TyraSays! Hi guys! Kamustaaaaaaasa kalabasa? Omg! Sorry po! Sorry sorry sorry! Ang tagaaaaaaaal kong nanahimik. I've just been very busy. Nakukulangan sa tulog and all, you must know how call center industry works. It's really exhausting guya. I swear. Kaya sorry talaga sa pananahimik ko. Please forgive me. :)
Here's Chapter 46. Enjoy!
itstyra:*
------------------------------------------------------
"Love, may gusto akong subukan." malambing na sabi ni Kristian sa kabilang linya.
Saglit ko siyang sinilip sa monitor, nagpapacute nanaman ang depungal, bago ko ibinalik ang pansin ko sa ginagawa kong assignment.
"Ano yun?" wala sa interes kong tanong.
"Sa akin nga muna tumingin!"
Ta! Ang arte ampupu! Nagmamagwapo nanaman ang bisugo! Minadali ko tuloy tapusin yung sinusulat ko, niligpit ang mga iyon bago ibibigay ang buo kong atensyon dun sa lalaking kausap ko sa screen.
"Tae mo! Gago ampota! Manyaaaaaaaaaaaak!" tila walang paglagyan ang inis ko sa mga sanadaling iyon. Napakabastos ampuge! Madali kong pinatay yung laptop at inilayo yun sa akin na para bang may nakadidiring sakit akong makukuha mula sa bagay na iyon.
Agad na tumunog yung selepono ko. Tss bahala kang mamatay katatawag hinayupak ka, kamanyakan eh.
Nag-ilang ulit na ring pa yung cellphone ko, mga sampu na yatang tawag ang nagawa ni Kristian na hindi ko pinapansin. Nagmukha na tuloy christmas lights yung phone ko pero hayaan na, kapalit yan ng katarantaduhan ng bisugong yon.
Sino ba namang hindi mababanas sa nasaksihan ko? Nagsimula kaming mag-skype kanina, naka-shirt pa siya, maayos pa tignan. Matino. Pero anong nasaksihan ko pagtapos?
Ayun, wala na siyang tshirt! Ang nakakagalit pa dun, yung anggulo kung paano nakapwesto yung cam ng laptop niya. Masyado akong natrauma talaga. Paano, nasaksihan kong nagtataas baba yung kamay niya tapos parang sarap na sarap pa yung expression ng mukha niya. Halatang halatang gumagawa ng kahalayan ampupu
Hindi ko naman nakita yung "kayamanan"niya eh. Sayang. Joke! Buti nga't hindi ko talaga nakita kasi kundi baka masiraan na ako ng bait. Perp huwag niyo na akong husgahan, alam ko ang nakita ko. Pinaliligaya ni Kristian ang sarili niya sa tapat ng laptop at kaya niya ako tinawag ay dahil gusto niya akong makita ang kahalayan niya. Tapos ang usapan, sinaniban ng kamanyakan ang nobyo ko.
Makalipas ang ilang oras na pamay ang pagtawag at pagtext ni Kristian sa akin, sinagot ko na ang sumunod niyang tawag dahil natutulili na talaga ako.
"Huwag na huwag mo lang talagang maituloy yang kamanyakan mo sa cellphone, sinasabi ko sa'yong animal ka." bungad kong banta ng malaman niyang seryoso ako't walang balak makipagbiruan sa kanya.
"Hahaha! Chill love, ba't ka ba nagagalit?"
"Mukha mo! Dedeny ka pa!"
"Ano ba kasing ginawa ko't nagagalit ka? Pinatayan mo pa ako sa skype kanina."
Tae nitong lalaking 'to ah. Sobra sobra kung mag-deny! Ano 'to? Denial game? Hindi ka dapat tumigil kadedeny kundi matatalo ka? Ganun? O baka naman may kakambal ang hinayupak na'to at yun ang gumawa ng kahalayan sa skype? Napaka-imposible naman kasing malimutan niya ang mga ginawa niya 'di ba?
"Ahh. Ayun ba?" tapos ay tumawa siya ng malakas na lalo namang nagpainis sa akin. Wala akong makitang nakakatawa, seryoso. "Ang dumi pala ng isip ng love ko."
