Chapter 39: The Unveiling of Threat

8.2K 240 6
                                    


"Hoy Charlie, hindi ka mabubusog sa ginagawa mo. Kumain ka muna bago ka makipaglandian sa kung sino mang animal yang hinaharot mo sa cellphone mo." ano ba naman 'tong si tatay, animal talaga agad? At tsaka grabe ha, pakikipaglandian talaga agad ang naisip? Wala na talagang choices bukod sa kalandian?

Pero bilang ang napakabait, napakaganda, at napakamasunuring anak ni Carlos Laurel, ay sinunod ko siya. Inilapag ko muna yung aking kasing gandang cellphone at nag-simulang tapusin yung nasa plato ko. Nakakatukso ngang kuhanin at tignan yung mga mensaheng natatanggap ko kaya lang baka gawing pamato sa tumbang preso ni tatay 'tong cellphone ko eh. Ayaw ko namang maging boomerang ang selepono ko 'no.

Matapos kumain ay niligpit ko na yung mga plato at hinugusan na rin. Nag-sepilyo tapos ay lumapit na kay tatay para hingin ang limpak limpak kong salapi. "Ikaw Charlie ha, ayan ka nanaman. May kinasasangkutan ka nanamang katarantaduhang bata ka. Huwag lang kitang mahuli. Nako ka."

Ay. Hindi naman ako na-inform. May privilege speech pala ang tatay ngayong umaga, sana nag-gown ako ng bongga. Pero alam ko naman ang pinupunto ni tatay, alam ko namang nag-aalala lang iyan sa unica hija niya. I understand. I do.

"Tatay, huwag paranoid hane?" ang sinabi ko matapos kuhanin yung baon ko at itago sa bulsa ng pantalon ko. "Wala akong ginagawang katarantaduhan. Kung meron man, slight lang. Very very light lang yun tatay."

At hindi ko na hinayaang mag-patuloy ang speech ni tatay, malalate kasi ako sa pagpasok pag tinapos ko pa iyan. Humalik na ako sa pisngi niya sabay yakap bago simulang tahakin ang daan papasok sa aking paaralan.

Nakaka-ilang hakbang na ako sa aming kalsadang himalang wala pang naka-tambay na mga tsismosa nung biglang may humatak sa akin. Ang laking gulat ko nun, kalmang kalma pa kasi yung lakad ko dahil ako nga lang yung nilalang na gumagamit nung daan.

"Good morning." at agad nanginig ang buo kong sistema pagkarinig pa lang ng bulong ng taong ito. Ta! Ang lakas ng tama ng bulong ni Kristian sa akin.

Tama. Hindi kayo naduduling at nabubulagan, tama ang nabasa niyo. Si Kristian. Si Kristian itong taong humila sa akin.

Ilang araw na ang lumipas ang farewell party, ilang araw na ang lumipas bago kami mag-usap muli ni Kristian.

Ilang araw na ang lumipas bago niya hiniling na maging kami na lang ulit.

At ilang araw na ang nakalilipas nung hayaan ko siya sa gusto niya at pumayag sa ninanais niya.


To cut it short, ilang araw na kaming nagkabalikan nitong taong ito.

"Para kang ewan diyan, bigla bigla kang nabghahatak. Mukha ba akong kaladkarin?" may himig ng pagka-asar abg sinabi kong iyon, pero hindi naman talaga ako asar. Nagpapa-yummy lang ako. Oo na, ako na! Ako na haliparot sa umaga.

Humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Kristian, ramdam na ramdam ko ang mainit na hiningang nangagaling sa ilong niya na tumatama sa aking batok. Nakakatindig balahibo ang hininga niya, para bang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.

"Sorry na. Na-miss lang naman kita eh. Masama ba ang mamiss ka, love?"

Dalawang bagay ang dapat niyong malaman.

Una, love ma talaga ang tawag sa akin ni Kristian simula nung araw na pumayag ako sa gusto niya. At tila ba sirang plaka siya sa bagay na iyan, hindi talaga siya nagsasawang tawagin akong love. Sa pag-uusap namin sa text, kada tatawag siya, o sa kada palihim kaming magkikita, mahina ang dalawampung beses na ulit mo siyang maririnig na tatawagin akong love. Wala siyang hung up sa salitang iyan, wala talaga.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon