Chapter 57: Replenishing Fear

4.8K 169 3
                                        

Tyrasays: This is just a filler chapter guys. Sorry if mababaw. Sorry kung corny. Sorry kung nonsense. :)

--------------------------

"Charlie! Ano ba! Kanina ka pa d'yan sa kwarto! Malalate na tayo!"

Natataranta na ako sa walang tigil na pag-sigaw ni tatay sa baba, at hindi ako maganda mataranta dahil mas lalo akong bumabagal. Hindi ko na nga maintindihan kung anong dapat kong gawin ngayon eh, nililito ko ng pangungulit ni tatay. Ba't naman kasi hindi ako nagiaing ng maaga. Psh.

Sinigurado kong maayos na akong tignan sa suot ko bago ko kinuha yung bag ko at tumungo sa baba.

"Ang tagal mong bata ka! Ano bang pinaggagawa mo sa kwarto mo?" bungad ni tatay sa'kin pagtapos lumapit at ayusin muli yung suot ko.

"Eh 'tay, san mo ba kasi binili 'tong pinasuot mo sa'kin? Napakainit!"

Hindi ko na napigilang mag-reklamo. Tae naman kasi yung nabili ni tatay eh, hindi mo aakalaing napakainit pala nun sa balat.

Kagabi, nung dumating si tatay, kasabay ng pasalubong niya ay dala niya yung damit na'to. Natuwa nga ako dahil maganda tignan yung damit, napuri ko pa si tatay dahil natututo na siyang pumili ng matitinong damit para sa akin. Gusto ko na nga sanang sukatin kagabi para malaman kung bagay kaya lang ginawa namang traje de boda ni tatay yung damit, huwag ko daw sukatin at baka malasin ako bukas. Kahit nakakaloka yung binigay niyang paliwanag, hinayaan ko na lang dahil hindi naman niya mararanasang masabi yun sa totoong traje de boda. Para naman kasing makapag-susuot ako nun 'di ba?

So ayun na nga, hindi nga perfect ang life. Maganda nga yung damit na nakuha ni tatay, pero bang init naman! Pagkasuot na pagkasuot ko pa lang nung damit, gusto ko na agad alisin at mag-bikini na lang papunta dun sa school ko eh. Sorry kung medyo maarte pero ako kasi yung taong hindi talaga nag-susuot ng mga damit na hindi ako nagiging komportable. Ayoko sa maiinitan at masisikipan ako, masyado akong maganda para magtiis sa mga damit na kaya ko namang hanapan ng mas komportableng katulad.

"Tiisin mo na lang, sandali lang naman yung eksena no dun. Magpalit ka na lang mamaya."

Eh ano pa nga bang gagawin ko? Hayy. Buti at mayroong pang-donyang pamaypay dito sa bahay na padala nung mga kamag-anak namin sa ibang bansa. Madala nga iyon ng mabawasan naman yung init na mararamdaman ko mamaya.

Sinisigurado na lang ni tatay na maayos ang lahat sa bahay bago kami umalis nung biglang may kumatok sa pinto. Pinagbuksan ko na kahit ayaw na ayaw kong gumalaw dahil sa init na kanina ko pa iniinda.

Agad na nakita ni tatay yung bisita pagbukas ko ng pinto. "Oh buti dumating ka na Kristian, hali na't baka mahuli pa 'tong syota mo sa eksena niya."

Napa-kunot na lang ang noo ko sa napaka-supportive na salita ni tatay. Napa-tingin ako kay Kristian na wala ring nagawa kundi ang mapa-ngiti na lang. Kakaiba nga naman talaga si Carlos Laurel.


May ilang oras pa ang natitira bago ang culminating ceremony ng Founder's week nung dumating kami nina tatay sa school. At dahil nga may extra time pa, agad na inisa isa ni tatay yung mga teacher ko sa lahat ng subjects. Ugali niya yan kahit noon pa, kada kakailanganin niyang pumunta sa school ko, talagang iisa isahin niya yung mga teacher ko para tanungin kung kamusta ako sa klase. Pati nga mga school staff tinatanong niya tungkol sa mga pinag-gagawa ko sa school.

Mukha lang maluwag si tatay dahil sa dami ng mga bagay na hinahayaan niya akong gawin ng mag-isa pero ang pag-aaral ko ang walang palya niyang tinututukan. At kaya rin naman niya ako naluluwagan sa mga bagay bagay ay dahil na rin naman sa pinakikita kong pagiging responsable.


"Calling the attention of all students, please proceed now to the gymnasium. We are to start the culminating ceremony." sa anunsyong yun namin napagpasyahang tumungo na sa gym. Syempre, kailangang mag-handa muna ako.

"To give us this year's culminating speech, let us all join our hands for Charlie Devin Laurel!" masiglang sabi ng isa sa mga gurong tumayong bilang host ng programa. Sinabayan iyon ng palakpakan mula sa mga estudyante at mga bisita.

Humugot ako ng malalim na hininga. Heto na 'to. Hindi ko na magagawang umatras pa. Oras na para kapalan ang mukha ko.

Iniabot na sa akin nung teacher yung mikropono na gamit niya kanina. Bago lumabas at humarap sa mga tao, napatingin ako kina tatay at Kristian at tila naramdaman nila ang kabang namamayani sa dibdib ko dahil ngumiti sila sa akin na parang sinasabing mamaniin ko lang ang eksena kong 'to. Sana nga.

Muling nagpalakpakan yung mga manonood nung tuluyan na akong lumabas sa backstage at nag-lakad papunta sa gitna ng entablado.

Heto na talaga 'to.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Maka-tulong sa pamamahagi ng talinong kanyang taglay sa mga nangangailangan, iyan ang naging pundasyon ng isang matatag at matayog na institusyong humihinang sa talino at galing ng kanilang mag-aaral. Ang isang simpleng pangarap tatlampu't limang taon na ang nakakaraan ay ngayo'y isang magarang realidad na."

Pa-unti unting humuhupa ang kabang kanina'y nararamdaman ko hanggang tuluyan na lang itong nawala. Nakakadagdag sa kumpiyansa ko yung naka-tutok yung mga tao sa mga sinasabi ko na sinabayan ko pa ng presentation na nakikita nila sa projector sa likod ko.

"Pagkakapantay pantay sa lahat ng antas ng buhay sa lipunan, pagkakaroon ng malasakit sa kap---" hindi ko na naituloy ang karugtong ng aking mga sinasabi nung makuha ang atensyon ko nung mga manonood. Kanina lang halos mapanis ang mga laway nila sa katahimikan ngunit bigla na lamang nabalot ng mga pinag-sama samang bulungan ng mga tao ang gym.

Ano bang nangyayari?

Hindi ko alam kung kanino ako titingin: sa mga estudyanteng nagbubulungan, duon sa iaang guro na haloa sigawan na yung mga estudyanteng nag-ooperate ng presentation o duon sa prganizer ng event na pilit akong inuutusang ituloy ang aking mga sinasabi.

Tuluyan ko na nga sanang susundin yung organizer at ipagpapatuloy yung mga sinasabi ko kaya lang may nangyari na nagpabalik sa pilit kong tinatagong takot.

"Huwag ka ngang umiyak d'yan! Tiyak naman na masasarapan ka sa gagawin natin eh!"


"Huwag ka ngang umiyak d'yan! Tiyak naman na masasarapan ka sa gagawin natin eh!"



"Huwag ka ngang umiyak d'yan! Tiyak naman na masasarapan ka sa gagawin natin eh!"


Nabitawan ko yung mikroponong hawak ko at napakapit ako sa pulpitong kanina'y kinalulugaran ko. Dadalawang pangungusap lamang iyon ngunit nagawa nitong ibalik ang lahat ng takot ko. Nagawa ng mga linyang iyon na ibalik sa isipan ko ang mga nangyari ng araw na yun. Muli kong naalala ang mga namumulang mga mata ng apat na lalaking iyon habang tinitignan nila ako ng may kamunduhan.

Sinubukan kong lingunin yung pinang-gagalingan ng takot ko, at ayun siya, umeere sa projector. Tinalo ng projector ang flashback, muli niyang pinaalala sa'kin ang pilit kong nililimot at ipinamahagi pa niya ang takot ko sa iba. Tuluyan na sana akong bibigay at malulugmok sa sahig kung hindi lang ako nasalo ni Kristian at niyakap ng mahigpit.

Habang yakap ako ni Kristian, mahigpit ang hawak sa aking kamay ni tatay. Pero kahit ramdam na ramdam ko ang suporta nila sa akin, hindi ko mapigilang muling maalala ang mga nangyari. Muling bumalik lahat ng takot, bumalik yung kaba at tensyon. Bumalik sa alala ko ang mga mukha nilang apat.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon