Chapter 30: The Incorrect Promulgation

6.2K 250 10
                                    

TyraSays: A Double treat for having patience guys! Sorry if I keep you waiting. Hihi

Hope you guys enjoy this. :)

-----------------------------------------------------------------------

Awkward.

Awkwardness.



Asiwa.



Madalas maramdaman ng bawat isa sa atin ang salitang ito, ang awkwardness o pagka-asiwa. Kada may mangyayaring hindi inaasahan at medyo kakaiba, lagi tayong naaasiwa.


Iyan. Iyan mismo ang pakiramdam na madarama mong pumapaloob sa silid aralang ito.



Awkwardness.



Ilang pares ng mata ang naka-tingin ngayon sa akin, mga pares ng mata na iba't iba ang mga ipinahahayag na emosyon. May mga gulat, may mga matang nagpaparamdam na may mga katanungan sila, pero karamihan sa mga matang iyon ay mababanaagan mo ng galak dahil muli kaming nagkita kita.

Ngunit isang pares lang ng mata ang namukod tangi sa lahat.


Ang mga mata ni Kristian.


Bakit ganuon? Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya?

Oo, naka-titig siya ngayon sa akin. Pero nasaan yung emosyon? Parang naka-titig lang siya dahil trip niya. Nabahala ako dahil siya lang ang bukod tanging ganuon.


Sandali akong nakipag-titigan kay Kristian bago tuluyang ibalik ang sarili sa katinuan. Kasabay ng pag-libot ng aking tingin, nginitian ko silang lahat. "Ayun nga, I am Charlie Devin Laurel. Kilala niyo naman na ako 'di ba? So ayun, nandito ako dahil ako yung magiging student teacher niyo."

At agad nag-hiyawan ang karamihan sa kanila, lalo yung mga lalaki. Ang swerte raw kasi nila kasi ako ang pumalit sa adviser nila, paniguradong mas magiging masaya daw ang mga susunod na araw. Sana nga.


Ayos naman ako sa gusto nila. Yun din naman kasi ang plano ko simula pa lang, yung gawing magaang at masaya lang. Sa tingin ko kasi, mas natututo ang mga kabataan ngayon kung magaan yung pamamaraan ng pagtuturo ng mga dapat aralin. Parang to have fun learning, you should learn while having fun.

Sabi ni Sir Salvador, hindi ko daw muna iiwan ang klase ko ngayong araw. Kailangan daw kasing kasanayan daw ako nila bilang student teacher kesa bilang dati nilang classmate. Pero sa mga susunod na araw raw, halos tatlong oras ko lang silang makakasama. Bakit halos tatlong oras? Eh hindi lang pala kasi isang subject lang ang itinuturo ni ma'am na pinapalitan ko. Dalawa pala.

Halos kalahating oras bago ang tanghalian nila, nakiusap silang samahan ko na lang silang mag-lunch, marami rami rin daw kasi kaming i-cacatch up. Pumayag na ako, wala pa rin naman kasi akong plano sa kung saan ako manananghalian eh.

Nagkakatuwaan ang buong section nuon nung biglang may kumatok sa pinto na ikinalingon naming lahat. Agad ang reaksyong ginawa nung mga babae, tumili agad. Napakunot ang noo ko nung makita siya habang yung mga lalaki ay parang wala lang.

Eh paano naman kasi, nasa harap ng pinto ng classroom si Mico. Buong ngiti siyang naka-tayo habang may hawak hawak na lunch bag, to inform you, naka-uniform pa siya nun ha. Cutting classes si koya. Tsk tsk


Agad akong tumayo at lumapit kay Mico. "Ba't ka nandito? Susumbong kita, cutting ka ha!"

"Sorry ka, half day lang kami ngayon." Ay. Pahiya onte ako duon ah. Malay ko naman kasing half day lang pala sila.

"Oh eh bakit ka nga nandito?"

Saka naman niya inilahad yung lunch bag na dala niya, tinitigan ko ng panandalian iyon bago ko pinag taasan ng kilay si Mico. "Babatiin ko lang kasi sana ang superfriend ko para sa first day ng pagiging student teacher niya."

Aww. Kaya hindi ako nagkamaling maging superfriend nitong si Mico eh. Napaka-thoughtful and sweet! Nakaka-touch. Hihihi

Since wala na rin naman pa lang pasok si Mico, pinilit ko na siyang mag-stay at sumabay sa amin ng panaghalian. At dahil ako ang nag-yaya, wala siyang nagawa kundi ang umoo na lang. Ang lakas ko talaga sa kanya! Hahaha

Masaya yung naging pananghalian ng class. Kwento kwento ng mga nangyari pagkatapos naming umalis. Namiss nga raw nilang makita yung pagka-irita ko sa kada may magrereklamo akong classmate. Maingay ang lahat,. Tumatawa, daldalan, kwentuhan, asaran. Kahit si Mico na hindi naman nila kakilala talaga eh kinakausap nila.

"Charlie, bakit hindi mo kaya kamustahin si Kristian?" pabulong na sabi sa akin ni Mico. Medyo humiwalay na kaming dalawa sa buong klase.

Nilingon ko yung pinag-uusapan namin. Oo, nakaupo siya katabi nung mga nagkakasiyahan pero parang wala siya run. Tulala. Lutang.

"Kanina pa siya ganyan Mico, simula magpakilala ako sa kanila kaninang umaga."

"Oh eh bakit hindi mo kausapin? Alamin mo baka may sakit na pala yang maha--" Agad kong tinakpan yung may kadaldalang bibig ni Mico. Alam ko na susunod dun eh, naramdaman ko na eh. Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay natatawa.

Laking gulat na lang namin ni Mico nung mag-hiyawan yung mga kasama namin. Nilingon namin sila para makita yung mga babaeng nangunguna sa kilig. Ano bang meron?


"Bakit? Anong meron?"


"Kayo bang dalawa? Ang sweet niyo kasi eh!" kilig na kilig na sabi nung isang babae. Halala. OA neto oh.

Sasagutin ko na sana yung babae nung biglang inilapit ni Mico sa akin yung mukha niya. Nagbunsod muli iyon ng hiyawan at kantyawan mula sa buong klase.

"Mico, ano bang ginagawa mo? Muntanga ka." pabulong kong tanong. Awkward sumigaw kasi kalapit ko lang naman yung tenga niya.

Ikinagulat ko ang mga sumunod na ginawa nitong si Mico. Ipinagdampi niya ang mga iling namin sa isa't isa at marahang pinagkaro ang mga iyon. Nose to nose kumbaga.

Matapos iyon ay humarap siya sa klase ng buong ngiti at sinabing "Oo. Kasasagot lang sa akin ni Charlie, boyfriend niya na ako."

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon