"So maybe we won't ever win the lottery, or marry royalty, or make that last second shot. That doesn't mean we won't have amazing adventures, meet exceptional people and make indelible memories. The trick is to notice before it's too late. "
"Seryoso talagang hindi ka titigil kababasa? " napa-ikot na lang ang mga mata ko bago ko iniligay yung bookmark kong pambabae sa libro ni John Green na binabasa ko. Matapos yun ay tinuon ko na ang pansin ko kay Kristian.
"Kasalanan ko bang nabuburyo na ako dito dahil ayaw niyo ako pakilusin?"
Tumabi sa kama ko si Kristian at inayos yung mga unang sumusuporta sa likod ko. Para sa isang umagang katitirik pa lamang, namamayani na sa buong katawan ni Kristian ang pabango niya. Kay aga aga parang haharao na sa maraming tao ang datingan ng amoy nitong boyfriend ko. Iba. Epic.
Pinag-iisipan ko kung ibabalik ko ang tuon ko a pagbabasa o yayakapin na lang ang boyfriend ko hanggang maubos ko ang lahat ng bango sa katawan niya. Parehas naman akong hindi lugi sa pagpipilian, mas lamang pa nga ako sa pag-yakap ko lay Kristian eh. Pero hindi, tutuloy ko na lang mag-basa.
Ibabalik ko na sana ang tuon ko sa pagbabasa ngunit inagaw ng magaling at mabango kong boyfriend yung libro at inilayo sa akin. Napataas agad ang kilay ko sa ginawa niya.
"Love, ilang araw ka ng hindi tumitigil kababasa, ano bang balak mo? Maging walking library?"
"Walking?" mas tumaas ang pagkaka-arko ng kilay ko sa narinig na salita. "Pabor pa nga sa'yo na basa lang ako ng basa rito eh. At least, hindi ka na mahihirapan kaka-alalay sa'kin."
Oo, nabuhay nga ako. Oo, hindi nga naging matagumpay si Pioee sa pag-bawi sa aking buhay pero nagawa niya akong pansamantalang malumpo. Para din kasi talagang timang yung babaeng yun eh. Imbes na kalabitin kaagad yung gatilyo ng baril, humabol pa talaga ng mga hampas sa binti ko gamit yung dos por dos niya.
Pero buti na lang talaga at isa akong maganda at mabait na nilalang kaya hindi pa ako naitakdang sumalangit ay sumama sa mga anghel dahil mukhang dinaga si Piper pag-dating sa pagbaril sa akin.
Pero tae lang, magpapakatotoo na ako mga kapamilya, sino ba namang tao ang may gusto na hindi makalakad? Kundi wheelchair, saklay, laging merong aalalay sa'kin kada susubukan kong mag-lakad. Ang nakakaloka pa dun, hanggang ngayon, may makapal na putingbbenda pa rin ang bumabalot sa akimg binti. Para tuloy akong continuation ng The Mummy nito. Hayy
Hindi naman sa nag-iinarte o anobpero iba kasi ang epekto ng pag-aalaga nila sa akin. Sobrang nagiging nega ako. Kahit anong pigil at iwas ko, pinalilibutan ako ng negativity. Ang lakas maka-dementor. Parang sumanib sa akin si sadness.
Alam mo yung feeling na para kang naging inutil bigla? Hindi naman nila kasalanan, oo , pero hindibko talaga mapigilang magama iyon lalo pa't wala akong ibang nakakasalamuha bukod sa mga tauhan ng mga librong binabasa ko.
"Handa na ba ang lahat?" kung maka-tanong naman itong si tatay parang kanya yung sasakyang gagamitin namin. Feelingero 'tong si Carlos Laurel.
Walang umimik sa pakulo niya kaya't nagkibit balikat na lang siya bago tuluyang umandar paalis yung sasakyan.
Ayaw ko mang ipahalata, sobra sobra ang kaba at nerbyos ko sa mga mangyayari ngayon. Lalong tumindi ang kabang bumabalot sa'kin nung nag-simula kong matanaw ang gusaling pakay namin ngayong araw. Pwede pa kayang mag-back out?
Tahimik lang naming pinag-masdan yung gusali nung makababa kami sa sasakyan. Nang hindi nila namamalayan, pa-unti unti akong naglalakad paatras, palayo sa gusali. Mukha kasing hindi ko pa talaga kaya.
Nakaka-ilang hakbang na ako nung biglang may humawak sa aking mga balikat at nagpahinto sa ginagawa ko. "Love, kailangan mo na silang harapin."
Napatingin ako sa gumawa nun, si Kristian. Hindi ko maiwasang matangay sa mga tingin niyang alam mong nagpapahiwatig ng buong buong pag-suporta sa akin. Ano ba yung panghihinang nararamdaman ko kung naririto siyang nagsisilbi kong lakas? With him, it's as if everything in my life doesn't seem so bad.
Ilang hakbang na lang ang layo namin sa kwarto kung nasaan ang pakay namin ngayong araw ng pukawin ni tatay ang atensyon namin. "Saka na langvsiguro natin 'to gawin, hindibpa ako handang harapin ang mga tarantadong 'yan."
Napakunot noo ko sa inasta ni tatay. "Excuse lang 'tay ano, moment ko 'to dapat 'di ba? Ako dapat ang dumadrama, talagang inaagaw mo?"
Bahagyang napatawa yung kumpare ni tatay na siyang may hawak nung kaso ko bago niya ako sinang ayunan. Drama pa more, 'tay.
Hindi ko alam kung may balak ba talaga ang mga tao sa paligid kong gawing mala-pelikula ang buhay ko o ano eh, talagang ako pa daw ang utusang mag-bukas nung pinto kung nasaan yung pakay namin? Ganda.
So this is it. Behind this blue wooden door, is Aerica's Next Top Model. Charot. Sinusubukan ko lang talagang alisin yung kaba ko na hindi mawala wala. Kung yung boses pa nga lang nila noon eh halos mawala na ako sa ulirat, ano pa kayang mararamdaman ko ngayong makikita ko na sila harap harapan?
Pero mukhang kaya ko naman, mukhang kakayanin ko, kailangang kayanin ko. Yung kabaliwan nga ni Piper kinaya ko, sila pa kaya? Siguro yun na lang ang iisipin ko, that I've been through worse than this.
Mamaniin mo lang 'to Charlie.
![](https://img.wattpad.com/cover/23290739-288-k149716.jpg)