TyraSays: Sobrang overdue nitong special na'to, but still here it is guys. Was it good? Please react in comments. Thanks :)
ItsTyra:*
P.S. just today, while I'm uploading, nakita ko na umabot na sa ranks ang para-paraan. And #622 siya sa Teen Fiction. Highest achievement so far, thank you so much guys! Much love! :)
----------------------------------------------------------
"If you are chilly, here take my sweater
Your head is aching, I'll make it better
'Cause I love the way you call me baby
And you take me the way I am"
Pinalilibutan kami ngayon ng maraming taong sumasaksi sa pagmamahalan ng dalawang tao.Lahat sila naka-ngiti, halatang masaya ang lahat sa pagsasama nung dalawa. Kahit ako, masaya rin ako para sa kanila.
Este kailangan kong ipakita sa lahat na masaya rin ako.
"Ayos ka lang?" tinapik ako sa balikat nung isa sa tropa ni Kristian, ito yata yung Russel.
"I think so." kibit balikat na sagot ko. "Yeah, I'm good."
Oh, nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Mico Jorell Vasquez.
And I'm the greatest pretender ever.
Hayaan niyo akong may ikuwento sa inyo na isang magandang storya.
Sa isang lugar malayo sa kinaroroonan natin,may isang gwapo at makisig na prinsipe ang lumisan sa kaharian nila upangg samahan ang ina ng kanyang amang hari sa palasyo nito. Nabatid kasi ng prinsipe ang lungkot na dinadanas na kanyang abuela dahil sa paninirahan nitong mag-isa.Pabalik balik naman ang prinsipe kada may pagkakataon nuon pero ngayon ay pinili niyang manatili ng permanente.
At mukhang maganda ang naging desisyon ng prinsipe dahil sa unang pagkakataon, may nakilala siyang nilalang na lubos na kinagaanan ng kanyang loob.Hindi kasi ganun kadaling kausapin ang prinsipe noon, marami siyang hindi kinakausap. Isang ugaling minana niya sa kanyang abuela.
Ang nilalang ay unang nakilala ng kanyang abuela.dumating nga ang prinsipe sa tahanan ng kanyang abuela na magkasama ang dalawa at nagtatawanan. At sa una palang na pagkikita, hindi na nagduda ang prinsipe kung bakit magaan ang loob ng kanyang abuela sa nilalang, mabait kasi ito't magalang at labis pang nakakatawa.