Chapter 48: Beyond Repair

5.1K 190 19
                                    

TyraSays: Hi guys! Sorry kung ang tagal ng intervals. Pagpasensyahan niyo na, I'm currently facing issues about my work. But here's an update though. :)

Just a heads up, this chapter will be divided into two parts. Okay?

My Stupid Lover is coming so soooooon! Be ready for Alexis' comeback! Hahaha

Let's go back to the story. Here's Chapter 48.1


Tyra:*

------------------------------

< Mico's POV >

"Apo, iakyat mo 'to sa taas." ang pakiusap sa akin ni Lola Gloria pagkatapos iabot sa akin ang isang makapal na kumot.

Agad ko naman siyang sinunod. Iniakyat ko yung kumot sa taas at naglakad papunta sa kwartong pagdadalhan nun. Kumatok pa nga ako ng tatlong beses para malaman nung nasa loob na may papasok eh.

Kapareha pa rin siya nung sinilip ko siya halos tatlong oras na ang nakakalipas. Bukas yung tv, malakas yung volume, pero parang walang nakikita o naririnig yung nanonood. Tahimik lang siya at tulala.

"Heto kumot oh, maulan kasi sa labas baka ginawin ka bigla." mahinahon kong pagkausap sa kanya. Pero gaya ng mga nauna kong pag-subok, tahimik lang siyang naka-tanaw sa kawalan.

Tahimik ko siyang pinagmasdan, nilamon ng katahimikan ang silid na kinaroroonan naming dalawa. Aalis na sana ako para balikan si Lola pero nasaksihan ko ang pagkadurog niya.


Walang sabi sabi, biglaang tumulo ang patak ng luha mula sa kanyang kanang pisngi. Na sinundan ng isa pa, na sinundan pa, hanggang sa hindi niya namamalayan na tuluya na siyang umiiyak.


Umiiyak siya. Lumuluha ang mga mata niyang hindi ko makitaan ng kahit anong emosyon.


"Tay" ang bigla niyang sabi sa kawalan.


Papaanong may makagagawa nito sa kanya? Papaanong may nakaatim gumawa ng kahayupan sa taong 'to?


Ang taong nakikita ko ngayon ay napakalayo sa taong nakilala ko, sa taong nakausap ko, sa tong nakagaanan ko ng loob.


Napakalayo nitong taong 'to sa dating Charlie Devin Laurel.


<Flashback>


"You guys better hurry, it's so itchy na here!" maarteng reklamo sa amin nitong si Aya, groupmate ko sa AP Bio.

Napailing na lang ako habang yung isa pa naming kasama eh nagtitimpi na lang. "Mag-hintay ka Aya, pwede? Makakatulong talaga sa'min kung tatahimik ka."

Nagpapadyak lang ng sandali yung tanging babaeng kasama namin pero tumahimik nga naman siya.

Nararamdaman ko rin naman yung kating nadadama ni Aya, aba, nasa damuhan naman kasi kami. Ginagawa namin sa damuhan? Yung AP Bio teacher kasi namin, gustong magpahanap ng species na hindi mo madalas makikita. Buti nga't alam niyang hindi madali pinagagawa niya kaya grinupo niya kami by 7. Okay na yun kesa mag-isa akong pumunta dito at magkakalkal ng lupa.

Kaya heto, nandito kami ngayon sa may underdeveloped part ng city. Medyo malapit na nga rito yung school ni Charlie eh, kung kanina pa siguro kami natapos dito eh nadaanan ko pa siguro yung superfriend kong iyon. Tagal ko ng hindi nakikita eh.

"Whew!" sabay sabay naming sabi matapos makumpleto ang mga species na kailangan namin.

Nag-simula na kaming mag-ayos ng mga nagamit namin nung bigla kaming makarinig ng sunod sunod na pag-sigaw. Nung una ay medyo malabo yung dinig namin pero hindi naglao'y luminaw iyon, boses ng lalaki yung sumisigaw. Ano naman kayang meron?

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon