TyraSays: 2 updates for one day. Hihi A token of appreciation for the support you guys are giving. :)
Comment your thoughts. :)
Itstyra:*
------------------------
"Guys, magaganda yung records na itu-turn over ko sa adviser niyo." kausap ko ngayon ng masinsinan yung klase ko dahil ito na yung huling araw na graded ang mga ipagagawa ko sa kanila. Thursday na kasi ngayon, aalis na ako bukas at gusto ni Principal na sulitin ko raw bukas ang oras ko kasama sila ng hindi naabala. "So I hope na kapag bumalik na yung adviser niyo, ipagpatuloy niyo iyan. Sana panatilihin niyo yung grades na ibinigay ko sa inyo."
Masinsinan ko silang kinakausap tungkol sa grades nilang nakuha sa akin nung agawin nina Lian at nung isa pang babae na katabi niya ang atensyon namin. Paano ba naman kasi, nag-hilahan bigla ng buhok. Mga babae nga naman.
"Ano 'to? Ba't may sabunutan?"
"Eh kasi itong si Lian, ma'am!" sumbong ni Kyla, yung sumabunot at sinabunutan ni Lian.
"Anong ako?! Eepal ka na lang kasi wala pa sa ayos eh!"
"Eh ano ba kasing ginawa ni Lian, Kyla?" tanong ko. Naguguluhan na kasi ako sa sisihan nitong dalawang 'to. Muntimang eh.
"Ungol kasi siya ng ungol" sagot ni Kyla sa akin na ikinatawa nung ilan sa mga lalaki. Kahit ako, bahagyang napangiti eh. "Nakikinig kasi ako sa'yo ma'am kasi baka mamaya may bagsak ako sa'yo, tapos bigla na lang akong nakarinig ng mahinang halinghing. Akala ko nung una kung ano lang kaya pinabayaan ko. Eh pero biglang dumalas, so tinignan ko si Lian, ayun ungol ng ungol!"
"Bakit ka ba kasi umuungol Lian? Don't tell me...."
Walang atubili ang pag-iling nung tao sa pag-dududa ko sa kanya. Nakakatawa siyang tignan, na napansin ng mga kaklase niya kaya nagsitawanan sila.. "Eh paano naman kase, last day mo na bukas! Hinahabilinan mo na kami!"
At sa sinabing iyon ni Lian, lahat ay biglang nawalan ng gana. Ang ingay ng classroom kanina, may mga nagtatalo pa nga sa grades nila. Tapos bigla na lang, na para bang may iisa silang utak, tumahimik silang lahat pagkarinig nung reklamo ni Lian.
Kaya ayaw ko ng mga ganito eh. Ang hirap nilang harapin kasi hindi ko alam kung paano ako tamang magpapaalam sa kanila. Ayaw kong malungkot kasi iiwanan ko sila, may mga ipinabaon naman kasi silang mga bagay na magpapaalala sa akin sa kanila. Pero heto eh, kinakailangan nga sigurong mangyari nito.
Payak na ngiti ang ibinigay ko sa lahat. Sinubukan ko munang tignan sila isa isa bago ko sila kinausap. "Alam niyo, ayaw ko sana na kausapin kayo tungkol sa pag-alis ko. Babalik lang naman kasi tayo sa dati eh. Yung mga lantaran niyong ginagawa sa harap ko, sisimplehan niyo na ulit pag-alis ko . Ayaw kong gawing malaking bagay ang pag-alis ko. Tsaka ano ba, nasa taas niyo lang kami, pwede niyo akong puntahan dun!"
Pero walang nagawa ang mga sinabi kong iyon para alisin ang emosyong biglang bumalot sa klase. Ano ba yan, ang aga agang drama naman nito. Hayyyy
"Ano ba guys, cheer up! Hindi naman ako tuluyang mawawala, babalik lang ako sa tunay kong school na muli, ay nasa taas lang ng eskwelahang ito. Kalma na. At ano pa ba ang silbi ng Facebook, Twitter, Instagram, Tumblr, Wechat, Skype, Pinterest, at Viber accounts ko?" Opo. Hindi naman po ako ganuon kahilig sa Social Networking Sites. Kinatatamaran ko mag-internet talaga eh. Halata naman ano? "Eh pati nga PlanetRomeo gagawan ko ng account kung gusto niyo para lang may paraan para makausap niyo ako ng madalas eh."
At sa wakas, nag-simulang bumalik sa normal ang mga tao sa silid na'to. Nahiwagaan kasi yung mga nakararami kung ba't biglang natawa yung kaklase nilang beki. Kahit ako ay napapangiti't iling sa nasabi ko. Hahaha