Chapter 64: Finale

6.6K 201 20
                                    






"Ano 'to?! Patatayuin niyo lang ako?! Sobra nyo na bang hirap na ultimo upuan ng hinostage nyo eh wala kayong maibigay?!"


Hindi ko alam kung matatawag ba na suicide itong ginagawa kong tapang tapangan o sadyang pagpapakatanga lang ito. Hindi nyo rin naman ako masisisi kung bakit hinahayag ko ang pagka-irita ko. Pagkatapos kaming dakpin ni Mico, isakay sa sasakyan at dalhin sa kung saan man ako dinala nung mga halang na kaluluwa na yun eh basta basta na lang ako iniwan? Ni walang nag-abalang sawayin yung katabilan ng bunganga ko! At isa pa, iiwan na nga lang ako, wala pa akong maupuan! Anong balak nila? Gawin akong estatwa o rebulto?


At gaya nga ng nasabi ko, wala akong marinig na ingay mula dun sa mga dumakip sa amin. Walang nag-tangkang sumagot sa tanong ko. Wala akong ibang marinig kundi ang mga ingay na nagmumula sa mga nagdaraang tricycle at sasakyan. Naisip ko tuloy na hindi siguro kami ganoong inilayo sa bayan nung mga kidnapper dahil na nga rin sa mga ingay ng sasakyan. Sa bayan mo lang naman kasi madalas maririnig iyon eh, habang lumalayo ka sa bayan eh mas dumadalang ang mga ingay ng sasakyang maririnig mo. Kung totoo nga ang iniisip ko, magandang strategy iyon mula sa mga kidnapper na'to. Atleast, may marunong gumamit ng utak sa kanila. Alam nilang sa mga duluhan ng bayan kami paniguradong hahanapin ng mga pulis kung sakaling malaman na nawawala kami.


Dahil na rin sa katahimikan, sinubukan kong tawagin si Mico para kamustahin siya. Simula kasi ng ibaba kami sa sasakyan nung mga mama, eh hindi ko na narinig magsalita si Mico. Puro ako na lang yung dumaldal, chill na chill ang peg nya. Kaloka.


Pero feeling ko eh pinaghiwalay kami ni Mico ng silid na pinaglalagian bilang wala nanamang sumagot sa mga tawag ko. At dahil sa kakaibang katahimikang bumabalot sa aking paligid, unti unti akong nilalamon ng takot at nerbyos. Tae naman kasi, sa dinami rami ng mga mayayamang mamamayan ng syudad ng Antipolo, isang hamak na gaya ko pa ang dinakip nila. Eh ano bang yaman ang meron ako? I mean, bukod sa kagandahan ko, ano pa bang meron ako?


Hindi nagtagal ay may isa sa mga kidnapper ang lumapit sa akin at binigyan ako ng mauupuan. Sa wakas! Finally! Buti nakaramdam ang mga 'to ng awa sa akin. Aba, ang perfect ng mga binti ko tapos pilit nilang nilalagyan ng varicose veins? The effs! Palibhasa mga panget siguro 'tong mga 'to kaya walang pakundangan sa pagpapahirap sa iba. Gusto pa yatang mandamay ng iba sa dinaranas nilang kapangitan. Psh


"Oh" pilit na may inaabot sa akin yung kidnapper. Nedyo feeling close pa sa akin yung mama kasi hinawakan pa talaga niya yung kamay ko para iabot yung kung anumang bagay yung inaabot niya. "Cellphone 'yan. Sige na, gamitin mo na 'yan para tumawag sa isa sa mga mahal mo sa buhay. Malay mo, huling tawag mo na pala iyan."



"Huwag na, baka ang tawag na gagawin ko pa ang maglagay sa inyo sa hukay." bilib ako sa kasutilang ipinapamalas ko sa mga dumakip sa amin. Nagawa konpa talagang tanggihan ang isang bagay na alam kong makakatulong sa amin. Iba ka talaga, Charlie. "Isa pa, baka mamaya isingil nyo pa sa pamilya ko yung load na magagamit ko. Alam mo na, bilamg dakilang naghihirap kayo."



"Sige na, gamitin mo na. Libre 'yan. Baka sabihin mo pang kinakawawa ka namin."

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon