Tahimik ang araw ng Lunes na ito. Normal lang. Isang araw lang rin sa buhay namin na lilipas.
Iyon ang inasam ko.
Iyon ang inakala ko.
"Charlie girl! Kaunting lambot pa!" aish! Kanina pa ako trip netong choreographer na 'to ah. Eh sa ambaduy ng pinasasayaw niya eh. Tsk.
Oh eh bakit nga ba kami nagsasayaw ngayon? Practice kasi 'to. May biglaan kasing pinakulon itong school namin. Ewan ko ha, nakalimutan ko kasi yung ginamit na term nung adviser namin nung sinabi 'to, pero parang may meet the graduates chever ang school namin. Ganun sila kaproud sa mga katarantaduhan namin kaya ipakikilala nila kaming lahat sa madlang people ng bayan ng Antipolo.
So ayun nga, hindi lang pala basta pagpapakilala ang gagawin namin dun. Kailangan rin daw naming patunayang ang eskwelahan namin ang pinaka-mainam na paaralan sa syudad na'to. Kaya hayan, halos lahat ng sektor ng eskwelahan eh abala. Yung mga CAT people, sobra ang training na ginagawa. Halis walong oras naman kada oras ang ginugugol ng Drum and Lyre Squad namin. At heto nga kami, nag-prpractice sumayaw. At hindi lang basta sayaw ha. Social dance ito. Ballroom!
Matapos ang ilan pang minuto, pumayag na yung hukluban naming choreographer na kumain na kami ng tanghalian. Ta! Gutom na akooooooo!
Pinuntahan ko si Louie para sabay kaming kumain, pumayag naman siya kaya sabay na kaming naglakad papunta dun sa may likod na part ng gym, tahimik kasi duon tsaka medyo kakaunti yung mga nagpupunta run.
"Nabalitaan mo na ba yung mga nangyayari kay Piper ngayon?"
Natawag ang atensyon naming dalawa ni Louie nung marinig namin yung tsismisang ginagawa nung dalawang babaeng kasama namin sa practice. Kalorks 'tong mga 'to, imbes kumain eh tsismisan ang ginawa. Tahimik lang namin silang pinakinggan.
"Ano nga kayang nangyari sa kanila nung boyfriend niya? Ang tagal ko na silang hindi nakikitang magkasama ah."
"Sabi nung mga aleng naririnig ko, hiwalay na nga raw si Piper pati yung syota niya. May ilang linggo na."
"Talaga raw? Eh ano daw dahilan?"
"Malay" Tapos ay napa-lingon sa amin yung babaeng nag-kwkwento. Mabuti na lang at mukhang may pinag-uusapan rin kami ni Louie kaya nag-bigay lang kaming dalawa ng ngiti sa isa't isa. "Ang gwapo ng boyfriend nun ano?"
"Oo! Pati mukhang mabait, hindi bagay kay Piper. Kaya mabuti na ring hiwalay na sila."
"Truuuuuuuuuth!"
At duon natapos ang pakikinig namin sa chikahan nitong dalawang babaeng ito. Taray. Opinionated. May lihim na galit ang mga ito kay Piper the bruha. Hahaha! Kung sakaling mag-tatayo ako ng samahan para sa mga may muhi sa bruhang yun, paniguradong pasok na silang dalawa. Agad agad.
"Ngiting aso ka naman d'yan." pamumuna ni Louie sa akin makalipas ang ilang segundo.
Pinasa-walang bahala ko lang ang panlalait niyang iyon. Good mood ako ngayon dahil sa aking new found kakampi.
"Dahil sa nandun na rin naman ang usapan, kamusta na kayo nung karibal ko sa'yo?"
"Karibal?" napa-kunot ang noo ko dun. Kelan naman nagkaroon ng karibal 'tong animal na'to? Napa-irap siya kaya ibinulong na lang niyang si Kristian pala tinutukoy niya. Arte kase eh. "Ays lang. Mas chill kami ngayon. Walang stress, hindi kami nahahassle. Patago nga lang pero kaya naman."
"Kailan niyo balak umamin?"
"Ilang linggo siguro pagkatapos tuluyang kumalat yung tsismis na wala na yung second chance nila." buti na lang at naiintindihan ni Louie ang ipinupunto ko sa balak ko. Sang ayon siyang palipasin muna dapat yung init ng usapin bago simulan muli.
Ilang pag-uusap pa ay natapos na rin kaming kumain kaya bumalik na kami sa harap. Nag-sisimula na muling magsibalikan yung mga kaklase namin. Hayy Practice nanaman.
Kahingaaaaaaaal! Dalawang oras ang lumipas bago tuluyan kaming tinigilan nung choreographer na iyon. Bukas na lang daw ulit. Whooo!
Naghahanda na kaming umalis nung lumapit yung Year Level Coordinator namin at syempre, kinausap kami.
"Para sa nalalapit na programa ng ating school, kailangang may ipakilala rin tayong estudyanteng nagunguna't nakatalaga spra sa kapakanan ng lahat. Ang Headboy or Headgirl." pasakalye ni Sir YLC. Medyo mahaba haba ito, mga 10page nobela ang katumbas. Haba ano? Ganyan kasi yang si Sir YLC, tila kandidato yata.
"So ayun nga, dahil ang section niyo na lang ang hindi pa bumoboto, kaya ngayon ako nandito." at duon ko lang napansin yung isang box na may katamtaman ang laki. "Matapos niyong isulat sa isang papel ang napili niyong Headboy o Headgirl ay ilusot niyo ang mga iyan sa kahong ito."
"Tandaan, piliin ang Headboy o Headgirl na may paki sa kapwa, na may napatunayan na sa pagtulong at sikat dahil sa kabaitan. Ayokong makakita ng pangalan diyan sa kahong iyan dahil lang sa hitsura o katayunan nila sa buhay"
Hayy. Ang hirap naman ng gusto ni Sir YLC. Eh sino ba sa paaralang ito ang may ganuong katangian? Para lang ewan kasi karamihan sa mga estudyante rito ay punum puno ng kaartehan sa katawan. Kawawang madlang people, maloloko sila ng aming eskwelahan.
Isa isa kaming nag-hulog ng mga papel sa loob ng box hanggang sa tuluyang natapos ang lahat sa amin sa paghuhulog. Muli ng binuhat ni Sir YLC yung kahon. "Salamat. Iaanunsiyo namin bukas via intercom kung sino ang napili niyo para maging Headstudent. Ayun lang at maaari na kayong umuwi."
Hayy. Natapos din. Kafagoooooooood!