TyraSays: Hello guys! HAPPY NEW YEAR! 2016 na by the time you'll be able to read this chapter. Hahaha Please be safe sa pag-celebrate niyo ng bagong taon, hindi natin gustong mabawasan ng daliri sa kamay or what right? Hahaha
Sa pagpapalit ng taon, gusto ko kayong pasalamatan sa walang sawang pag-subaybay sa mga gawa ko. Gusto ko kayong pasalamatan sa bawat komentong iniiwan niyo, sa bawat vote na ibinibigay niyo, at lalong lalo na sa pag-basa ng storya ko. Walang halong keme o ano, lada nilalamon ako ng ka-negahan dahil sa mga ginagawa ko araw araw, yung mga comments niyo ang good Vibes palagi. Thank you! Sana next year, patuloy pa din ang suporta niyo sa'kin. Hihi
Thank you so muchyyyy! I so love you all! :)
Itstyra:*
------------------------------------------
"Fear doesn't shut you down, it wakes you up."
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko. Limang mga mukha ang nasa harap ko ngayon at lahat ng mga mukhang iyon ay naka-tingin sa akin. Sila ang mga mukhang hindi ko yata malilimutan kahit kailan. Kung noon, oo, marinig ko lang ang pangalan ng isa sa kanila eh labis ng napupuno ang kalooban ko ng takot. Pero ngayon, ngayong nasa harap kami ng isa't isa, bakit hindi ako makaramdam ng takot? Bakit hindi na ako natatakot sa kanila?
Hinawakan bigla ni Kristian yung kamay ko kaya ako napatingin sa kanya. Diretso lang siyang naka-tingin sa pakay namin ngayong araw, wala siyang pinakikitang emosyon. Ni hindi ko malaman kung ano na ang tumatakbo sa isipan niya. Pero isa ang alam at sigurado ako, labis ang pasasalamat na mayroon ako para sa kanya. Hindi matatawaran yung suporta, kalinga at pagmamahal na natatanggap ko sa kanya. Hindi ko ma-imagine kung paano ko tatanggapin ang lahat ng nangyari sa akin kung wala si Kristian sa tabi ko.
He's not just my prince charming, he's my guardian angel.
Nang mahalatang walang magsisimulang mag-salita mula sa magkabilang panig, humugot si Office Rio ng malalim na hininga, si Officer Rio yung pulis na kumpare ni tatay na siyang humahawak nung kaso ko. "Narito sina Charlie at ang kanyang pamilya ngayong araw upang tuparin ang inyong hiling. Ito ay hinggil sa hiling niyo na magsasalita lamang kayo sa harapan nila."
Tumango tango yung isa sa kanila, naalala ko siya. Marcus yata ang pangalan niya, siya yung parang leader nila. Siya yung pinaka-kumausap sa akin noon. "Gusto sana naming nandito siya para makahingi na rin kami ng tawad. Alam naman naming hindi yun ganun kadali eh, pero gusto pa rin naming gawin. Gusto pa rin naming nakuha yung kapatawaran niya."
Tinitigan ko sila isa isa. Inaalala ko yung mga itsura nila nung huling beses ko silang nakita: ang laki ng pagbabagong nakita ko. Sa mga mata pa lamang nila, ibang iba na yung mararamdaman mo sa mga tingin nila. Parang hindi sila yung mga lalaking gumawa sa'kin ng mali.
"Hindi ka naman namin kasi kilala noon eh." sabat nung isa pa sa kanila. Napa-tingin kaming lahat sa kanya dahil mukhang siya sa kanilang lima ang magsaabi sa amin ng totoo. "Normal lang kami noon, mga tambay na walang trabaho pero matinong namumuhay."
Tuluyan niyang ikinuwento ang mga pangyayari na nagdala sa kanila para gawin ang isang krimen. Inilahad niya ang lahat ng nangyari at kung paanong humantong ang lahat sa pagkakadamay ko. Kinuwento niya na hindi na nila alam yung mga dapat gawin, na nalito na sila.
Inagaw ng pahihilot ni tatay ng kanyang noo ang atensyon ko, sinyales iyon na hindi nagugustuhan ni tatay ang mga nangyayari. Na nagpipigil lamang siya. Gusto ko sana siyang lapitan at aluin kaya lang masyado akong gagawa ng eksena.
"Eh ba't ba kasi hindi na lang kayo nag-trabaho? Ang lalaki ng katawan niyo pero hindi niyo ginamit sa tama."
"Sino naman pong tatanggap sa'min? Ni hindi nga po kami umabot ng college eh." sagot nung isa sa kanilang lima. Si Baste, yung lalaking nagtutok ng patalim sa tagiliran ko.
Patuloy ang pagpapalitan ng usapan nila tatay at nung lima at nung matapos na sila, tumingin sa akin si Officer Rio. "Ang sususnod ng dapat mong paghandaan ay ang pag-harap ninyo sa korte, Charlie. Magsisimula na ang paglilitis sa kaso mo."
Hindi ko mapigilang mapaisip sa sinabi nung pulis. Didinggin na sa korte ang nangyari sa'kin. Wala naman na sa'kin ang humarap sa mga tao, nawalan na ako ng pakialam sa kung ano mang sasabihin nila sa akin bilang hindi naman sila ang nagpapalamon at bumubuhay sa'kin.
Ang nagpapaisip sa akin ay itong limang lalaking ito na nasa harap ko. Naglalaban ang mga nararamdaman ko ngayon.
Gustong gusto kong sundin ang kung anumang inaasahan nilang gagawin ko, gusto kong sundin ang kung anong gusto ni tatay at ni Kristian na gawin ko. Gusto kong gawin kung ano yung dapat gawin sa sitwasyong ito. Syempre, sino nga ba namang tao ang hahangaring hindi maparusahan ang mga taong gumawa ng krimen sa kanya 'di ba? Iyan naman yata ang pinaka-tamang gawin sa sitwasyong ito. Sundin kung ano yung nakasanayan, gawin kung ano na yung dating gawain.
Pero nilalabanan iyon ng kung anong gustong ipagawa sa akin ng puso ko. Maaari ngang noon eh halos ika-wala ng katinuan ko ang mga nagawa nila sa akin. Pero ngayon, ngayong binigyan kami ng pagkakataong maglita muli, hindi na galit o takot ang namamayani sa akin. Awa. Nakakaramdam ako ng awa sa kanila. Naiintindihan ko 'yung punto at dahilan nila, kung ako man ang nasa lagay nila, kakapaitan ko rin ang pinakamalapit at mabilis na paraan para makaahon sa problema. Yes, the end might not justify the means, we know that. Pero hindi mo na yun maiisip kapag nagigipit ka na. Hindi mo na maaalala ang prinsipyo mo kapag halos mabutas na ang sikmura mo kakakalam sa gutom.
Ganun naman kasi tayong mga tao eh, lagi nating hinahanap ang mabilis na solusyon sa mga problemang kinahaharap natin kahit na ang mabilis na solusyong iyon ay pansamantala lamang.
Muli ko silang pinagmasdan isa isa. Muli kong isinasaisp na ginawan ako ng mali ng mga lalaking ito. Sa bawat pakikipagtitigan ko sa kanila, nakakaya nila akong tignan sa mga mata. Halo halo ang emosyong makikita mo sa kanilang mga tingin: may hiya at pagsisisi kang makikita.
Humugot ako ng isang malalim na hininga, kailangan kong maging matapang at panindigan ang desisyong gagawin ko. "Iaatras natin ang kaso."
Gulat ang rumehistro sa mukha ng lahat ng nasa silid na iyon. Kahit naman siguro ako, kung nagkataong hindi ako ang damay sa pangyayaring ito, ikagugulat ko ang gusto kong mangyari.
Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Kristian matapos niyang marinig ang nais kong mangyari. "Love, alam mo ba 'yang sinasabi mo? Palalayain mo ba talaga sila?"
"Charlie, anak, hindi ito ang oras para mahibang ka."
"Gaano sila kabilis mapapakawalan, tito?" itinuon ko ang pansin ko kay Officer Rio na tila hindi pa rin nakaka-move on sa anunsyo ko kesa naman sagutin yung mga tanong nitong kasama ko. Hinintay ko kung may ibibigay na sagot si Officer pero wala dahil gulat pa rin siya. , itinuon ko na lang tuloy ang pansin ko dun sa lima. "Iaatras ko ang kaso niyo. Sana, sa pangalawang pagkakataong ibinibigay ko sa inyo, huwag na ninyong gawin ang mga nagawa ninyo sa akin. Matuto kayo sa pinagdaanan nating ito. Huwag na huwag na ninyo ulit uuliting gumawa ng masama dahil maaring hindi na kasing lawak ng pag-intindi ko ang gawing pag-intindi sa inyo ng susunod na magiging biktima ninyo."
Hindi pa rin umiimik ang lahat sa mga sinabi ko na naiintindihan ko naman dahil hindi biro ang gusto kong mangyari, taliwas iyon sa nakasanayan. Pinalipas ko ang ilanh minuto, hinintay ko kung may iba pa bukod sa akin ang magsasalita. Nung mapansing wala na, tuluyan na akomg tumayo upang tunguhin ang pintong maglalabas sa amin dito.
Palabas na ako ng silid na kinaroroonan namin nung tawagin ako ni Marcus. "Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay ang gusto mong mangyari."
Tinignan ko lang siya nang matapos siyang mag-salita. Bakas ang saya sa mga mata at mukha nila na tila nagliliwanag pa nga. At sa unang pagkakataon, matapos ang lahat ng mga pinagdaanan ko, isang tunay na ngisi ang sumilay sa akin.
"Ngayon ko lang nalaman ang tunay na rason ng nag-utos sa amin para ikaw ang ipapuntirya niya sa amin. Ngayon ko lang naintindihan ang gusto at dahilan niya para gawin iiyo. Ngayon ko lang na-gets kung bakit ikaw ang iniutos sa amin ni Piper"
