Chapter 60: The End?

4.3K 168 5
                                    

< Charlie Devin's POV >

"Talaga ba?" ang tangi kong sagot sa banta niya. Matatakot sana ako kung may mga nagtatangkaran at naglalakihang mga muscle na mga lalaki ng nasa harapan ko eh. "Sige nga. Patayin mo na ako, Piper."

Tila hindi nanaman nagustuhan ni Piper ang winika ko. Pero hindi gaya kanina, hindi na niya napagilan at sampalin ako sa kawalan ko ng emosyon sa nangyayari. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Charlie! Seryosong papatayin kita!"

"At sa tingin mo matatakot mo 'ko sa banta mong 'yan? Duwag ang taong takot mamatay, Piper. Bukod dun, paano mo ko papatayin? Gamit 'yang dos por dos mo?"

"Heto? Panlulumpo ko lang sana sa'yo 'to kung sakaling manlaban ka." mala-demonyo ang ngising ipinakikita niya. Tapos ay may binunot siya mula sa bulsa niya at nakita kong baril pala iyon nung matamaan ng liwanag. "Ito. Ito ang papatay sa'yo."

Ngayon ko napag-tanto na seryoso nga siya sa mga sinasabi niya. Talaga ngang araw na ng kamatayan ko. Itinutok niya ang baril niyang hawak sa akin, hindi ko makitaan ang kanyang pagmumukha ng senyales na hindi niya seseryosohin ang banta niya.

"Bago mo 'ko patayin, gayahin natin yung mga nangyayari sa pelikula." naka-ngiti kong saad na ikinakunot noo naman niya. "Ipaliwanag mo sa'kin kung ba't ginagawa mo 'to."

"Kailangan pa ba 'yun? Hindi ba pwedeng barilin na lang kita para tapos na? Ayaw ko kasing nag-sasayang ng oras eh."

"Mamamatay ako ng walang dahilan? Gago ka ba?"

Mula sa kawalan, nakakuha siya ng isang upuan at inilagay iyon ilang hakbang mula sa tapat ko. Itinago niyang muli yung baril bago umupo. "Sige, simulan na natin. Hindi ko kasi makuha eh. Ano bang meron kang bakla ka at nakukuha mo ang lahat? Hindi ko alam kung ba't ayaw kang layuan ng mga lalaking gusto ko! Ano bang ginagawa mo? Ga'no ka ba kagaling sumuso ng ari nila? Mas matindi ka ba kumpara sa'kin sa kama kaya hindi ka nila malimutan?! Pvta! Bakla ka lang Charlie pero walang wala akong tunay na babae pagdating sa'yo!"

Sa mga paliwanag niya, sinusubukan kong unawain kung saan nagmumula ang mga hinanakit niya. Sinusubukan ko siyang intindihin. Pero hindi ko alam na napakababaw lang pala ng pinagmumulan niya. Akala ko may malalim na dahilan kung bakit s'ya nagkakaganyan.  Pero dahil lang sa lalaki? Sigurado ba siya?

"Siguro naman alam mong napakaraming lalaki sa bansang 'to,  Piper. " at talagang nakuha ko pang maging kalmado sa mga ganitong oras.  Mainam.  "Dalawa lang sina Kristian at Mico sa milyon milyong lalaki sa mundong ito na pwede mong harutin.  Bakit mo kailangang isiksik yung sarili mo sa mga taong hindi ka na gusto?"

"Madali sa'yong sabihin 'yan kasi hindi mo naranasan!"

Natawa ako ng wala sa oras.  "Hindi naranasan? Nung niyaya mong makipag-balikan si Kristian sa'yo, nakita mo ba akong nagmakaawa sa kanya?  Narinig mo ba akong ipinilit ko ang sarili ko sa kanya? Hindi gaya mo,  hindi ko ugaling ipilit yung sarili ko sa taong hindi na ako ang kailangan.  Masakit sa simula,  oo.  Pero mas mabuti ng masaktan ka sa simula kesa paulit ulit kang masaktan dahil ibang tao na ang hinahanap ng taong mahal mo."

"Huwag mo kong igaya sa'yo,  bakla.  Hindi ako martir na magpapaubaya lang. Gagawin ko ang lahat para mapasaakin ang gusto ko."

"At mas nanaisin mo pang masaktan para lang makuha mo ang gusto mo?  Pasensya na Piper,  pero hindi mo ako kagayang masokista." depensa ko.

Wala siyang sinagot sa sinabi ko ngunit tumayo siya't naglakad papalapit sa akin habang kinakaladkad yung pamalo niya. Ramdam kong may hindi magandang mangyayari sa pag-lapit niya.

"Ang ayaw ko sa lahat ay yung hindi ako pinatatapos sa kinukwento ko." tuso niyang sabi bago niya hinampas yung dos por dos sa mga binti ko.

Halos mapamura na ako sa sakit na dulot ng pagkakahampas na 'yon. Pero hindi ako narinig ni Piper na sumigaw dahil sa sakit. Hindi ko hahayaang sumaya yung tenga niya sa sakit na idinulot niya.

Muling nagpatuloy si Piper sa pagkukwento na para bang walang nangyari. "Ayun na nga,  ano nga bang meron ka Charlie? Hindi ko maintindihan  kasi eh. Anong habol nila sa'yo kaya hindi ka nila maiwanan? Anong ginawa mo sa kanila para hindi ka nila layuan?!"

"Naisip mo ba na maaring hindi sa kung ano yung ginagawa ko kaya ayaw nila ako layuan? Natanong mo ba sa sarili mo kung may kulang ka o ano yung ginagawa mong mali para hindi ka naisin nina Kristian?" may naging epekto pala ang karahasan nitong bruhang 'to,  nanghina ako bigla.

Masama niya akong tinignan,  akala ko nga mahahampas nanaman ako ng dos por dos pero wala naman siyang ginawa. Medyo nakahinga ako dun ng maluwag,  akala ko talaga may round 2 eh.

Dahil sa hindi siya nag-salita,  naisip ko pa ring guluhin ang pag-iisip niya.  Hindi ko nga lang sigurado kung tama ba 'tong ginagawa ko. "Piper,  bago mo ko nakilala,  kayo na ni Kristian.  Alam mo bang nakaramdam ako ng inggit noon sa inyong dalawa? Sino ba namang hindi,  parehas may binatbat yung mga mukha niyong dalawa tapos kung mag-lambingan pa kayo sa plaza ganun ganun na lang. Sinong hindi maiingit sa ganun? Relationship goals ng karamihan yung ginagawa niyo noon Piper. Pero anong nangyari? Iniwan mo siya, ipinagpalit mo si Kristian para kay Mico."

"Alam kong alam mo na ilang beses ng nilinaw ni Mico yung kung anong tingin niya sa'yo: na pagkakaibigan lang ang maibibigay niya. Pero anong ginawa mo? Ipinilit mo pa rin sa kanya sarili mo. Tapos ano? Nung narealize mo na wala ka talagang mapapala kay Mico anong ginawa mo? Binalikan mo si Kristian kung kelan may nangyayari na sa'ming dalawa. Ngayon, tanungin natin ang mga sarili natin Piper.  Sino nga ba ang may mali sa ating dalawa? Ako nga ba talaga?"

"Tapos ka na ba sa litanya mo?" walang emosyong saad ni Piper pagkatapos kong mag-salita. "Siguro naman ngayon,  maari na kitang patayin?  Masyado ka naman ng maraming nasabi para maging mga huling salita mo."

Dahan dahang itinaas ni Piper ang mumunting bagay na gawa sa metal at itinutok iyon. Isang mumunting bagay na magwawakas sa aking buhay. Ikinasa niya ang baril na nagpapatunay na iilang sandali na lamang ang natitira sa akin.

Dahil tinatanggap ko na ang maaring mangyari sa akin, ipinikit ko ang aking mga mata bago nagsilay ng ngiti sa aking labi. Okay na rin naman kasi. Maaga mang matatapos ang buhay ko,  at least naging masaya ako. Ayun naman ang mahalaga 'di ba? Yung hindi mahalaga ang tagal ng pananatili mo sa mundong ito pero ang mahalaga ay yung nagawa mong maging masaya sa pananatili mo.










"Paalam Charlie."

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon