"Hey girl, this 'yo song, let's see that badonkadonk
I'mma try to do the things that you don't
Baby, it's 'yo party, I just wanna play.
What's that sound? What's that thing that's get me like wow?
I'm tryna beat beat it up twelve rounds
Girl, look at that body, I just gotta say."
Ewan ko na lang talaga kung hindi pa magising ang tulog mantikang si Alung Claring sa ingay ng pagpapatugtog ko. Aba, nalalaglag na nga yung mga picture frames na nakasabit sa dingding ng kwarto ko dahil sa pagdagundong ng bass mula sa kanta ni Brandon Beal.
Hindi naman sa nagpapaepal ako o wala lang akong magawa sa buhay ano, nagprpractice lang naman kasi akong sumayaw. Wala lang, gusto ko lang talaga masanay at humusay sa pagtwtwerk. Hahaha! De, ang goal ko talaga ngayong nakakalakad na ulit ako ay talunin si Maja Salvador.
At oo, matapos ang ilang buwan, tuluyan na rin akong naka-lakad. Ang saya nga eh. Mamimiss ko nga lang sumakay sa wheelchair, ang lakas maka-maganda at times nun eh. Hahaha
Pero mabalik muna tayo, gusto kong matutong mag-twerk para matalo si Maja. Eh paano ba namin kasi, parang timang si Kristian. Nung mga panahong best friends ko pa ang saklay at wheelchair, binibisita ako araw araw ni Kristian para alagaan at bantayan. Sweet 'no? Pero tae niya pa rin, kada nandito siya, araw araw niyang pinanonood yung video ni Maja sa youtube.
Iyon yung video na kuha mula sa isamg segment sa ASAP. 'Yung kasama niya si Enrique Gil at pinerform nila yung Twerk it Like Miley. Oo, yung nag-trend worldwide sa twitter at naging hot topic sa lahat ng social media sites ng Pilipinas. Oo, yung video ni Maja na nagdala ng pantasya sa mga kalalakihan, isa na nga yata si Kristian sa mga 'yun eh.
"When you back, back, back, back, back it up
And you drop it down low
And you pick, pick, pick, pick, pick it up
Girl, I'm ready to blow
I'mma stack, stack, stack, stack it up
And I'm spending it all
When I throw, throw, throw, throw, throw it up."
Twerk ang tawag kapag ginawa mong sayaw ang booty tooch ni Tyra Banks. Kung hindi ka sanay mag-tooch, mahihirapan ka dahil medyo masakit sya sa likod. Kahit akong sanay mag-tooch pero matagal hindi nakapag-practice dahil sa nangyari sa'kin, sumakit pa din yung likod ko.
Pero hindi ako napigil ng likod ko sa pag-todo ng sayaw at giling. Kailangan ko talagang mapantayan si Maja. Parehas naman na kaming maganda, kailangan ko lang gumaling sumayaw para mapantayan ko na siya.
Ang gulat ko na nga lang nung may mapansin akong tao sa may pintuan ng kwarto ko. Tigil talaga agad ako sa pag-sayaw eh.