Chapter 6: The Runaway Gay

9.8K 326 2
                                    

6

< Charlie Devin's POV >



"Huy Charlie!"



Aish! Ano ba naman 'yan! Hindi ba obvious na natutulog ako? At kailangan talagang niyuyugyog pa ako para lang gisingin? Istorbo naman oh!



"Huy Charlie!"



Ahh! Bahala ka kung sino ka mang mang-gigising ka, pagtatakluban lang kita ng unan d'yan. Bleh!


Tumahimik ng panandalian. Sa wakas! Napagod rin siya. Whoo! Pero nagulat na lang ako nung biglang may bumulong sa tenga ko. "Charlie, may bisita ka 'di ba? Hindi ka ba nahihiyang nakikita niya 'yang mga legs mo?"


Processing....




Analyzing....



Loading....



OH MY KALAMAY!



NAKALIMUTAN KO NGANG MAY PINATULOG AKONG BISUGO SA PAMAMAHAY NA'TO!



Agad akong tumayo at kinuha yung pinakamalapit na unan para itakip sa mga binti ko. Huwag kayong mapang-husga d'yan, naka-mahabang damit lang ako at super super ikling shorts kapag matulog. Eh yung short na suot ko pa naman ngayon, may defect, nakikita sa ilalim yung suot kong underwear. Nakakakaba kaya 'yun!

"Sige na Charlie, mag-palit ka na muna bago tayo mag-almusal." utos sa akin ni tatay na agad agad kong sinunod.


Nagtatakbo agad ako paakyat ng kwarto ko, hindi ko na nga nakuhang tignan yung reaksyon nung bisugo sa hitsura ko sa kamamadali eh. Basta ang alam ko lang, kailangan kong maka-layas duon kung ayaw kong ipahiya pa lalo ang sarili ko.



"Ayan, ayos na ako, good morning 'tay!" masaya kong sabi bago hinalikan sa pisngi at niyakap ang tatay ko.



"Good morning din. Umupo ka na ng makapag-almusal na tayo."



Habang kumakain, hindi ko maiwasang mainis. Paano ba naman, ramdam na ramdam ko ang nang-aasar na tingin sa'kin nitong si bisugo. Tinignan ko nga siya isang beses eh, halata sa mga mata niyang tinatawanan niya ang kamalasan ko kaninang umaga.



Psh. Feeling close talaga sa'kin 'tong bisugo na'to. Tsaka akala ba niya nakalimutan ko na yung mga pinagsasabi niya sa'kin kagabi? Aba, in his dirty ass!



"Nga pala Charlie, bakit ka ba d'yan sa sala natulog kagabi?"

Yikes! Ayoko 'yang matanong! Ayaw ko mag-sinungaling kay tatay kaya lang baka gulpihin ni tatay itong si bisugo pag umamin naman ako. Sandali kong binigyang tingin si bisugo, natatawa pa din siya? Argh! Iniinis ako nito ng bongga ha!



"Ayoko ho kasing may katabing ibang lalaki bukod sa tatay kong gwapo. Tsaka, nasisikipan ako eh." pagsisinungaling ko. Syempre naman, ayoko namang maging halimaw ang tatay ko sa galit, umagang umaga pa naman.



Mukha namang napaniwala ko ang tatay. Hindi na kasi siya nag-tanong o nag-pumilit pa. Ayos na yun, naka-iwas ako sa nagbabadyang sunod sunod na pagsisinungaling ko. Whew!


"Ang sexy natin kanina ha? Ang kinis ng mga binti! Chicks!" agad uminit ang ulo ko sa pang-aasar ni bisugo. Talaga kasing pinaninindigan niyang huwag mag-sorry sa mga pinagsasabi niya. Tch!


"Nakalibre ka na ng hapunan, alak, tulugan at almusal sa pamamahay na'to, sapat naman na siguro 'yun para bumalik ka na sa bahay n'yo?" sabi ko habang inaayos yung tinulugan niya.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon