TyraSays: Thank you so much sa mga nagpapahatid ng kanilang mga mensahe at komento pagdating sa istoryang ito. Sana ipagpatuloy niyo dahil sa ganun paraan ko lang nalalaman kung nagiging maganda ba yung resulta ng pinageefortan ko. Hahaha Though I don't demand you guys commenting, ang main goal ko naman kasi dito ay hindi yung mahinang yung galing ko sa pag-sulat. It is for you guys to be temporarily entertained from this simple work of fiction. Sobrang bonus na lang na nagbinigay kayo ng comments on how to improve writing. Thank you again guys for being ozum! :)
Sobrang lapit na nito matapos. I think less than ten chaps to go? Not sure. Haha But yeah, malapit na nga siya matapos. :)
ItsTyra:*
------------------------------------------------
"Oh inumin mo, alam kong inaantok ka pa eh." sabi sa akin ni Kristian habang iniaabot sakin ang isang paper cup na may lamang mainit na chokolate. Alam niyo naman ako, maarte, hindu nagkakape.
Walang gana ko siyang pinasalamatan tapos ay dahan dahan kong hinigop yung mainit na inumin. Medyo nakakapaso pero ayos na rin, at least nadagdagan ng ilang oras yung pagiging gising ko. Kailangan ko pa namang manatiling gising, importanteng araw ito para sa akin at sa buong pribadong paaralan namin.
Oo, ngayong araw ang Founder's Day. Sa wakas. Finally! Malapit na matapos ang mga araw na halos makipag-kumpitensya ako sa mga call center agents dahil sa pagpupuyat dahil sa pa-event na'to ng aking sinisintang paaralan. Kaunting tiis na lang mga beh!
Ang normal na Sabado ng umaga dito sa Antipolo ay tahimik, malamig at payapa. Ngunit dahil nga may importanteng paganap ang aking eskwela, napalitan ang mga iyon. Maingay sa saliw ng mga maka-bagibg tugtugin ang nagmumula sa Drum & Lyre squad namin, umiinit ang plazang kinalalagyan namin dahil bukod sa nabibilad kaming direkta sa dikat ng araw ay daan daan ding mga estudyante ang nagkukumpulan at pumupuno sa aming mumunting plaza. Maagang ginigising ng paaralan namin ang tahimik at magandang syudad ng Antipolo ngayong araw.
Nang mag-simula naming marinig ang pamilyar na tugtugin ng banda, sinimulan na kaming bilinan ng aming mga guro na malapit ng mag-simula ang parada. Nag-simulang mag-hiyawan ang lahat tapos ay sabay sabay na iwinagayway ang mga lobo naming dala. Nuxx. Lakas maka-concert ng isang sikat na KPOP band 'tong napuntahan ko ah?
Pero sa simula lang naman ang energy ng mga 'yan, nung mag-simula na kaming mangalahati sa ruta, ang tanging maingay na lang ay ang banda na wala pa ring tigil sa pangangalampag sa mga kabahayang madadaanan namin. Isama pa ang mga bunganga ng mga CAT officers na nagpapalit palitan ng mga utos. Nakakaloka.
"Inom." ilang hakbang matapos naming malampasan yung napaka-tarik na daan paakyat sa eskwelahan namin, sinalubong ako ni Kristian at agad inabutan ng maiinom. Sinalubong lang niya kami, hindi kasi siya pwedeng sumali sa parada bilang hindi naman siya nag-aaral sa school namin. Dahil sa uhaw, pagod at hingal, walang pakundangan kong tinungga yung bote ng tubig na inabot niya sa'kin. Ako na pagod.
Sa kabila ng ibgay mula sa walang kapagurang banda sa likod namin na pinaigting pa lalo ng ingay mula sa mga hindi magkandaugagang mga estudyante, umakyat sa stage yung school directress namin na anak ng nag-tayo ng eskwelahang ito at sinimulang buksan ang pagdidiwang. "35years ago, my mother had this small dream: To educate the young minds of the children and hone them to show their full potential. And jumping back to this time, we commemorate her triumph and achievement for founding a center of wisdom and excellence. We are all gathered here today to witness and to celebrate the founding of this institution. My entire school body: Happy 35th anniversary!"
At sa muling pag-bati ni school directress sa sangke-eskwelahan, muling pumailanlang ang magiliw at masayang tugtog mula sa banda. Sinabayan pa iyon ng mga hiyaw mula sa mga estudyante matapos umulan ng mga lobo at confetti sa loob ng covered court. Nuxx. Pinag-handaan talaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/23290739-288-k149716.jpg)