Chapter 47: Danger Lurks

5.8K 189 10
                                    

TyraSays: Hi guys! Before starting, let me tell you na hindi ko muna ipopost ang Book 2 ng My Stupid Lover hanggang wala pa akong 5chaps na nagagawa. Currently, I'm finishing Chapter 2. Yeah, I know, I'm mabagal. Please be considerate na lang guys, work is so exhaustiiiiiiiiing. Hihi

I'd like to forewarn you guys, this chapter is SPG. STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY NG MAS NAKATATANDA SA INYO ANG KAILANGAN.

May ma maseselang tema ng karahasan, sekswal, at pinagbabawal na gamot ang chapter na ito. Basahin ayon sa inyong kagustuhan

READ AT YOUR OWN RISK.

Tyra:*

--------------------------------------





"Kailan daw ba 'yan?" naaasar kong tanong rito kay Louie, nakukuha ba naman kasi akong paghintayin ng matagal. Ang kapaaaaaaaaaal!

Huminto muna panandalian si Louie sa ginagawa niya tapos ay sinilayan ako ng tingin. "Beh, una ka na nga. Matagal pa 'to bilang naghahabol ako ng gagawin."

Tss. Tae talaga nitong nilalang na 'to oh. Sino makakasabay kong umuwi niyan? Medyo hindi na kasi ako sanay na mag-isa umuuwi, lagi ko kasing kasabay kung hindi si Louie ay syempre si Kristian. Ang lubgkot ko tuloy maglalakad ngayon. Hayyyy

"Tss. Epal kasi eh." asar kong sagot bago tuluyang tumayo mula sa kinauupuan. "Alis na ako, kita na lang bukas. Tapusin mo na yan ha?"

At ayun nga, tuluyan na akong nauna kay Louie na hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin sa sahig na kinapupwestuhan niya.

Eh ano nga ba yung ginagawa ni Louie at hindi niya ako masamahan sa pag-uwi? Well, ang alam ko kasi, oara yun dun sagagawing program ng school sa may plaza. Parang recognition program chingy. Ewan ko lang talaga, pero para daw yun sa mga exemplary students ng school. Eh ayun, isa si Louie sa part ng Creative team kaya ayan, hindi mgkandaugaga kaka-gupit at kalalagay ng glitters sa kung saan saan. Halos kabugin na nga niya diamonds ni Rihanna sa kinang eh.

Living Edward Cullen pala ang peg. Hahahaha

So heto ako, basang basa. Hindi ng ulan, kundi ng pawis. Bakit ba naman kasi sa dinami rami ng araw sa taon, ngayon ko pa nalimutan magdala ng payong kung kelan naisipn naman ni Haring araw na magpasikat ng bongga. Nakakaloka! Toasted na ako talaga pag-uwi neto. Ohmygosh, my oh so white and smooth balat. Toasted na! Huhuhu

At habang may naka-salpak na pink na beats earphones, bente lang isa nyan sa palengke namin. Oh 'di ba, branded na earphone pero bente lang? San ka makakakita nun? Dito sa Antipolo lang! Hahaha

Mabalik, ayun nga, habang may naka-salpak na earphone sa tenga ko at habang may isang malawakang party na ang nagaganap sa utak ko, tahimik ko lang na binabagtas ang mahaba habang daan papunta sa simbahan. Nahinto nga lang iyon nung bigla kong maramdamang may nabubggo ako.

Inalis ko muna yung earphones ko bago ko sinilayan ng tingin yung nabunggo ko para sana humingi ng sorry. Hindi nga lang iyon ang natuloy dahil bigla akong kinabahan sa sumalubong sa akin.

Tatlo sila. Ay mali, apat pala. Apat silang lalaking nasa dinaraanan ko. Matatangkad sila, mga payat, medyo hindi maganda ang pagkakaayos ng mga buhok nila at naka-uniporme pero hindi ko makita yung school badge nila. Lahat sila ay may namumulang mga mata na nagdadala ng kilabot sa akin.

Ang nakakatakot lang lalo, pare-parehas silang naka-ngiti sa akin na para bang may mangyayari sa aking hindi masama.

Sobra man ang kabang bigla kong naramdaman, pinilit kong ikinubli iyon sa pamamagitan ng pag-ngiti sa kanila. "Hi. Sorry sa pagkakabunggo ko sa inyo ha? Hindi ko kasi kayo napansin eh."

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon