Chapter 15: Falling Starts Today

9.8K 276 12
                                        

< Charlie Devin's POV >

Pagtataka ang rumehistro sa akin habang sinusulyapan ang paligid ko. Nasaan ba ako? Bakit ang gaganda ng mga bahay dito? Malalaki't mukhang pang-mayaman pa. Napakalayo nito dun sa mga bahay ng kapitbahay namin eh.

Sinubukan kong tawagin si tatay pero wala namang lumalabas. Para ngang walang katao tao sa lugar na'to eh.

Paano nga ba ulit ako napunta rito?

Sa hindi kalayuan ay may napansin akong dalawang tao. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila kasi baka kilala ko sila at masagot yung mga tanong ko.

At shet lang. Kilala ko nga sila. Leche. Hanggang dito ba naman?

Paano ba namang hanggang dito sa parang ghost town na lugar na ito ay nasundan pa rin ako ni bisugong Kristian at ni bruhang Piper? Ano ba namang buhay ito oh.

Maglalakad na sana akong palayo sa kanila, ayaw ko kasing hanggang dito eh madamay pa ako sa kung anong katarantaduhan sa buhay ang meron sila. Kaya nga lang, bigla silang nag-salita.

"Bakit ba ayaw mo na sa akin Kristian? Tayo naman nung una 'di ba? Mahal kita at alam kong mahal mo ako!" Eh? Bakit parang bumaliktad yata ang mundo? Bakit si Piper na yung nagmamaka-awa?

Pilit inaalis ni Kristian yung pagkakahawak sa kanya ni Piper pero kada mai-aalis niya, ibinabalik itong muli nung kausap niya. "Sinabi ko na sa'yo Piper, hindi na kita mahal! May iba na akong mahal kaya pwede bang layuan mo na ako?!"

Whoa! Si Kristian ba talaga 'tong taong ito? Paano niya nagawa yun? Eh dati nga kinukumpitensya pa niya si Bea Alonzo sa pag-iyak dahil kay Piper 'di ba? Anyare ngayon?

"Hindi ako naniniwala! Alam ko na Kristian! Alam kong binayaran mo lang yung kapit bahay niyo para magpanggap na girlfriend mo!" mataas ang boses na sabi ni bruha. Ay teka, may mga bayarang effect talaga? Ba't hindi ko alam yun? "Tayo na lang ulit, Kristian. Naging masaya naman tayo 'di ba? Magiging masaya pa rin tayo, sigurado."

Nakikita ko ang pagmamaka-awa sa mga mata ni Piper gayundin ang kakulangan sa emosyon nung kay Kristian. Teka, naguguluhan na talaga ako eh. Ano ba 'tong nangyayaring ito? Seryoso ba 'to? Kasi kung hindi, papalakpakan ko talaga sila ng husto dahil mapapaniwala na nila ako.

"Alin ba ang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko, Piper? May iba na akong mahal! Hindi na kita mahal kaya please lang, lumayo ka na!" tumataas na rin ang boses ni Kristian dahil sa pagka-inis. Hindi ko alam kung bakit pero parang natatakot ako sa kanya.

"Sino siya, Kristian? Sabihin mo! Sino ang ipinalit mo sa akin?!" mabilis na ang pagpatak ng luha ni Piper. Ramdam din yung sakit na dinadaanan niya ngayon.

Luminga linga si Kristian sa paligid nung biglang nag-tama ang aming mga paningin. Ngayon ay nakikipagtitigan ako sa mga mata niyang walang bahid ng kahit anong emosyon.

Bigla na lang niyang itinaas ang kamay niya at itinuro ako. Sinundan ni Piper ang pag-turong iyon kaya nakita niya na rin ako. "Siya! Siya ang ipinalit ko sa'yo Piper kaya tigilan mo na ako!"

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon