Chapter 26: The Unwavering Ally

6.4K 249 9
                                    


"Kawawa naman yang batang iyan ano? "




Totoo kaya yung mga bali-balita?"




"Nakaka-awa naman yang batang 'yan ano?"




"Ano kayang sinabi sa kanya nung tatay niya? Malamang pinagalitan iyan."





"Bakit naman kasi pumatol pa sa lalake eh.." "Hayy. Ganyan talaga siguro ang mga nangyayari sa mga gaya niya mare, niloloko lang."





Wow. Wow. Hindi ko naman inaakalang ganito kabilis kakalat ang tsismis sa kalye namin. Akala ko naman aabot pa kahit isang araw pa. Akala ko nga makakalagpas sa kanila ang nangyari sa akin. Pero minaliit ko ang kakayahan ng aking napakatatahimik na kapitbahay sa pag-sagap ng mga balita at bagay bagay na kukuha sa atensyon nila.

Siguro ayos na yung umabot ng tatlong araw na hindi nila alam ang mga nangyari. Siguro dapat makuntento na ako na atleast, umabot ng ilang araw bago nila ako napag-usapan.

At ayan nga, sa wakas, tuluyan na akong napasama sa listahan ng mga taong nakatira sa kalyeng ito na pinag-tsismisan nila.

Hindi ko rin naman sila pwedeng sisihin eh, alam ko namang sa oras na kumalat ang alin man sa mga nangyari sa akin nung mga nakaraang araw, malamang sa malamang eh pag-uusapan nila yun. Eh bakit naman hindi? Napaka-malihim kong tao sa kanila. Ang daming bagay ang gusto nilang malaman sa amin ng tatay ko. Ewan ko nga ba kung parte pa rin iyon ng pagiging bagong salta namin sa lugar nila o talagang nasa dugo na nila ang makipag-tagisan ng galing kay Cristy Fermin pag-dating sa tsismis.

Tahimik at walang imik na lang akong nag-lakad pauwi sa amin. Walang saysay kung papatulan ko pa o kaya'y magbigay pa ako ng saloobin, masasayang lang ang laway ko dahil mas mahalaga pa rin naman sa kanila yung balitang iniwanan ako ni Kristian para makipag-balikan kay Piper. Malamang na mas gugustuhin nilang pakinggan yung balitang ginawa lang akong panakip butas ni Kristian. Hayaan na lang sila sa gusto nila. Sana lang, may pumalit agad na bago nilang pag-uusapan o kaya eh mag-sawa na sila agad. Hindi kasi magandang malamang pinag-uusapan ka ng mga kapit bahay mo.

Pagkapasok ko ng aming bahay, agad akong sumalampak sa pagkaka-upo sa sofa namin. Hindi naman kasi ako nasabihang nakakapagod pala talaga ang araw araw na hunarap sa ganitong klaseng.... Ah basta, sobrang nakakapagod na. Ito yung mga panahong ang sarap na lang tulugan ng lahat at huwag ng gumising pa. Pero huwag kayong ano diyan, wala akong balak magpakamatay. Ayos ng yung puso ko yung namatay, huwag lang mawala buhay ko. Mas mahal ko bukay ko kesa puso ko eh. Amp! Dramaaa! Haha

"Kanina ka pa ba diyan?" napa-igtad na lang ako nung biglang may mag-salita. Ang laking gulat ko talaga kasi alam kong ako pa lang ang tao sa bahay tapos biglang may magtatanong sa akin. Naka-hinga naman ako nung malamang si tatay pala iyon.

Nagtataka man sa kung bakit ang aga niyang umuwi ngayon, nilapitan ko pa rin siya at nag-mano. Matapos iyon ay sinabihan ko siyang umupo para mapag-handaan ko siya ng meryenda. Matapos hainan, hinalikan ko siya sa pisngi at nag-paalam na magpapalit muna ng suot.




"Ayos ka lang ba Charlie?"




Ano ba itong tanong na ito ni tatay? Parang ewan. Hinarap ko siya at binigyan ng malawak na ngiti. "Mukha ba akong may sakit sa iyo, tatay ko? Maayos ako. Walang sumasakit o masakit sa akin."

"Pag-tatakpan mo pa ba siya? Anak kita Charlie, inaalam ko ang mga nangyayari sa'yo." tsk. Tatay namaaaaaaaan eh. Dapat hindi mo na lang inalam. Dapat hindi na lang. Na-guiguilty ako sa pag-sisinungaling ko sa iyo eh.

Pinili kong huwag munang sagutin si tatay sa sinabi niyang iyon. Marami pang oras ang meron kami para lubusan kong ipaliwanag sa kanya ang mga nangyari. Sa ganoong pasya, sinubukan kong humakbang papaalis ng lugar na iyon pero agad akong pinigilan ni tatay.

"Sasagutin mo ba ako o gusto mong puntahan ko na lang mismo yung lalaking iyon para pagpaliwanagin at bigyan ng leksyon sa ginawa niya sa'yo?"

"Tatay naman eh!" atungal ko nung nilapitan ko siya. Tinabihan ko siya. "Ano bang gusto mong malaman, tatay? Kung totoo ba yung mga pinagtatalunan nila Aling Oyang diyan sa kanto? Oo. Totoo iyon. At sabi mo nga kanina, alam mo na yung mga nangyari kaya ano pa tatay?"

Seryoso niya akong tinitigan. At nung oras na yun, dahil sa titig ng aking tatay, para bang gusto ko na lang siyang yakapin at umiyak sa kanya hanggang sa gumaan na ang aking pakiramdam. "Bakit hindi mo sa akin sinabi?"

Nag-labas ako ng isang pilit na ngiti bago ko iniwasan ang tingin ni tatay. Nakukunsensya kasi talaga ako. "Wala kasi akong maisip na paraan para matulungan siya tay eh. Kaya ayun, nakapag-lihim ako sa'yo."

"Sa pag-tulong mo sa kanya, nakita mo na ang nangyari sa'yo?"

"Nangyari sa akin?" taka kong tanong kay tatay. Napa-iling na lang ako at bahagyang natawa bago tumayo sa pagkaka-upo.

"Tatay, ayos lang ako. Masaya akong naka-tulong ako."

Bago ko siya iwan, binigyan ko si tatay ng isang napaka-higpit na yakap. Hindi na kailangang malaman ni tatay ang tunay na nararamdaman ko ngayon. Ayoko siyang mag-alala sa bunga ng pagsisinungaling ko sa kanya. Sapat na siguro ang yakap na yun para maramdaman niyang ayos lang ako.

Ilang hakbang bago ako tuluyang maka-akyat sa taas, tinawag ako ni tatay. Hinarap ko siya ng may ngiti sa labi. "Charlie, tatay mo ako. Kilala ko ang lahat ng klase ng ngiti mo pati na takbo niyang utak mo. Hahayaan kitang harapin yang pinagdadaanan mo pero tandaan mo, andito lang ang tatay mo kung sakaling hindi mo na kayanin."




Isang malalim na hininga ang aking inilabas pagkapasok ko ng kwarto ko. Ang hirap mag-tago ng nararamdaman kay tatay lalo pa't unang beses ko itong nararamdaman. Pero wala eh, kasalanan ko rin naman. Pinili ko ito eh, de panindigan!

Marahan kong inihiga ang aking sarili sa kama at pumikit. Gusto ko lang maka-hinga ng maluwag ngayon, yung walang iniintinding kahit ano. Nadadagdagan kasi lalo yung sakit sa loob ko. Nagpapatong patong sila at hindi ko na malaman kung paano ko pa kakayanin kung sakaling madagdagan pa sila. Ito na yata ang panahong susubok sa katatagan ng loob ko.

Sa dami ng iniisip, hindi ko napansing naka-tulog pala ako. Nagulat na nga lang ako kasi bigla na lang may marahang humahagod sa buhok ko. Alam kong si tatay yun, madalas kong pinagagawa sa kanya yun nung bata pa ako para maka-tulog eh.

"Ngayong araw ko lang talaga napatunayang malaki ka na nga anak. Akalain mo yun? Pinagtstsimisan ka na ngayon ng kapitbahay dahil sa nangyari sa'yo, sari saring version na nga yung naririnig ko eh. Hahaha! Alin ba sa mga yun ang totoo ha, anak?" tatay naman eh! Nakuha pa akong tawanan. Kaasar.

"Pero anak, sana sinabi mo na lang sa akin yung totoo." nawala ang tawa sa boses ni tatay. Ramdam ko ang pagiging seryoso niya habang patuloy siya sa paghagod ng aking buhok. "Sana ikinuwento mo sa akin. Para ako ang nag-isip ng paraan. Para sana hindi ka nakakaramdam ng ganyan ngayon."

"Alam kong idedeny mo sa akin yang nararamdaman mo, sasarilihin mo nanaman yan kasi sa tingin mo kasalanan mo. Sige, hindi kita pipilitin sa gusto mo Charlie pero natatakot ako. Kaya sana, hanggang kaya mo pa, maayos na yang pinagdadaanan mo dahil ngayon pa lang, nahihirapan na ako sa mga naririnig ko." Napansin ko ang pag-iba sa boses ni tatay. Para siyang naiiyak.

Marahan akong bumangon saka ko nilingon at niyakap si tatay. Hayyy. Kahit papaano, ang swerte swerte ko talaga sa tatay ko't mahal na mahal niya ako. Nakakagaan ng loob malamang may lalaki sa buhay ko na alam kong hinding hindi ako pababayaan. Mahigpit ang pagkakayakap ko kay tatay para maramdaman niya ang labis kong pagmamahal at pasasalamat sa ginagawa niyang pa-intindi sa kalagayan ko ngayon. Sandali pa'y marahang kumalas sa yakal ko si tatay at tinignan ako sa mata. Nakita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala para sa akin, ang takot, ang pangamba. "Kakayanin mo 'yan ha? Naandito lang si tatay." Ngumiti ako habang tumatango sa sinabi ni tatay bago niya ako muling niyakap.



Kakayanin ko ito. Para kay tatay. Para sa akin.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon