< Kristian's POV >
Tahimik kong tinitignan yung kisame ng kwarto ko. Nakahiga kasi ako ngayon habang hawak hawak ang isang bote ng beer. Wala lang, hindi ko kasi alam kung saan ako titingin eh.
Huwag na rin kayong mag-alala. Ilang minuto matapos ko ma-ihatid si Charlie, nag-paalam akong iinom kasama ang ilan sa tropa. Buti nga't pumayag siya, nuon kasi si Piper hindi ako pinapayagang uminom eh. Ano na lang raw kasi ang iisipin nung mga nakaka-alam na kami? Na baka daw sumama yung tingin nila kay sa kanya, may syota daw kasi siyang lasenggero.
Teka, nabanggit ko na rin lang ang tropa, bakit wala pa yung mga yun dito? Minsan na nga lang ako mag-yaya, ang babagal pa. Tss
Ilang sandali pa'y nagdatingan na yung mga kabarkada ko at nag-simula na kaming mag-inuman. Ingay doon. Tawa dito. Murahan d'yan. Biruan dun.
Lumabas sandali sina Ric at Oyo, may bibilhin raw sila. Hinayaan naman namin.
"Oh pre, kamusta maging syota si Charlie?" tanong nung isang kabarkada ko. Nang-aasar yata.
Tinungga ko muna yung iniinom ko bago ako sumagot. "Ayos lang. Chill lang kami."
Kahit papaano, may katotohanan sa kasinungalingan na sinabi ko. Totoong chill lang kami ni Charlie pero alam niyong hindi totoong magka-relasyon kami.
Mabait si Charlie. Sobrang bait niya. Ginagawa niya ang lahat para tulungan ako kahit alam niyang medyo mahirap yun. Kaya nga bilib ako sa kanya eh. Gumagawa siya ng ikabubuti ng iba na walang hinihinging kapalit o bayad.
Malaki ang tulong na ibinibigay ni Charlie sa akin. Madalas makakatanggap ako ng mga text sa kanya tungkol sa kagandahan ng buhay. Gabi gabi ko rin siyang binubulabog para may makausap ako bago matulog, naiisip ko kasi si Piper sa mga ganuong oras eh. At lagi niya akong pinapakinggan. Sa lahat ng mga ikwkwento ko, nandyan lang siya para pakinggan at payuhan ako.
"May nangyari na sa inyo 'no?" narinig kong tanong pa nila, nagtatawanan pa nga eh.
Pinagbabato ko sila nung pulutang mani namin. Ang babastos. "Tigilan niyo nga ako! Hindi pa namin nagagawa yun!"
At siguro, kung tunay na karelasyon ko si Charlie, malabong may mangyari agad sa'ming dalawa. Masyado kasing mabait yung taong yun, kaya parang ang hirap gawan ng kabastusan. Yung tipong sa sobrang bait niya, parang hanggang yakap na lang ang kaya at gusto mong gawin.
Bigla namang pumasok sa kwarto si Ric na hingal na hingal. Kasunod niya ang isa pang hingal na hingal na si Oyo. Anong meron naman kaya sa dalawang ito?
Tumingin sa akin agad si Ric pagka-upo niya. "May problema ka."
Ano? Pinagsasabi nitong ungas na'to? Problema? Ano namang prproblemahin ko?
"Anong problema ang sinasabi mo, Ric? Tsaka teka nga, bakit ba kayo hingal na hingal?" tanong ko para naman maliwanagan kami.