< Charlie Devin's POV >
Tahimik akong naglalakad habang binabasa ang isang magazine na cover si Tyra Banks. Ang saya nga eh, local na magazine pero na-afford ang isang Tyra Banks. Oh 'di ba kabog? Hahaha!
Ninanamnam ko nang walang pakundangan yung mga articles and interviews kay Tyra nung biglang may umakbay sa akin. Yung baliw kong classmate na si Louie pala nung tinignan ko. Hayy mantrtrip nanaman ang loko.
"Labs, balita ko pinagpalit mo na ako ha? Bakit naman ganun labs? Anong nangyari sa three month rule?" Sabi sa inyo eh, baliw 'tong si Louie. Dramahan ba naman ako? Hahaha! Mabait naman itong kaklase ko eh, may saltik lang talaga kung minsan.
Huminto ako sa paglalakad upang harapin siya. Hindi ko na pinakialaman yung pagkakaakbay niya kasi ibabalik rin niya yun kapag inalis ko. "Sabihin mo nga Louie, ano bang tinira mo? Nakakaloka ang tama mo ngayon eh."
"Huh?" para namang naguluhan siya sa sinabi ko. May hindi ba madaling intindihin sa sinabi ko? "Sa'yo lang naman malakas tama ko Charlie, eh. De ibig sabihin ikaw tinira ko?"
WTF! NAKAKALOKA KA LOUIE! HINAYUPAK NA 'TO!
"Aray naman labs! Eh ikaw kasi eh.." reklamo niya pagkatapos ko siyang sinabunutan ng buong husay. Kabastusan ang lumalabas sa bibig eh.
Kukurutin ko naman sana siya kaya lang may mga praning na babae ang naglakad sa gitna namin mismo na parang hindi naka-akbay sa'kin si Louie.
ANG KAKAPAL! Ako talaga ang binunggo? Bwisit 'tong mga babaeng 'to ah. Grr!
Hinawakan ko yung blouse nung huling babae para hilahin. Ba! Akala ba nila palalampasin ko yang kabastusang ipinakikita nila?
"Ano ba?! Can't you like, let me go?? I'm nagmamadali oh!" Leche. Isa pala sa mga nagmamagandang babae itong nahaltak ko. Pero pagtitiisan ko na yung grammar nito, kailangang may managot sa pambabastos nila.
"Hoy babaeng hindi mo malaman kung alin ang first language, huwag mo akong inaartehan diyan kung ayaw mong rumampa dito ng naka-bra lang."
Ngumuso namang parang bibe yung babae. Akala niya yata ikinaganda niya yun. Tss "What do you need ba kasi? Do I have like utang ba to you?"
"Mag-sorry ka sa'min! Kung maka-bangga kayo akala niyo inyo daanan ah."
"Oo nga! Istorbo kayo sa usapan namin ni labs eh!" tumango tango pang sabi ni Louie.
"What?!" matinis at maarteng tili nung feelingerang babae. Sakit nga sa tenga eh. "You guys made me harang because of that lang?! Oh my gosh! Do you like know na you just made me abala? Dapat I'm in the front gate na looking at that hot guy!"
Ang hirap namang intindihin ng babaeng ito. Ang sakit sa ulo nung kaartehan niya, hindi kinakaya ng utak ko eh.
"Hot guy? Bakit, may ano ba sa gate at nagtatakbo kayo?" hayy. Pasalamat na lang talaga ako't may matinong utak ngayon itong si Louie, naintindihan niya yung sinabi ni girl arte.
