Chapter 45: Dramaaaaaa!

6.1K 219 5
                                    

"I am so disappointed with you, Charlie." bakas na bakas talaga sa boses ni principal ang pagkadismaya sa akin. "Of all people. I expected more from you."

Napa-tungo na lang ako dahil ngayon lang pumapasok sa sistema ko ang mga nagawa ko. Medyo, hindi mali, nakakahiya nga talaga ang pinaggagawa ko.

Binalingan naman ni sir yung babaeng nakaupo sa tapat ko. Hindi gaya ko, hindi mo siya makikitaan ng kahit anong pagpapakumbaba. Makapal ngang tunay ang pagmumukha niya. "At ikaw, Piper De Leon, babae ka pa man din! Napakabarubal ng ginawa mo para sa isang babae!"

"Hindi ko alam kung paano ko kayo iintindihing mga bata kayo." nawawalang loob na sabi ni sir. Napahawak pa nga ang kanyang mga kamay sa kanyang noo, tandang hindi na alam ng aming punong guro ang gagawin niya. "Palalampasin ko ang nangyaring ito dahil sa mga naitulong mo sa akin, Charlie. Pero kapag naulit pa ito ay hindi ako mangingiming parusahan kayong dalawa. Kuha niyo?"

Tumango ako tanda ng aking pagsang ayon. Ito namang katapat ko ay umastang para bang bagot na bagot na siya. Tss. Kada talaga makikita ko ang pagmumukha nitong bruha na'to ay hindi ako nagsisising binawian ko ang pantatarantado niya sa akin. Akala niya ba siya lang ang marunong sa mga ganung bagay? Tss.


Tuluyan na kaming pinaalis ni sir sa opisina niya pagkatapos. Agad ang pagtayo at paglabas nung kasma ko habang ako ay muling humingi ng paumanhin sa kaniya bago marahang lumabas.

Hindi ko naman inaasahang hinihintay pala ako ng asawa ni satanas. Ayun siya, prenteng naka-sandal sa pader na tapat ng opisina ni sir habang suot suot ang isang nakaka-gagong ngiti. Inirapan ko siya bago tuluyang nag-lakad pabalik ng classroom, sumunod naman ang impaktita.

"Akala mo dito na tayo nagtatapos? Malayo pa 'to bakla, makikita mo."

"Ang alin ang makikita ko bruha? Yung pagkakapahiya mo sa eskwelahang ito? Kung ganoon, shit! Excited na ako!"

Ilan na ang nakakasalubong namin ang umiiwas sa aming dinaraanan. Hindi man nila naririnig ang pinag-uusapan namin ay para bang nagsusumigaw na ang tensyong pumapalibot sa aming dalawa ni mangkukulam upang mahawi ang ibang mga dumadaan. Tila yata para kaming naglalakad na delubyo.

"Ano na lang kaya ang sasabihin ni Kristian pag nalaman niya ang ginawa mo? Paniguradong magagalit yun dahil nasaktan ang nobya niya."

"Tss. Kung gusto mo, ako pa ang magsasabi sa kanya sa kung anong ginawa ko sa'yo." mayabang kong pagkakasabi. Akala naman niya kasi talaga. "Eh ikaw? Naisip mo na ba ang gagawin ni Mico kapag nalaman niya ang ginawa mo sa superfriend niya? Nako. Paniguradong hindi mo gugustuhin magalit sa'yo si Mico"

At humantong kami sa dulong parte ng aming nilalakaran. Parte kung saan kinakailangang maghiwalay na, the dead end ng lakarang ito.

Matamis ang ngiting aking ibinagay sa kanya nung kami'y muling mag-tapatan, ngiting nakapanlilinlang, ngiting hindi makabasag pinggan. At si Piper, gaya pa rin ng dati, ay may kung anong kamalignuhan ang naisasapi sa kanyang mga labi, tuso.

"Magaling ka't kinakaya mo ang mga ginagawa ko, bakla. Pero pasasaan ba eh, manghihina ka rin. Mapapahiya ka rin. Pagtatawanan ka din ng lahat." nakapameywang niyang sabi sa akin gamit ang kanyang mapang-uyam na tono.

Lalo pang lumapad ang ngiti ko sa sinabing iyon ni bruhilda. Sa sobrang lapad ng pagkakangiti ko, papasa na yata akong prinsesa sa Disney. Princess Charlie, astig! "Teka, kaninong kapalaran ba ang binabanggit mo, Piper? Sa akin ba? Ay akala ko ikinikwento mo sa akin ang mga mangyayari sa'yo."

"Sinusubok mo talaga ang pas-------" naputol ang kun anumang sasabihin ni Piper nung may malakas na boses kaming narinig at tinatawag ako. Parehas kaming napalingon upang makita si Kristian na may kabilisan ang paglalakad.


Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon