< Charlie Devin's POV >
"Oh" ang sabi ko sabay abot nung panyo ko.
Pinunasan muna ni Kristian yung mga luha sa mata niya bago niya ako tiningala. "I-Ikaw? An-huk-ong ginagawa mo di-huk-to?"
Wala akong isinagot sa tanong niyang iyon. Baka kasi magalit siya sa akin kasi pinakinggan ko yung ginawa sa kanya nung bruha niyang syota. Ay, ex-syota na pala. Ipinilit ko na lang tuloy yung panyo ko na tinanggap naman niya di kalaunan.
"Kung gusto mong manatiling naka-luhod, ipagpatuloy mo 'yan sa simbahan. Kung hindi naman, tumayo ka na d'yan dahil ang panget tignan ng hitsura natin."
Tinignan niya na muli ako bago siya tumayo. Pinilit niyang ngumiti pero parang ngiwi naman yung ginawa niya. "Pasensya ka na ha? Maling oras mo ako naabutan."
Tss. Oo nga naman pala. Siya nga pala si Kristian "bisugong hilaw" Delos Reyes. Napakalabong aamin 'to sa tunay na nangyari sa kanya.Sandali ko siyang pinagmasdan, namumula na yung mga mata niya, halatang hindi pa rin siya maayos.
"H-huy! Sa'n ba tayo pupunta?" tanong niya sa akin matapos ko siyang hilahin.
"Babayaran ko yung pag-hatid mo sa'kin kanina."
Tuluyan ko siyang hinila papunta sa bahay ko. Eh sa wala akong maisip na pwede niyang puntahan eh. Alangan namang hayaan ko siya sa kung saan, de nagmukha siyang baliw at kalahati niyan lalo't ganyan pang namumugto ang mga mata niya.
"Gawin mo gusto mo d'yan. Manood ka ng tv o ng dvd, mag-basa ka, kahit ano! Magluluto lang ako. D'yan ka lang ha?" Hindi ko na siya hinintay sumagot. Kailangan ko na kasi talagang mag-luto dahil mukhang pa-uwi na ang tatay.
Nagulat na lang ako nung bigla siyang sumulpot sa kusina. Wala daw siyang magandang magawa eh, tutulungan na lang daw niya ako mag-luto. Kay
"Oh, tikman mo nga kung ayos na'to." sabi ko sabay abot nung kutsarang sinalinan ko ng sabaw.Napa-ngiwi agad siya pagkahigop. Kung hindi ba naman kasi may sapak talaga sa utak eh, higupin ba naman agad ang mainit na sabaw? Hindi yata uso sa kanyang yung pag-ihip sa mainit na pagkain.
"At sino naman itong lalaking ito?" nagulat kami sa biglaang pag-dating ni tatay.
Nagpakilala naman si Kristian kay tatay habang nagpapatuloy ako sa pagluluto. Magkakilala na talaga sila, dumadrama lang ang tatay. Haha!
Habang inihahain ko yung niluto ko, tinanong ako ng tatay. "Bwisit ka d'yan 'di ba? Eh anong ginagawa niya rito?"
"Hiniwalayan 'yan nung syota niya. Eh hindi sinasadyang napanuod ko, ayun, tinulungan ko na lang."
For the first time in the history of history, umingay ang hapunan namin ng tatay. Pa'no, kumakain habang nanunuod ng basketball. De talagang maingay. Ako actually yung nag-mukhang bisita sa bahay ko, sobrang OP ako!
"Oh, ibinili ng tatay para sa'yo. Mukhang kailangan mo daw eh." sabi ko habang iniaabot ko yung beer na binili ng tatay.Kita n'yo? Nabilhan ng beer ni tatay itong kasama ko tapos ako softdrinks lang? Ang special niya 'no? Tss! Pero ayos lang, hindi pa rin naman ako umiinom eh. Haha!
"Salamat. Ikaw? Ayaw mo?" tanong niya sa akin.
Umiling ako ng bahagya sabay pagpapakita nung softdrinks ko. "Ayos na ako dito. Wala rin naman pating dahilan para uminom ako ng ganyan."
Hindi ko na alam kung gaano katagal ng umiinom itong lalaking ito. Pero grabe lang, ginawa niyang tubig yung beer! Hanep! Uhaw ba 'to o nagpapakalunod?
"Ikaw ba devin babes, na-heartbroken ka na ba?"
Hindi ko siya sinagot sa tanong niyang iyon, tanong ng mga lasing kasi iyan eh. Pero kinukulit niya akong sagutin ko daw, kaya ayun, sinagot ko nga. "Hindi pa! Oh masaya na?"
"Bakit hindi pa? Hindi ka pa na-iinlove? Try mo! Masaya ma-inlove!" kita niyo? Halatang lasing na talaga eh 'no? Tss
"Masaya? Ahh. Kaya pala pinaglaruan ka lang nung bruha mong syota..."Nagulat na lang ako nung bigla niya akong lapitan at mariing hinawakan yung braso ko. Ano bang nangyayari sa kanya?
"Hindi bruha si Piper at hindi niya ako pinag-laruan!" galit niyang sabi sa akin.
Teka ha, ipinagtatanggol ba nitong lasenggong ito yung maldita niyang ex-syota? Ano bang katarantaduhan yun? Iniwan na nga siya tapos ganyan pa din siya? Tss Nakakainis yung pagpapakabobo niya sa taong hindi naman nararapat.
Sinubukan kong makawala sa hawak niya pero masyadong mahigpit eh. "Hindi bruha? Kaya pala tinatawanan ka lang nung umiiyak sa harap niya. Ganun pala ang hindi bruha."
"Baka kasi natatawa lang siya sa hitsura ko."
"Tss. Talagang ipagtatanggol mo sa akin 'yang ex mo? Eh 'di ba ikaw ang iniwan? Ikaw yung niloko. Tas ganyan ka pa din?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nagpapakatanga kasi siya sa wala namang kwentang babae.
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko. "Eh kasi mahal ko siya! Mahal ko si Piper! Alin ba duon ang mahirap intindihin?!""Ang mahirap intindihin dun ay yung hindi ka nga mahal nung tao pero nagpapakagago ka! Mabuti sana kung minahal ka talaga eh, hahayaan pa kitang maglupasay d'yan, pero hindi eh. Pinaglaruan ka! Niloko! Trip lang ang lahat para sa kanya! Alin duon ang mahirap makuha para sa'yo?"
Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Pero kasabay ng mga galit sa mga mata niya, ay ang tuluyang pagkawala ng mga luha niya. Tapos nun ay umiling iling siya. "Hindi mo nga pala ako ma-iintindihan."
Teka, tama ba ang pagkakarinig ko? Minamaliit nga ba talaga nitong bisugong ito ang kakayahan kong umintindi? Aba ayos din 'to eh, ang kapal ng mukha. Tch!
"Paano mo nga pala ako maiiintindihan eh hindi ka pa nga pala nagmamahal? Sino nga ba naman kasing magmamahal sa isang maarteng bading na wala nang ginawa kundi magtaray? Tss! Talo pa babae kung umasta eh."
Hindi ko pa alam kung gaano kasakit ang sampal ng isang tao. Pero panigurado ako, wala nang mas sasakit pa sa mga sinabi ni Delos Reyes.Napalunok ako nung marinig ko ang mga salitang iyon. Nagbadya ang mga luhang gustong kumawala pero hindi ko hahayaang makita niya akong umiyak.
Marahas kong binawi yung braso kong hawak niya bago ako tuluyang maka-tayo. "Tama nga lang siguro yung ginawa sa'yo ni Piper. Tutal gago ka naman, si Piper ang naging karma mo dahil nagawa ka niyang gaguhin! Nasayang yung pagmamalasakit ko sa'yo, wala ka pa rin naman palang kwenta."
At tuluyan ko siyang iniwan sa kwarto ko. Tatabi na lang muna ako kay tatay kapag gising pa siya. Kung tulog na, malambot naman yung sofa sa sala namin. Mapag-titiisan na yun kahit masikip.
Hayy. Minsan na nga lang ako mag-malasakit, inalipusta pa ako. Ganun na ba ang mga tao sa panahong ito? Mga wala ng pakundangan kung mag-salita?
Alam ko, ako ang nauna. Pinikon ko siya. Pero may sapat akong dahilan para gawin yun, nakita ko kung paano tinarantado nung bruha yung bisugong yun. Pero anong nakuha ko? Ayun, minaliit ang kakayahan kong umintindi. Tss
Sa susunod, hindi na talaga ako magmamalasakit sa kahit na kaninong lalaki lalo kung ang pangalan ay Kristian Delos Reyes. Napapasama rin ako eh. Tss
![](https://img.wattpad.com/cover/23290739-288-k149716.jpg)