Chapter 50: Serving Justice

5.9K 187 9
                                        

"Mico's POV"

"Bakit parang pagod na pagod ka superfriend?" natanong ko rito sa kasama ko. Nakaka-ilang hikab na kasi siya simula nung magkasama kami.

Ininom muna niya yung hot chocolate sa harap niya, pangalawang tasa na nga niya yang iniinom niya ngayon eh. "Masyado kasing stress sa school ngayon. Ang dami masyadong nangyayari. Ang daming pinagagawa sa amin. Para yata kaming robot sa mata nila."

Napangiti na lang akp sa pagrereklamo nitong superfriend ko. Nasanay na rin naman kasi ako sa kanya: laging magrereklamo sa mga pinagagawa sa kanya pero ginagawa pa rin naman niya. Minsan hindi ko na malaman kung alin ang sisisihin eh, kung yung nagpapagawa ba o siya na pwede namang tumanggi pero ginagawa pa rin tapos magrereklamo. Pero hayaan na, hindi ko naman mapipigilan 'tong si Charlie lalo kapag ginusto niya.

Inilagay ko muna sa plato niya yung garlic bread na kasama sa inorder ko. Paborito niya kasi yun, mukha siya laging gutom kapag yun ang kinakain niya. Hahaha "Eh ano bang meron at maraming pinagagawa sa inyo?"

"Eh kashe.... Sheke nge" halos lumuwa na yung isa't kalahating garlic bread na pinagsabay ni Charlie na ipasok sa bibig niya nubg sinubukan niyang mag-salita. Sinaid niya yung baso ng tubig niya bago nag-focus sa pag-nguya. "Eh kasi nga, founder's day na sa susunod na linggo. Eh alam mo naman, bukod sa mga teacher, kaming mga taga-star section din ang kaagapay ng pamahalaan ng eskwelahang iyon. Ewan ko ba, nakapaglalabas sila ng malaking pera pero simpleng party organizer hindi maafford. Nakakalorka!"

"Eh buti hinahayaan ka ni Kristian?"

Oo, alam kong sa eskwelahan muna ni Charlie si Kristian pumapasok. Dapat nga kaming dalawa yun kaya lang nag-last minute decision yung principal namin na huwag ako payagan. Ayan, si Kristian lang tuloy ang natuloy.

Nagtaka din nung una si Charlie sa pagdating dun ng boyfriend niya pero nagpaliwanag naman kami. Na ginagawa ni Kristian iyon para hindi na maulit pa yung nangyari. Eh kesa naman sumugal nanaman kami 'di ba? Hindi porket nakakulong na yung lumapastangan kay Charlie eh hahayaan na lang namin siya ulit. Syempre, kailangan makasigurong hindi na mauulit iyon.

Pinunasan ni Charlie gamit ng tissue yung labi niyang nalagyan ng spaghetti sauce. "Nung una, ayaw. Pumayag lang nung huli huli na kasi araw araw tumba. Sinasalo ba naman yung mga pinagagawa aa akin eh. Feeling superman ang kuya mo, ayan, tumba pag-uwi pa lang."


Patuloy ang pag-uusap namin ni Charlie tungkol sa kung ano ano. Patuloy din kaming kain ng kain, halos sumakit na nga yung tiyan ko sa kabusugan eh pero ayos lang yan.


Kasalukuyang ikinukwento ni Charlie yung mga kabaliwang pinaggagagawa ng boyfriend niya nung makalipas na araw nung narinig namin ang windchimes nung restaurant na tumunog, simbolo na may pumasok sa shop. Pinagwalang bahala na lang namin yun kasi medyo kilala rin naman itong shop na 'to sa Antipolo, laging dinadayo at tinatambayan 'to ng mga estudyante.

"Ah excuse?" natigil si Charlie sa pagkukwento at sabay naming nilingon yung tumawag sa aming atensyon.

Sabay naming nakita ang isang lalaking nakatayo sa harap ng booth kung nasaan kami. Hindi nga lang siya isang simpleng lalaki: isa siyang unipormadong lalaki. Pulis. At namumukhaan ko siya, siya yung kumpare ni Tito Carlos. Siya yung nagdala sa amin nuon nina Kristian dun sa kuwarto kung nasaan yung mga nanakit kay Charlie.


"Tito Rio, naku, wala pa ang tatay. Mga 8pm pa uwi nun." bungad ni Charlie matapos makapagmano duon sa pulis.

Ngumiti lang naman bilang sagot yung pulis na Rio pala ang pangalan. "Ay hindi naman si Carlos ang sadya ko, Charlie. Ikaw kasi talaga ang pakay ko kaya ako nandito."

Nangunot naman ang koo ni Charlie sa pagtataka. Pasimple niya akong tinignan na waring nagtatanong kung alam ko ba ang sinasabi nung alagad ng batas na nasa harap namin. Nagkibit balikat na lang ako, hindi ko rin naman kasi talaga alam eh.

Lumipat ao ng pwesto para tabihan si Charlie. Si Officer Rio naman yung pumalit sa kinauupuan ko kanina, siya ngayon yung nasa tapat namin. Tinanong namin si Officer kung may gusto siyang kainin pero nakuntento na siya sa juice lang.

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa, Charlie." seryosong sabi nung pulis pagkatapos uminom ng bahagya sa juice niya. "Ako ang pulis na naatasang hawakan ang kaso mo. Ako ang mag-iimbestiga sa nangyari. Alam ko na hindi mo pa kayang balikan yung mga sinapit mo, alam kong hindi ito magiging madali pero Charlie, ito lang ang paraan para bigyan ka ng hustisya. Ito lang ang paraan para managot ang mga nagkasala."

Habang nagsasalita si Officer Rio, pasimpleng humawak sa aking braso si Charlie na paramg humihingi ng suporta. Tinugon ko iyon gamit ang paghawak sa kanyang kamay. Alam naming parehas na hindi magiging madali para kay Charlie ito kaya kailangan niya ang lahat ng supportang makukuha niya.

"Sa susunod na linggo, kakausapin muli kita para kunin ang iyong kwento sa pangyayari. At dahil maselan ang usaping ito, irerecord natin ang pag-uusap na iyon upang hindi ka na tanungin paulit ulit tungkol sa nangyari. Sa araw na iyon, kailangan mo Charlie na tatagan ang loob mo dahil pipilitin mong balikan at sariwain ang mga pangyayari nung araw na iyon. Kailangan mong mailahad ang lahat ng detalye na naalala mo, ultimo yung pinakamaliit na bagay na sa tingin mo ay may kaugnayan sa pangyayari. Hindi magiging madali ito kaya hahayaan kitang makasama ang tatay mo o sinumang gusto mong makasama sa oras ng ating pag-uusap."

Marahan, mahinahon at mapang-intindi ang pananalita ng pulis na aming kaharap ngayon. Talagang bakas sa boses niya ang pag-aalala at pagsasa-alang alang niya sa nararamdaman ni Charlie. Mabuti at sa kanya napunta ang kaso ng kaibigan ko.

Mahigpit pa rin ang hawak sa akin ni Charlie. Mataman niya lang na tinititigan yung baso ng tubig sa kanyang harapan. Hindi naglaon, humugot siya ng isang malalim na hininga at sabay tumingin sa pulis. "Sige Tito Rio, salamat po. Maghahanda po ako para sa susunod na linggo."


Tumango tango yung pulis sa isinagot ng katabi ko. "Matatapos din ito, Charlie. Magpakatatag ka lang."

Kaunti pamg pakikipagkwentuhan sa amin ni Officer Rio ay tumayo na siya at nagpaalam na aalis na, may mga kailangan pa raw kasi siyang tapusin sa presinto. Hinayaan na lang namin siya matapos makapagpasalamat. Hindi rin nagtagal ay nag-bayad at umalis na kami sa shop.

Kasalukuyan naming binabaybay ni Charlie yung daan pauwi sa bahay nila. Tahimik ang paglalakad nmin na iyon, halata kay Charlie na iniisip pa rin niya ang mga sinabi nung pulis.

"Charlie, alam mong nandito lang kami 'di ba? Anuman ang mangyari, hindi kami mawawala sa tabi mo."


Hilaw na ngiti ang isinagot sa akin ni Charlie. "Alam ko iyon, Mico. Ang hindi ko alam ay yung kung kakayanin ko bang balikan yung mga nangyari. Mukha lang naman akong naka-recover na eh, pero napapaginipan ko pa rin yung nangyari sa akin. Napakalinaw nung mga panaginip na parang nauulit ulit akong binababoy nung mga yun. Gabi gabi kong nakikita yung mga mala-demonyo nilang ngiti at tingin. Nararamdaman ko pa rin yung takot. Yun, yung mga yun, yun ang hindi ko alam kung kaya kong balikan ulit."

Ramdam sa bawat salitang pinawalan ni Charlie yung bigat ng dinaranas niya. Bakas ang hirap, sakit at takot sa buo niyang pagkatao. Paulit ulit siyang bumabangon sa isang bangungot na nagagawang lamunin ang buo niyang pagkatao.

Pinigilan ko si Charlie sa paglalakad para yakapin siya ng mahigpit. Wala akong paki kung nasa gitna kami ng daan at may makakita sa aming mga taong hindi ganun kalaki ang pang-unawa. Ang kaibigan ko lang ang tanging binibigyang halaga ko ngayon. "Charlie, sabi nga niya kanina, mahirap ito pero kailangang mangyari. Kailangan mo ulit masaktan para tuluyan kang makawala sa sakit."


Nakakaramdam ako ng iilang patak ng tubig sa aking damit. Umiiyak nanaman si Charlie. Kumalas siya sa yakap ko ng naka-ngiti habang marahang pinupunasan ang mga pisngi niyang dinaluyan ng kanyang luha.


"Ihahanda ko ang sarili ko. Makakaalis ako sa masamang panaginip na'to, kakayanin ko. Ako pa ba naman? Eh ako nga ang papalit kay Tyra Banks 'di ba? Mamaniin ko 'to kasi ako si Charlie Devin Laurel, ang pinakamatapang na bading na supermodel ng Antipolo."

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon