TyraSays: sorry for the long wait but here it is, second part of the fourty eight chapter. :)
Tyra:*
------------------------------------
"Charlie Devin's POV"
"There's a hundred and four days of summer.........."
Walang emosyong kong tinititigan yung pinalalabas sa telebisyong nasa harap ko. Paborito ko 'tong palabas na'to eh, kabisado ko pa nga buong kanta niyan. Alam na alam ko ang takbo ng mga mangyayari sa palabas.
Pero hindi ko magawang sumaya o mabuhayan man ng loob sa oras na 'to.
At hindi ko alam kung magiging masaya pa ako.
"May kailangan ka pa ba, babe? Tubig? Gusto mong tubig? Hindi ka pa kasi umiinom eh."
Lumampas lang sa aking pandinig ng mga iyon. Ni hindi ko binigyang pansin kung kakilala ko ba ang nag-salita, basta ang alam ko, wala na akong dapat kinakausap.
Marumi na kasi ako.
Hindi na ako karapat dapat pang makasalamuha ng iba.
Ni hindi na nga ako dapat humihinga pa.
May humawak sa kamay ko. At nung oras na lumapat ang balat niya sa akin, agad na bumalik na para bang rumaragasang baha ang lahat ng nangyari. Muling nararamdaman ng katawan ko ang mga kahayupang nadama ko. Muli ko na sanang hihilingin ang pag-tigil nila ngunit nag-iba ang naramdaman ko sa hawak na 'yon.
Na para bang ligtas na ako.
Na para bang wala na akong dapat ipangamba.
Na wala ng mangyayaring masama.
Kasabay ng kakaibang naramdaman ko sa hawak na iyon, nakaramdam din ako ng pag-tulo ng mga butil ng tubig sa aking kamay.
"Babe, Charlie, sorry. Sorry. Sorry kasi wala ako, sorry kasi hindi kita naipagtanggol sa mga putang gumawa nito sa 'yo, sorry kasi kinailangang maranasan mo pa 'to. Sorry. Ang laki ng pagkukulang ko bilang boyfriend mo, Charlie. Simula ngayon, gagawin ko na ang lahat para sa'yo, hinding hindi ko na hahayaang maulit pa 'to. Magiging mas mabuti akong boyfriend mo."
Ramdam ang lungkot sa pamilyar na boses ng nagsasalitang iyon. Mababahiran mo ng pagsisisi, lungkot, at galit ang tono niya. Ramdam mong dinaramayan ka niya sa nararanasan mo.
"Sige babe, tulungan ko muna si Mico sa baba. Diyan ka lang ha? Aakyatan ka na namin maya maya ng makakain."
Dahan dahan kong sinilayan ang taong nakatalikod at paunti unting lumalayo sa akin.
"Kristian."
Mahinang bulong lamang iyon ngunit agad kong napansin ang biglaang pag-lingon at pag-lapit niya sa akin. Namumugto na ang mga mata niya, pulam pula na dahil siguro sa kaiiyak. Pero sa kabila ng mga nag-uunahang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata, naka-ngiti siyang naka-tingin sa akin.
"Mahal kita Charlie. Mahal na mahal."
Muli ay ngumiti siya ng humiwalay siya sa aming yakap. Inayos niya muna yung mga unan sa aking likod bago marahang iginiya papahiga sa kama. Bago tuluyang umalis ay humalik muna siya sa aking noo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
< Mico's POV >
"Kumalma ka Kristian, hindi makakatulong yang mga iniisip mo. Tandaan mo kung sinong kasama natin." mahina kong bulong dito sa katabi ko habang patuloy naming tinatahak ang isang pasilyong maghahatid sa amin sa aming pakay.
