TyraSays: hello guys! Sorry sa matagal na update. Huhu Medyo nahirapan akong sundan yung last chapter, ang heavy niya kasi for me and I didn't know how to get away with it for this chapter. So ayun, pagpasensyahan niyo na po. Hihihi
Ahm, by the way, I think, by how the story is going now, hindi na magtatagal ang Para-paraan. This story is about to end. Yun. Magfofocus muna ako sa The Mistress and yung season 2 ng My Stupid Lover.
Do you guys have questions? Please feel free to express them. Thank you! :)
Itstyra:*
--------------------------------
"Labs, kamusta ka na? Ang tagal mong nawala ah." mariin ang naging pagpikit ko nung yumakap sa akin si Louie. Pilit kong nilalabanan yung nararamdaman ko.
Sabay akong naka-hinga ng maluwag nung humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Louie. Agad agad ko siyang binigyan ng ngiti.
"Heto naman si labs, nagpapamiss lang ako. Namiss mo naman ako 'di ba?" magaan at nakangiti kong sabi sa kanya.
Napapikit nanaman ako nung biglang umakbay sa akin si Louie at sinabayan ako sa paglalakad. Bakit ko nga ba kasi sinanay ang lalaking ito na palaging naka-dikit sa akin? Isa yata siya sa papatay sa akin.
"Sana kasi nagpasabi ka naman muna sa akin. Ano pang silbi ng touch screen mong cellphone kung hindi mo naman niloloadan?"
Sinubukan kong alisin yung pagkaka-akbay ni Louie pero ibinabalik lang din niya. Ilang beses ko ring inulit yun kaya lang nakakapagod din kaya hinayaan ko na lang. "Na kay tatay kasi yung cellphone ko. Bumabagets eh, nagpapasikat sa mga kumpare."
Dumating na kami sa classroom. Sinalubong kami ng mga classmates namin at sinasabi ko sa inyo, sa oras na iyon, parang ginusto ko na lang na manatili sa bahay at huwag ng pumasok kahit kailanman.
Ang dami nila, sumasakit ang ulo ko sa kanila. Pinaliligiran nila ako. Ang dami masyadong dumidikit sa akin. Hindi ba nila nakikita na naaasiwa ako?
"Ehem"
Napalingon ang karamihan sa taong nangaagaw ng aming atensyon. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para unti unting takasan ang mga kaklase kong 'to.
"Tulungan na kita d'yan" agad akong napahinto sa pagtungo ko sa upuan nung mabosesan ko kung sino siya. Pero bakit siya nandito? Pano siya nakapasok?
Maluwag ang ngiting ibinigay niya sa akin nung silayan ko siya ng tingin. "Titingin ka na lang ba d'yan, love?"
Papaanong nakapunta rito si Kristian?
"Halika na nga" sabi niya tas sabay hila sa akin papunta dun sa huling hanay ng mga upuan. Sinabi ko namang hindi dun yung upuan ko pero dun pa rin niya ako pinilit umupo.
Ano bang nangyayari?
Pinagtitinginan si Kristian ng mga kaklase ko. Yung mga babae, palihim na kinikilig habang yung mga lalaki naman ay tila naninibago sa bagong mukha. Kahit ako, hindi ko maiwasang titigan siya, nagtataka kasi talaga ako kung paanong nandito siya. Wala naman siya kasing naikwkwento sa aking kahit ano tungkol sa pag-aaral niya.
Pero ayun, baliwala yung mga pag-tingin namin sa kanya. Para kasing hindi naman niya kami napapansin. Matimtiman siyang nagbabasa ng manga. Flame of Recca, idol niya yun eh. Astig daw kasi tsaka parehas daw silang may prinsesang inaalayan ng buhay.
Tumigil ang lahat sa kung anuman ang ginagawa nila nung makita naming papasok na si Ma'am sa amin. Binaliwala ko na si Kristian kahit katabi ko pa siya, ayaw kong mabengga ng teacher na'to. Ang tindi pa naman niya mamahiya. Nakakatakot siya.