Tyrasays: Hello guys! Today, May the 25th, is a very special day for me. Sheeeeems! It's the second year anniversary of me being forever 18! Hapoy birthday to me! Witwew! HaahahahahahaAt dahil dyan, Chapters 42, 43 and 44 is my triple treat for you guys. Sana masayahan kayo at maenjoy niyo ang aking mga napagpaguran. Enjoooooooooy!
------------------------------------------------
"Ginagawa niyo rito?" ang aga agang naka-taas ng kikay ko sa pagtataka.
Nabato naman ako ng dyaryo ng tatay. Buti nga dumamplis lang eh, ang powerful pa naman mamato ni tatay. "Ganyan ba ang tamang pag-trato natin sa bisita, Charlie Devin?"
"Tatay ko, wala lang yun sa mga 'yan. Tarayan ang lambingan namin. 'Di ba?" pag-baling ko ng tingin dun sa mga nasa sala. Napilitan naman silang tumango.
"Kahit na. Ikaw na nga ang sinusundo, nagmamaganda ka pa."
Nagpabalik balik ako sa kusina para kumuha ng mga plato pati na kutsara't tinidor. Syempre kain muna bago pumasok 'di ba?
Nagsisimula na akong mag-sandok ng mga kanin sa mga plato nung nakita kong ayaw pa rin magsi-tayo nung mga "bisita" ko. "Huy! Hali na kayo! Sumabay na kayo para makaalis na tayo agad."
"Teka nga pala, kasabay na namin kayo kumain pero hindi ko pa kayo kilala." ang biglang sabi ni tatay habang kumakain kami.
Mukha namang hindi masasagot ng mga 'to yung tanong ni tatay. Punum puno kasi yung bibig nila ng kanin eh. So obviously, ako na ang sasagot. "Ay tay, mga kaibigan po sila ni Kristian na naging kaibigan ko na rin. Si Ric, Oyo, pati na si Terter."
"Asan pala yung kaibigan niyo? Ba't hibdi ko napagkikikita?" may something sa tanong ni tatay. Phishing. Ramdam pa rin yung slight na inis niya dun sa tao eh.
"Po? Eh kagaga----" naputol yung sanang sasabihin ni Oyo nung palihim ko siyang kinurot sa tagiliran. Malay ko namang nacombo pala siya bilang yun din yung ginawa sa kanya ni Ric.
Napansin ni tatay yung biglaang pagbabago ng muha ni Oyo. Napatingin muna siya sa akin na para bang ako ang pinagbibintangan sa nangyari bago tinanong mismo si Oyo. "Ay pasensya na po, medyo sumama na po kasi yung tyan ko. Dami ko na po kasing nakain eh."
And with that, tumayo na ako at sinimulang ligpitin yung mga kinainan. Aalis na kami bago pa himaba ang chikahan at madulas na ng tuluyan itong si Oyo.
"So bakit nga kayo nasa bahay?" pangalawang ulit ko ng tanong sa kanila yun habang naglalakad kami.
"Napadaan lang kami, Charlie. Eh sakto, naalala kita, so naisipan naming sabayan ka na lang pagpasok." naka-ngiting sagot sa akin ni Ric.
Ge. Kunyari naniniwala ako sa mga pinagsasabi niyo ha? Kunyari binibili ko yang palusot niyo. Ge lang.
Ngumiti na lang ako't hindi na nagsalita. Eh ayaw naman kasi nila umamin so bakit pa ako magpapagod na kulitin sila 'di ba? So ayun, tumahimik na lang ako't nagpatuloy sa paglalakad.
Una akong hinatid ni kumpareng tricycle driver sa tapat ng school ko. Bago pumasok, hinarap ko muna yung tatlo't nagpasalamat sa pag-sabay sa akin.
"Ah Charlie! Kami na rin susundo sa'yo mamaya ah?" pahabol na sabi ni Terter sa akin.
"Ay huwag na, susunduin kasi ako ni Mico mamaya. May pupuntuhan kami eh."
Natawa na lang ako nubg sabay sabay silang tatlong parang nagambala dun sa isinagot ko. First time ba ng mga 'tong malamang sinusundo din ako ni Mico? Hahaha Napa-iling na lang tuloy ako saka pumasok na.