Chapter 27: At Total Impasse

6.4K 231 6
                                    


Maraming bagay sa mundong ito ang napakadaling sabihin pero napakahirap gawin.

Maraming bagay yung nasasabi natin ng walang kagatol gatol pero tila pinapatay tayo kapag hiningi sa ating panindigan ang sinabi nating iyon.

Gaano na ba karaming tao ang nagsabing mag-didiet na sila pero sa kada makakakita ng pagkain ay biglang nalilimutan ang "diet" na sinasabi nila?

Ilang lalaki na ba ang ang nangakong hindi na mambababae pero sa kada makakakita ng babaeng hapit na hapit sa kaselanan ang suot eh napapatitig at hindi magkandatuto sa gagawin?

Eh gaano na ba karaming babae sa bansang ito ang nagsabing titigil na sa pagiging magastos pero nalilimutan ang pinangakong iyon kada mababalitaang may sale o kaya ay narinig na magaganda ang mga naka-display sa mall ngayon?


Lahat tayo. Ikaw, ako, mga magulang natin, pati na nga ang presidente ng bansang ito ay pinagdaanan na yan. Ang magsabi ng isang bagay pero hirap na hirap tuparin o panindigan.

Gaya ko. Nangako ako kay tatay na kakayanin ko. Nangako ako na magiging matibay ako. Pero anyare sa akin? Heto, hirap na hirap.


Lalo ngayon.

Lalo sa nakikita ko.

Bakit ba kasi may mga pangakong napakahirap tuparin?

"Sinabi ko naman kasi sa'yo eh!" walang magawang sabi ni Mico. Tumabi lang siya habang wala sa sarili kong pinanunuod ang aking mga nakikita.

Oo. Kasama ko nanaman si Mico. Lagi ko naman siyang kasama eh. Hindi niya ako iniiwan. Araw araw yan. Kulang na nga lang eh lumipat na siya sa eskwelahan namin at samahan ako sa mga klase ko. At gaya nung mga nakaraang araw, niyaya niya akong gumala.

Kitang kita mula sa kinauupuan namin ni Mico sina Kristian at Piper. Ang saya nila. Ang saya saya nila. Nakita ko na silang ganito kalambing nuon pero bakit ang sakit sakit ngayon? Ang saya ni Kristian. At ang sakit kasi hindi ako ang nakakapagpasaya sa kanya. Ang sakit kasi kitang kita ko kung gaano siya pinasasaya ng iba. Ay mali, hindi pala iba ang taong iyon, hindi pala iba si Piper. Si Piper nga pala yung mahal niya. Hindi ako.

Magagawa ko kaya kay Kristian ang ginagawa nila ngayon? Mararanasan ko kaya ang sayang nararanasan ni Piper sa kasama niya?

Nabigla na lang ako nung bigla akong iniharap ni Mico sa kanya at saka pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang inilabas ng aking mga mata. "Tumahan ka na. Hindi tayo gumagala ngayon para umiyak ka lang."

Minsan, ako na ang nagsasawa para kay Mico. Lagi na lang kasi niya akong nakikitang ganito. Lagi na lang sa araw araw na kasama ko siya eh nagkakaganito ako. Nakakahiya na nga pero hindi ko alam kung bakit hindi ko mapigilan. Ilan na nga yatang balde ng luha ko ang naitapon na ni Mico. Pero kahit na ganuon, lagi pa rin siyang nandiyan. Lagi pa rin siyang nasa tabi ko. Nagpapasalamat nga talaga ko kasi hindi niya talaga ko pinababayan. Ang bait bait niya talaga.

"Oh" matapos niyang punasan ang aking pisngi ay bigla siyang naglabas ng isang container. Ice cream. Chocolate. "Mahal yang ice cream na yan kaya huwag mong sayangin para lang sa pag-iyak mo."

Nang bigyan ko ng tingin si Mico, nakita ko siyang nakatingin rin sa akin gamit ang mga matang parang tinatantiya pa ang aking magiging reaksyon. Para ngang nakahinga ng maluwag yung tao nung ngumiti ako saka siimulang tikman yung dala niya.

Sa patuloy na pang-aaliw at pangungulit ni Mico, bahagya niyang napagaan ang nararamdaman ko at nakalimutan ko ring nasa likod ko lang pala ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Pwede ng pamalit sa alak itong pangungulit ng kaibigan ko, mas effective pa kasi yun panglimot.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon