TyraSays: Hello! I wanted to dedicate this medyo maikling chapter sa kanya cause she's been a great reader. I love her reactions to some chapters and I find it all cute. Haha! I hope you continue reading my stories. Thankies! :*
-------------------------------------
< Charlie Devin's POV >
Crush.
Crush.
Sabi ni Webster pati na ni Oxford, ang meaning daw ng "crush" ay "the infatuation of someone to another".
Ang crush daw ay ang pagkagusto ng isang tao sa isa pa.
Ang crush daw ay pag-hanga.
Napaka-raming depinisyon at pagbibigay kahulugan ang nagawa para sa salitang "crush" at lahat sila ay iisa lang ang ipinupunto.
Sa panahong ito, isang normal na bagay nalang ang pagkakagusto ng isang tao sa kapwa niya. Uso pa nga yung hindi lang isa ang crush mo eh.
Ako? Oo, marami akong naging crush, maharot ako eh. Puro nga lang sila artista, sa kanila lang naman ako nagkakagusto eh.
Noon yun.
Iba na ngayon.
Sa unang beses, nagkaroon ako ng crush na nakakalapit sa akin. May crush ako na hindi crush ng bayan. May nagugustuhan akong hindi gusto ng buong bansa.
May crush ako.
At si Kristian Delos Reyes yun.
Oo. Tanggap ko na. Tumalab sa akin ang ka-gwapuhan ni bisugo. Aakalain niyo bang mangyayari yun sa'kin? Na magugustuhan ko yung taong kinaiinisan ko nuon? Ganun nga siguro talaga ang buhay, nagugustuhan mo yung ayaw mo gaya ng inaayawan mo yung mga gusto mo.
Pero lilinawin ko lang, gusto ko pa lang si Kristian. Gusto lang. Hindi pa mahal, at pipilitin kong huwag umabot doon.
Oo. Gusto ko si Kristian pero sana hanggang duon na lang. Ayaw ko masaktan. Natatakot akong masaktan.
Kilala ko si Kristian, mas lalaki pa siya kumpara sa pinag-sama samang mga lalake ng mundong ito. Straight siya at paniguradong walang tsansang maging kami ni magustuhan niya ako. Kung magkaroon man ng kahit katiting na tsansa, parang hindi pa rin uubra. Si Piper ang gusto ni Kristian, nahahalata niyo naman yun 'di ba? Yung bruhang yun ang kailangan niya. Mahal pa niya si Piper kasi kung hindi na, hindi namin pag-tatalunan yung nangyari sa'min ni bruha nuon na naging dahilan kung bakit nasampal ko siya.