reklamo, kesyo may mga salbahe raw silang kaklase, kesyo hindi pa nila napag-aaralan yung ilan sa mga itinuturo rito, kesyo masusungit yung guro. Napakarami nilang inaatungal! Buti nga't naitakas ako kahapon ni Kristian mula sa kanila kaya hindi naka-tikim ng batok itong mga ito eh.
At gaya nga nung nabasa niyo, nag-simula nanaman silang kulitin ako para gumawa ng mga milagro sa eskwelahang ito. Kapapasok ko pa nga lang eh, ni hindi pa nag-iinit yung puwet ko sa inuupuan ko, pinutakti na agad ako ng ka-bwisitan. Talaga nga namang ang babait ng mga nilalang ng lupa.
"Eh anong gusto niyong gawin ko?" may katarayan kong tanong sa kanila, napupuno na kasi ako sa mga reklamo nila eh.
Tumahimik silang lahat. Walang nag-salita na kahit sino, napansin na rin nila sa wakas ang kawalan ko ng gana sa mga isinusumbong nila.
"Oh ba't ngayon walang nag-sasalita sa inyo? Tinatanong ko kung anong gusto niyong gawin ko sa mga inirereklamo niyo sa akin, para naman humayahay ang buhay niyo sa eskwelahang ito." muli kong tanong sa kanila, tumayo na nga ako't lahat para malaman nitong mga 'to na seryoso ko sa itinatanong ko sa kanila.
Muli, wala nanamang nag-salita sa kanila. Tamo 'to, kanina, kung kulitin nila ako para gawan ng paraan yung mga inirereklamo nila wagas ngayong sila ang tinatanong ko para sa gagawin ko para sa kanila, wala naman silang sinasabi. Mga baliw.
Pagagalitan ko na nga sana sila para sa mga inaarte nila nung bigla bigla namang yumakap sa likuran ko dahilan para ika-gulat ko.
"Puso mo, love. Masyado mong dinidibdib iyang pagiging leader mo." malambing na bulong sa akin ng aking boyfriend, si Kristian.
Saglit ako natigilan dahil sa ginawa niyang iyon. Sino bang hindi 'di ba? Nag-sisimula ka ng magalit tapos biglang may yakap at mag-sasalita ng ganyan? Eh talagang matitigilan ka.
Pumalahaw naman ang impit na tili ng pagka-kilig nung mga kaklase ni Kristian sa nakikita nila. Simula kahapon, kada makikita nilang nagkakalapit kami ni Kristian, mag-titilian na parang sobrang kinikilig ang mga babaitang kaklase ni bisugo. Mga over sa over ang acting eh.
Tuwang tuwa si bisugo sa atensyong nakukuha naming dalawa mula sa klase niya. Para ngang nanalo sa lotto o pagka-presidente eh. At syempre, kabaliktaran ng nararamdaman ni Kristian ang nadrama ko.
Kilala niyo naman na ako, bibihira kong magustuhan ang atensyon ng maraming tao. Lalo pa kung tungkol sa personal kong buhay ang rason kung bakit ako kumukuha ng atensyon.