"Shet ka talaga Mico!" asar na asar kong sabi habang naglalakad ng matulin na para bang sinilaban yung pwet ko.
Malamang tawa ang isinagot ng lalaking kausap ko ngayon sa cellphone. Nakuha pa niya talaga akong tawanan ha? Bwiset! "Ayos lang yan, Charlie, kalma. Sigurado namang maiintindihan ka ng mga estudyante mo."
"Kahit na! Asar ka talaga!"
Bakit nga ba ako naasar? Bakit rin ba ako nagmamadali? Bakit nga ba maganda ako este bakit ba ako ganto ngayon?
Eh paano naman po kasi, late na ako ng TWENTY MINUTES sa klase ko! Twenty minutes! Shet! Nakakahiya kapag nalaman ito ni Mr. Salvador, baka mabengga ako ng bongga nung matandang principal na yun. Ang ma-late sa klase ay hindi gawain ng isang magaling na guro pa naman lalo pa't walang kakwenta kwenta yung dahilan kung ba't ako nalate. Hayyyy
Eh bakit nga ba ako late? Tanong niyo kay Mico. Epal nun eh. Hindi tumigil ng pakikipag-usap sa akin kagabi, eh ako naman itong si ewan. Nalibang ng husto. Hindi namalayang alas-dos na ng madaling araw.
Sinubukan kong umidlip, may tatlo't mahigit na oras pa naman ako bago ko kinakailangang gumayak. Inalarm ko na yung cellphone ko't alarm clock. Pati nga yung alarm clock ni tatay sa kwarto niya pinuslit ko na para makasigurong magigising ako sa tamang oras.
Pero wala eh. Hindi pa rin talaga nagpatalo ang sarili ko. Minani yung tatlong alarm eh. Hindi ako nagising sa tamang oras. Nagising na nga lang ako nung yugyugin ako ni tatay at tanungin kung may pasok ba ako kasi malalate na raw ako.
Walang pakundangan ang mga sumunod kong ginawa. Tinalo ko pa yung napaka-gwapo at hot na si The Flash ng ETC sa pagmamadali para lang maka-gayak at makapasok na. Nagmukha akong hinahabol ng pitumpu't pitong puting nangagalaiti sa galit na mga tupa.
Lakad takbo ang ginawa ko. Hulas na hulas na nga ako pero keber lang para makapasok na. Kung may mas matindi pa sa hingal kabayo, yun ang hingal na kanina ko pa dinadanas. Pasakit ka talaga Mico!
"Babawi na lang ako sa'yo mamaya, Charlie. Libre kita mamaya." alok sa akin ni Mico mula sa kabilang linya. Halatang iniiwasan niya na ang pagka-inis ko sa kanya kaya gumagamit ng mga ganyang pamamaraan eh.
Abot tanaw ko na yung pintuan ng klase ko. "Aasahan ko yan. Osya, nandito na ako. Mamaya na lang"
"Bye love"
Agad sumirit muling papataas ang inis ko sa narinig kong iyon. Kinamay na dumi ng ibon naman kase! LOVE?! WATDAEP?! Naaalala ko yung kagaguhan niya kahapon sa tawag niyang yan sa akin. Matino trip sa buhay eh. Tss Makaririnig at makatitikim talaga sa akin ng kasamaan yang si Mico mamaya!
"Eh anong silbi nung mahal mo nga kung hindi ka naman mahal? Katangahan yun boy!" maangas na pagkakasabi ni Russel, isa sa mga naging kaklase ko na estudyante ko na.
Inabutan ko silang hati sa dalawang pangkat. Hindi ko alam kung bakit pero parang may pinagdedebatehan sila. Nakakaaliw ngang tignan kasi halata mong seryosong usapan ang nangyayari eh.
Natigil ang debate nila nung mapansin nila ang hinihingal na si akong papasok ng kwarto. Bigla nanamang ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin.
Lumapit sa akin si Russel para mag-abot ng tubig na kinuha niya sa bag niya, syempre todo pasalamat naman ako.
Nang mahimasmasan na ako, nag-simula na silang mag-usisa. "Ma'am Charlie! Anyare? Ba't ka late?"
"Tinanghali na kasi ako ng gising eh." nahihiya kong pag-amin. Umamin ako, alam ko naman kasing maiintidihan nila yun tsaka ayaw ko nga yung mag-sinungaling ng madalas 'di ba?
