Chapter 33: One True Friend

7K 231 7
                                    

Parang hindi ko yata kaya ang sa buhay ko'y wala ka. Aanhin ang pag-ibig kung puso ay nag-iisa..........."

"Ayos ang soundtrip natin!" natatawang sabi ni Mico na ikinairap ko na lang.

Linggo ng umaga at nandirito kami ni Mico ngayon sa plaza. Actually, kanina pa bago pumutok ang araw kaming magkasamang dalawa, pinag-jogging niya kasi ako. Pampayat raw. As if naman 'di ba.

At ngayon, kaya kami nakatambay dalawa rito sa plaza ay dahil katatapos lang nung free zumba session ng munisipyo. Medyo funny nga kasi kaming dalawa ni Mico yung pinakabatang nagzumba. But it's fine, hindi lang sa love ang "age doesn't matter". Pati rin kaya sa health and fitness.

Matapos yung zumba session, pumailanlang sa buong plaza yung mga kantang classics. Yung tipo nung mga kantang maririnig niyo sa radyo ninyo kada Linggo? Yung pinakikinggan ng Lolo't lola niyo, minsan nga pati magulang ninyo nakikinig rin nun eh. O kaya yung mga kantang natatandaan niyong narinig niyo minsan nung bata kayo. Yun. Yung mga ganung kanta ang bumabalot ngayon sa plaza. At ngayon nga, tinig ni Jessa Zaragoza ang tumutugtog.

"Kapagooooooood!" reklamo ko habang marahang nag-uunat ng katawan. "Mico, bili kang pagkain!"

"Ayos ah. Utusan?"

"Oo na. Ako na, ako na bibili. Nakakahiya naman sa aking napilitang bumangon ng maaga para samahan kang magpatakam ng mga babae. Sige na, hintayin mo na lang ako diyan." walang emosyon kong litanya rito sa kasama ko. Pa-unti unti na akong tumayo hanggang sa makapagpaggpag na ako ng tuluyan.

Walang lingunan ang ginawa ko para maramdaman niya ang pinepeke kong pagtatampo.

"Charlie!" tawag sa wakas sa akin ni Mico. Dahan dahan akong lumingon, papalapit siya sa akin. "Maupo ka na nga doon. Binibiro ka lang eh, mapagpatol 'to."

See? Alam ko talagang hindi ako matitiis nitong superfriend ko eh, ramdam na ramdam ko yun. Ako pa ba? Ang ganda ganda ko kaya para lang gawin niyang utusan. Alam kong medyo walang connect yun pero huwag na kayong nagingialam. Maganda ako. Period.


Bumalik si Mico matapos ang ilang minuto na may dala dalang paper bags (masyado na kasing makakalikasan ang Antipolo, hindi na nagpapagamit ng plastic sa tindahan) Pinagsaluhan namin dalawa yung dala niyang burger and fries pati iced tea. Parang hindi kami nag-jogging at nag-zumba sa kinakain namin ano?

Matino naming kinain yung meryenda, galit galit muna kami, walang pansinan. Sa sobrang tutok namin sa pagkain, hindi na namin pinakialaman yung mga nangyayari sa paligid namin, hindi nga namin napansing may magnanakaw na nahuli yung mga pulis sa may gilid lang namin. Opo, ganun kami ginutom ng jogging at zumba na yan.

Naisipan naming magpababa ng kinain namin kaya kami naglakad papunta dun sa ecopark na malapit kina Mico.

"Nakakapagod 'tong linggong 'to." buntong hininga ko. Doble o halos trumiple na ang pagod na naramdaman ko kumpara sa mga normal na araw ng pasok.

"Isang linggo na lang naman 'di ba?" tanong sa akin ni Mico na tinanguan ko na lang.

"Tiis na lang, Charlie. Isang linggo na lang naman eh. Tsaka isipin mo na lang na atleast, may pinupuntahang magandang bagay yung pagod mo. Na atleast, nababahagi mo yung mga alam mo."

Eh ano pa nga ba? Hindi ko naman kayang mag-reklamo, ginusto ko naman 'to, tinanggap ko yung alok nila principal, pumayag ako. Tsaka, sino ba namang hindi mag-eenjoy sa mga "estudyante" ko? Napaka-kalog! Walang oras na mababagot ka sa kanila. Lahat may kanya kanyang bagay na nakakatawa.

Ay hindi pala lahat. Halos lahat lang pala.


Pinagpatuloy namin ni Mico ang pag-uusap tungkol sa klase ko. Ang dami kong naikuwento sa kanyang nakakatawa't nakakabaliw na eksena. Medyo nakakahiya nga kasi iilan na nga lang yung tao sa ecopark, kami pa yung pinakamaingay dahil sa katatawa ni Mico. Ang tahimik kasi kaya naiiintensify yung normal na tawa ni Mico.

"Thank you nga pala Mico ha?" ang sabi ko matapos ng ilang sandali.

Naghabol muna ng ilang hininga yung tao bago naka-ngiting lumingon sa akin. "Para saan? Sa pagkain kanina? Wala yun!"

"Para sa pagpapanggap mong boyfriend ko."


Bumalot ang katahimikan sa aming dalawa, hinayaan naming dalawa na mapangibabawan ng mga huni ng ibon at tunog na ginagawa ng hanging dumadampi sa mga puno.

"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa, kung bakit mo ako tinutulungan. Pero gusto kong pasalamatan ka, kahit hindi ko 'to hiniling sa'yo eh ginagawa mo pa din."

Isang sinserong ngiti ang bumahid sa labi ni Mico. "Wala yun. Ano pa ba namang silbi ko bilang superfriend mo kung sa isang simpleng bagay lang ay hindi pa kita matulungan."

"Pero bakit mo nga ba 'to ginagawa, Mico?" hindi ko mapigilang ang sarili kong tanungin siya. "I mean, natutulungan mo naman na ako dati pa pero bakit pinaabot mo pa sa puntong kailangan mo pang idamay yung buong sarili mo para lang sa akin?"

Alam ko ang kapalit ng ginawang pag-tulong sa akin ni Mico. Isa na siya sa pinakabagong nadagdag na pinagtstsismisan dun sa lugar namin, kesyo raw wala namang mapapala sa akin si Mico, na baka nabubulagan lang, na baka ginayuma ko, o baka raw hindi lang talaga gumagamit ng utak yung tao. Ako yung naggagalaiti sa galit sa tuwing naririnig ko ang mga yun, may muntik na nga akong patulang matanda kasi yung panlalait niya kay Mico yung pinakamatinding narinig ko. Pero si Mico, iba siya. Kahit na siya na yung punagbubulungan nung mga tatamad tamad at mahadera naming kapitbahay, nginingitian lang niya sila na para bang wala siyang naririnig. Ewan ko ba sa taong 'to kung paano nagagawang huwag intindihin at pansinin. Kaloka

"Eh anong gusto mong gawin ko Charlie? Araw araw kitang panuorin habang kinukumpitensya mo ang Pagsanjan Falls? Na araw araw kong makikita na para kang baliw na iyak ng iyak? Charlie, hindi naman masamang umiyak eh. Ang masama ay yung hindi mo alam kung kailan ka na dapat tumigil sa kaiiyak."

Tuwing kailan nga ba dapat tumigil ang isang tao sa pag-iyak?

"Hindi mo ako masisisi ni hindi ako makapapayag na sisihin mo ako sa ginawa ko. Inunahan lang kita, alam ko kasing hindi makabubuti sa'yo ang pag-balik duon." dagdag paliwanag pa niya.

"Isa siya, kung hindi man siya, ang pinaka-pinaghandaan ko nung tinanggap ko ang pagtuturo sa kanila. Pero bakit ganuon? Parang wala pa rin? Nasasaktan pa rin ako. Tae. Mas makapit pa siya kesa linta!"

Ngumiti nanaman si Mico, ngiting nagpaparamdam na alam na alam niya na ang sagot sa tinuran ko. Ngiting may kumpyansa. "Tinatanong pa ba naman 'yan? Eh kasi nga mahal mo."


Muli kaming binalot ng katahimikan. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa sinabi ni Mico. Alam kong mahal ko si Kristian, pero may mga pagkakataong halos hilingin ko na na sana hindi na lang si Kristian, na sana si Mico o kahit sino na lang. Ang sakit pala kasi, ang sakit mahalin si Kristian.

"Pero salamat rin ha? Hinayaan mo ako sa ginawa ko."

"Naisip ko kasi, may taong handang tulungan akong maka-alis sa kinalalagyan ko, bakit hindi ko tanggapin yung tulong? Sawa na ako Mico, eh. Gusto ko na bumalik sa dati, yung maging normal na bading na lang na laging nakikipag-asaran kay Michael at yung ginagaya yung mga photoshoot sa ANTM."

Biglang nagtatawa si Mico ng mahina. May saltik na nga siguro ang lalaking ito, kailangang maagapan na siya bago tuluyang lumala. "Sa tingin mo ba, Charlie Devin Laurel, paniniwalaan ko yang mga sinasabi mo?"

"Ha? Pinalalabas mo ba Mico na nagsisinungaling ako?" naka-kunot noong tanong ko. Ayaw ba naman akong paniwalaan eh. Salbahe.

"Hindi naman" pauna niyang sabi bago siya tumayo. "Pero sadyang kilala lang kita. Ang lahat ng sinasabi mo ngayong dahilan ay kinokontra ng puso mo. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ba. Hindi totoong ayaw mo na, na sumusuko ka na kay Kristian."


Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala ng ganun kabilis at kalalim.

"Kaya mo ako hinahayaan sa plano ko ay dahil umaasa ka na kahit papaano, na kahit katiting lang, makitaan mo si Kristian ng pagseselos sa ating dalawa."

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon