Chapter 11: The Day He Had A Superfriend

8.8K 286 19
                                    

< Charlie Devin's POV >

"Tatlong kilo nga po dito sa baboy, yung wala po masyadong taba ha?" ang sabi ko dun sa lalaking magbababoy.

Oo, tama ang iniisip niyo. Nasa palengke ako ngayong napakagandang umaga ng linggo. Inutusan kasi ako kagabi ni tatay na punuin yung refrigerator namin, puro daw kasi bote ng tubig lang ang nakikita niya, kaya ayun pinamalengke ako.

Inabot na ni manong magbababoy yung pinamili ko. Syempre nagbayad naman ako, discounted price na nga lang bilang suki na ni manong si tatay. Ang laki ng pakinabang namin talaga sa pagiging mabait at palakaibigan ni tatay. Hahaha!

Pinagpatuloy ko na yung pamimili ko, puno na nga ang mga kamay ko ng mga supot ng gulay, isda at iba pang lamang dagat, baka, itlog, longganisa, hotdog, tocino at kung ano ano pa. Hayy nakakaloka ang pamamalengke talaga! Dapat sa grocery na lang kasi eh, de tulak na lang, eh ayaw ni tatay dahil bilasa't lamog na raw yung mga karne sa grocery. Ewan ko nga ba sa mga pinaniniwalaan ni ama.

"Mukhang marami kang pinamili ah?" napalingon ako dahil sa nag-salitang iyon. Si Mico pala nung nilingon ko.

Ayos si Mico ngayon, kakaiba tignan. Naka-sando lang kasi pati basketball shorts. May hawak hawak din siyang supot, namalengke rin yata.

"Ahh oo, pinapupuno kasi ni tatay yung ref namin. Puro tubig na lang daw kasi laman eh." medyo natatawa kong sabi.

Ngumiti siya bago sinubukang kunin yung ilang plastic na hawak ko. "Akin na yung iba, tutulungan na kita."

"Naku huwag na." nahihiya kong tanggi habang sinusubukang alisin yung pagkakahawak ni Mico sa mga dala ko. "Medyo marami ito tsaka nakakahiya. Pati baka hinihintay ka ni Lola Gloria."

"Wala si lola, ipinasyal ng mga tita ko. Hayaan mo na lang ako, para mabawasan naman yang mga dalahin mo."

Oh edi hinayaan ko siya sa gusto niya, sabi niya eh. Ayaw ko rin namang tumanggi masyado. Nahihirapan na rin ako sa mga dala ko eh.

Ilang tindahan pa ang dinaanan naming dalawa bago ako natapos sa pamimili ko. Para hindi naman nakakahiya dito sa kasama ko at para panandaliang maipahinga yung paa ko, sumakay na kami ng tricycle pauwi ng bahay.

"Nasan yung papa mo?" tanong ni Mico habang tinutulungan akong ilagay sa ref yung mga pinamili ko.

"Pinasama ko dun sa kumpare niya, pinaghahanap ko ng mapapangasawa."

Natawa siya sa isinagot ko. "Bakit mo naman pinaghahanap? Ayaw mo ba yun? Solo mo yung daddy mo."

"Nyerk. Daddy? Tatay lang oy!" napatingin ako sa kanya. Daddy daw kasi eh. Yayamanin lang! Hahaha! "Tsaka mas magandang mag-asawa na yang si tatay. Baka kasi isang araw, magising na lang akong bading na rin siya."

Tumawa nanaman po siya, mga kaibigan. Mukhang enjoy na enjoy niya ang mga pinagsasabi ko, talaga nga namang. Haha

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon