Chapter 9: The Boggling Promise

10.6K 309 9
                                    

< Charlie Devin's POV >

*snap* *snap*

Ayos. Walang reaction. Tss mainam ang mga pinag-gagawa nitong taong ito sa sarili niya. Totoo.

*snap* *snap*

Last. Last na subok na lang talaga 'to.

*snap* *snap*

Aish! Ano ba naman 'tong bisugo na ito?! Hindi talaga iimik? Hindi talaga malimutan? Hindi maka-get over? Ang OA! Tch

Kanina pa siya ganyan, simula nung sinumalan ko yung pag-pain ko sa sarili ko para lang matulungan siya. Naging tulala lang siya na para bang namatayan ng minamahal o ano. Muntikan na nga siyang masagasaan nung umaaribang tricycle dahil sa katarantaduhan niyang iyan eh. Ewan ko ba, ganuon ba kahirap maintindihang nililigawan niya na ako? Grabe naman talaga 'tong si bisugo oh. Hayy

Nag-lapag ako ng maiinom niya sa lamesa. Naupo naman ako sa tapat niya. "Alam mo, sobra na iyang inaarte mo eh. OA na eh. Hindi na nakaka-aliw."

"Ano na lang ang iisipin ni Piper? Haist..." Sa wakas! Nag-salita rin.. Pero seryoso, Piper nanaman? Yung babaeng bruha nanaman ang nasa utak niya?

"Pwede ba? Medyo nagsisimula na akong mainis ha. Ilang beses na kitang nasamahan at puro Piper na lang ang narinig ko sa'yo. Tengene, sirang plaka ka ba?"

Tinigil niya yung kaartehan niya tapos ay tumingin sa akin. "Eh sino ba naman kasing hindi mababahala sa mga pinag-sasabi mo?! Ako? Nanliligaw na sa'yo?! Anong kagaguhan naman yun?"

Tama nga naman siya, Charlie Devin. Sino nga ba namang hindi mababahala sa mga sinabi mo kanina? Siguradong makukurot ka sa singit ng tatay mo diyan sa mga pinagsasabi mo eh.

Pero grabe, hindi naman yata kagaguhan yung ginawa ko. Kasi kung kagaguhan nga iyon, kagaguhan na pala ang tawag sa pag-tulong mo sa isang taong napapariwara dahil sa napakababaw na dahilan. Tama ako 'di ba? Mag-sabing hindi kagigisingan niyo na lang na kulot na ang LAHAT ng buhok niyo sa katawan. Hahahaha! Biro lang siyempre.

"Eh anong gusto mong sabihin ko dun sa bru--" napa-hinto ako sandali sa pagsasalita dahil sumama bigla ang tingin nitong si Delos Reyes sa akin, alam na yata ang susunod kong sasabihin. " sa ex mo? Na iniiyakan pa siya nung lalaking iniwanan niya? Bakit, guusto mo bang tawanan ka lang niya ulit? Mas masakit nga lang yun siguro dahil may dalawa pang makakakita nung pag-tawa ng ex mo."

Naintindihan niya ang pinupunto ko. Sigurado naman kasi akong mahihiya sa'min ni Mico itong si bisugo kapag nakita naming tinatawanan lang nung bruha niyang ex yung pag-iyak niya sa kanya. Nakakadurog kaya ng pagkalalaki kapag may ibang lalaking makakakita ng mapang-uyam na pagtawa ng isang babae sa dati niyang syota.

"Pero bakit yun pa sinabi mo? Napakaraming dahilang meron d'yan! Mas lalo namang napakaraming babae d'yan ang pwede kong ligawan, bakit ikaw pa ang sinabi mo?"

Tumaas ang kilay ko sa narinig. Masyado kasing maarte, hindi na lang magpasalamat. Psh "So kasalanan ko pang natulungan kitang ma-iwas yung sarili mo sa kahihiyan? Wow pare, astig ah."

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon