Chapter 3: Egg-citing!

10.7K 358 22
                                        

< Kristian Delos Reyes' POV >



"Pare, sigurado ka na ba d'yan sa pinaplano mo? Eh ilang buwan pa lang naman kayo nung syota mo ah." tanong sa'kin nitong si Ric, tropa ko, ng may pag-aalinlangan.



"Oo pare." nakangiti kong sagot habang pinagmamasadan ang singsing na nabili ko. "Ang lakas ng tama ko dun kay Piper. Mahal ko talaga 'yun, Ric."



Ay, oo nga pala, magpapakilala muna ako sa inyo. Ako si Kristian Delos Reyes, 17, taga-Antipolo at ako ang gwapong lalaking nagmamahal kay Piper De Leon.


Muli ay inobserbahan ko yung singsing na hawak ko at napangiti nanaman ako, simple lang naman yung singsing pero alam kong babagay kay Piper. Pinag-ipunan ko pa nga itong singsing na 'to, ilang linggo akong hindi nakipag-inuman sa tropa para may ipang-bayad dito sa singsing. May kamahalan kasi eh. Pero ayos lang, sa pinakamamahal ko namang babae mapupunta ito eh.

Pero hindi naman engagement ring ito, masyado pa kaming bata para maikasal. Ano lang, promise ring. Gusto ko kasing maramdaman niya na seryoso ako sa kanya, na mahal ko talaga siya. Corny ba? Walang pakialamanan mga pare! Haha!

"Eh ano bang nagustuhan mo dun sa syota mo?"

"Kapag sinabi ko, baka maging magka-away tayo." ang tangi kong nasabi dito kay Ric.

Hindi naman sa ayaw ko ikwento, masyado lang talaga akong maraming nagustuhan kay Piper at alam ko namang mainipin itong si Ric kaya hindi rin niya pakikinggan.

Napa-iling iling na lang si Ric sa sinabi ko. "Hayy. Mga nagagawa nga naman ng pag-ibig sa mga tao. Tsk tsk"

"Sus pare, sarilinin mo na lang 'yang mga kapaitan mo sa buhay. Hahaha!" natatawa kong banat sa kasama.

"Gago! Hindi ako bitter! Sadyang hindi lang talaga ako naniniwala na mahal na mahal mo na nga 'yang syota mo."

Saan ba nakukuha nitong si Ric yung mga pinagsasabi niya? Napacorny amputek!

"Malay mo hindi pala 'yang Piper na yan ang para sayo. Malay mo 'yang papalapit pala."

Tinignan ko naman kung sino yung papalapit, si Charlie pala. Paano naman ako magkakagusto sa bading? Adik ba 'tong si Ric? Naka-katol yata 'tong tropa ko eh. Tsk

"Michael! May itinext daw ang tatay sa'yo. Kunin ko na daw!" agad na sabi nitong si Charlie ng hindi kami pinapansin.

"Ang kinis natin ngayon babe ah." natripan ko siyang asarin. Aliw kasi kung maasar 'to eh, nakakatawa.

Agad naman siyang napatingin sa mga binti niya tapos ay may mahinang nasabi siya. Pero hindi rin niya ako pinansin. Taray! Meron yata siya ngayon. Hahaha!

"Ay babe, kaklase mo ba si Piper?" naisipan kong itanong. Eh malay n'yo, matulungan niya pa ako 'di ba?

"Piper? Sino yun? Yung sa tongue twister ba?"

"Tado! Yung girlfriend ko! Piper pangalan nun." sagot ko. Tongue twister ba naman kasi? Ginawa pa niyang lalaki yung mahal ko. Tss

"Ahh. Hindi eh."

Tuluyan na rin siyang nag-lakad papalayo sa tindahan. Aliw nga eh, babaeng babae kung mag-lakad. Mas maarte pa yata siya mag-lakad kesa kay Piper. Hahaha!

"HOY CHARLIE! YUNG MGA ITLOG MO NAIWAAAAN!"

Agad kaming nagkatinginan ni Ric sa isinigaw ni Michael tapos ay walang humpay na pag-tawa ang narinig mula sa'min. Imba! Amp!

"Ayos kung maka-tawa ah? Hambalos ko sa inyo yang mga itlog niyo eh." gigil na gigil na sabi ni Charlie nung makabalik siya sa tindahan.

Agad naman akong tumayo at umaktong maghuhubad ng short. "Sige nga babe, pakihambalos nga."

Agad siyang namula sa sinabi ko kaya binalingan niya na lang si Michael. "Isusumbong kita talaga kay Tatay, Michael. Naku ka. BV ka!"

Pinagpatuloy ko yung pagtawa ko. Hindi ko kasi talaga malimutan ang mga "itlog" ni Charlie. Bentang benta talaga sa'kin amputek! Hahahaha!

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon