Itstyra: Hello guys! How are y'all? Kamusta summer niyo? Ako? Hindi ko enjoy, sobraaaaaaaaaang init eh. Hahahahaha Arte lang
I just had 2 things to say.
First, I AM IN LOOOOOOOOOVE WITH MY NEW COVER FOR THE STORY. AS IN. FIEEEEEEEEEEERCE! And by the way, same with My Stupid Lover nuon, the change of cover photo will also mean changes in the story. And by changes, I mean big changes. And you will get a hint of what I am saying sa Chapter 38. Please continue supporting guys. Will you? Thaaaaaaaaaaaanks!
Second, natuwa lang ako and slight na kinilig dahil binabasa pala ni hiro_jiro_tot yubg stories ko. Hihihi Isa kasi siya guys dun sa mga boyxboy story writers na may established following na. Katouch na binabasa niya ang aking story. Hihi
Yun lang. Tama na pagpapaepal. Simulan na ang Chapter 37.
Lights. Camera. Action!
----------------------------------------------------------------------------------
"Boyfriend?" hindi makapaniwalang pag-ulit ni Francine sa sinabi ko. Teka, bofriend nga ba talaga ang sinabi ko?
OMG!
Kaya pala ganito na lang maka-react ang mga taong 'to, akala mo eh natitigan ni medusa sa mata kaya biglang nanigas.
Kahit si Kristian ay nagulat rin sa binigay kong dahilan. Eh sorry naman po mga kapamilya ano! Kahit ako din naman eh nagulat eh. Wala naman yatang tao rito ngayon ang hindi nagulat. Hayy Ang nagagawa nga naman ng kabaitan ko, ipinapahamak pati sarili ko. Hayy
Ano kayang magandang ipalusot sa mga 'to mamaya? Panigurado kasing hindi nila ako titigalan eh. Sila pa ba?
Pero kailangang matapos muna ang palabas na'to. Good luck Charlie! You can do it! Fight! "Unli lang? Ilang beses kong uulitin na boyfriend ko yang hinaharot mo bago tumanim diyan sa ulo mo na natatapalan ng limang pulgadang foundation ang sinasabi ko?"
Ngayon ay nasa mukha na ng lahat ang hindi pagkapaniwala sa mga naririnig nila mula sa akin, eh hindi naman kasi nila ako nakilala bilang mataray. Well, except kay Kristian kasi simula pa lang tinatarayan ko na siya. Mataray naman kasi talaga ako friends, inilalabas ko nga lang kapag kinakailangan. Weapon for destruction kumbaga.
"A-ano? Sinabi mo ba ang narinig kong sinabi mo?" nangagalaiti na ngayon sa galit si Francine. Nanginginig na nga yung mga kalamnan niya, hindi ko nga lang sure kung dahil sa galit 'yan o dahil sa lamig.
Napa-irap na lang tuloy ako sa ipinamamalas ni Francine na kahinaan sa pag-intindi. Hayy "Sinasayang mo ang oras namin Francine. Aalis ka ba o kailangan pa naming mag-file ng complaint sa security?"
Matapos akong patayin sa mga matatalim niyang titig, walang nagawa si Francine kundi ang umalis at iwanan kami. Ngayon ay naiwan ako sa mga hindi makapaniwalang titig nitong mga kasama ko.
Itinuon ko muna ang aking pansin kay Kristian na ngayon ay naka-tulala pa rin sa akin. Weird ne'to. "Kayo, sa susunod na mangyayari sa inyo yang ganyan, layuan niyo na. Eh mukhang ginusto niyo pa yata eh."
"Hindi ah!" napa-irap na lang ako dahil halos nagka-sabay sabay na kasi yung mga lalaki sa pag-tanggi. Medyo defensive! Hahaha
Bumalik ang lahat sa normal, nag-patuloy ang ibang kumain habang yung mga lalaki naman ay hinahanda na yung pag-iinuman nila. Masaya yung cottage namin. Maingay, puro tawanan, harutan at biruan. Mahahalata mong ineenjoy ng lahat yung gabing ito.
Bago tuluyang magtampisaw muli sa tubig yung iba, umeksena si Lian at hiningian ako ng speech. Muntimang talaga. Ang malala pa, umayon ang lahat. Kalorks! Ano namang sasabihin ko kaya sa mga 'to? Nice trunks para sa mga lalaki tapos ang corny ng bikini niyo para sa mga girls? Ganern?
