TyraSays: Alam niyo, nakakaguilty na ang tagal tagal kong hindi nakapag-update. Sorry! Wala kasi akong net tapos kagagaling ko lang sa uber stressful na team building namin. Tatalunin ko na talaga amg Super Junior sa kakasabi ng sorry sorry sa inyo. Thank you sa pagtitiis! You guys are zo ozum!
Latest update! Sana magustuhan niyo. Hinabol ko lang talaga 'to ngayong araw, I was originally drapting an upload for The Mistress. Tapos nakonsensya lamg ako bigla kaya heto, I made this. Hihi
Thankies sa support and love and patience! Again, you guys are ozum!
ItsTyra:* <3
--------------------------------------------------
"Alam mo, para kang timang, kanina ko pa sinasabing ayos lang ako. Huwag ka ng OA d'yan." palipat lipat yung tingin ko sa magkabilang daan habang sinasagot ko ang pag-aalala nitong kausap ko sa cellphone. Hindi tuloy ako makapag-focus ng maayos, naaapektiuhan ako sa mga pinagsasabi neto eh.
"Bakit ba kasi hindi mo na lang ako pinasama? Wala naman akong gagawin ngayon eh."
Agad akong sumabay sa mga naglalakad patawid, hinayaan ko munang makatawid ako sa kabila bago ko pinansin ulit 'tong kausap ko. "Tumigil ka nga d'yan, Kristian. Matulog ka na lang muna at pinapupunta ka ni tatay sa'min mamaya."
Tuluyan ko ng pinutol ang pag-uusap namin ng bisugo kong boyfriend dahil kilala ko naman yun, magpupumilit nanaman yun sa gusto niya. Ayokong magpapeste sa kanya dahil baka mamaya sumunod talaga yun dito. Eh sasandali lang naman 'tong gagawin ko.
Tinitignan ko mula sa tarangkahan ng gusali ang muisipyong aking sadya. Hoy, huwag kayo, ang ganda ng munisipyo namin dito sa Antipolo. Mukhang mansyon. Yayamanin.
Eh ano bang gagawin ko sa munisipyo?
Well, magiging negosyante na kasi kami ni amang Carlos. Naisipan kasi ni amang na magtayo na rin ng negosyo. Okay na raw kasi yung may sigurado kaming mapagkukunan ng makakain at kita kung sakaling may mangyari mang hindi kaaya aya.
Hindi ko naman alam yung itatayong negosyo ni tatay, sososyo lang naman kasi siya dun sa tropa niya. Parang ang usapan yata nila eh yung tropa ni ama ang magbibigay ng puhunan tapos si ama ang mamamahala. Oh 'di ba, manager agad si Carlos Laurel. Umaasenso.
Eh ayun na nga, dahil sa tatay ang mamamahala dun sa negosyo nila, pinapunta akong munisipyo ni tatay ngayon para malaman kung pano ang kalakaran sa pagtatayo ng negosyo tsaka kung ano yung mga kailangang papeles para maging legal kami. Ayaw naman ni tatay na bigla siyang iraid ng mga pulis one day dahil wala siyang papeles. Kastress yun.
Nung natapos na yung convention para sa mga gustong mamuhunan sa negosyo, ako agad ang naunang lumabas ng bulwagang iyon. Oo, nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa mga ganung bagay pero hindi ko naman napaghandaan ang pagkaburyo na dulot nun. Tae, napakaboring! Dagdag pa dun, ako yung pinakabata dun sa mga umattend kaya nga pinagtitinginan ako nung mga mahahadera kong nakasabay. Wala naman akong magawa kundi ang plastikin sila at magpakita ng ngiti. Hayy
Inaayos ko yung mga gamit ko sa bag nung biglang may bumangga sa'kin. Agad akong napatigil at napatingin dun sa bumunggo sakin.
"Oh, andito ka pala, Charlie?"
"Kita mo naman siguro." naka-ngiti ako sa kanya pero sumisirit na agad yung pagkairita ko at wala akong magawa para pigilan iyon. "Sa nilawak lawak naman ng daanang ito Piper, napili mo pa talaga yung daang magbabangga sa ating dalawa."
Kung may Guinness award para sa taong nagmamay ari ng pinakapekeng ngiti, si Pioer na mananalo nun. "Kasalanan ko bang hindi ka tumitingin sa daanan?"