Chapter 51: The Revelation

5.7K 210 12
                                    

TyraSays: Hello guys! Hihihi I am oh so weird. Sorry. Haha

Feeling ko umay na kayo sa excuses ko whenever irregular ang updates ko pero mageexplain pa rin ako. Haha I was applying kasi guys for promotion sa work so almost 12hours lagi ako sa office tas 4hours round trip travel time from bahay to office and back so wala ng time to chill out. Hayaan niyo, pag himdi ako pumasa sa promotion, babawi talaga ako. Hahahaha

Pero please pray for me, though. Hihi

Enough with that, let's start Chapter 51 :)

---------------------------------------

"Kaunting sophistication na lang sa pag-bigkas ng mga salita, kaunting arte na lang at pwede na." ano raw? Kaunting arte pa? Eh tae, halos hindi ko na nga matunugan yung sarili ko, sobrang landi na ng pagkakabasa ko nung speech ko na sila rin ang gumawa. Kainis.

Pinasadahan pa nung voice coach yung speech ko ng isang beses, talagang balak niyang baragin ang kaluluwa ko sa paulit ulit na pag-sabi ng mga salitang ni hindi ko alam na may mga ganung salita pala. Nakakaloka. Pero sa wakas, mukha namang na-satisfy ko na ang bruhang bading na nagtuturo sa akin kahit papaano kaya nagawa na niya akong pagpahingahin. Hayp din naman kasi kung malalagutan ako ng hininga dito 'di ba?

Lumapit ako sa kinauupuan ng aking napakagwapong boyfriend na sinamahan ako sa practice na 'to. Agad niya akong inabutan ng tubig nung makalapit ako, medyo sad nga lang kasi hindi malamig yung tubig. Pero gets ko naman, kailangan ingatan ang boses, magmomoment pa ako next week. Bawal mapaos. Sayang efforts.

"Oh artehan mo pa daw, love." agad kong sinamaan ng tingin 'tong si Kristian. At talagang nagawa pa niya akong pag-tripan 'di ba. Mabait. Mainam yan. Tuloy lang niya, makakakita talaga siya.

Alam niyo yung pagod? Eh yung pagod na pagod? Eh yung halos hindi ka na makagawa ng kahit ano sa sobrang kapaguran? Alam niyo yung mga 'yon? Yun. Yun ang pakiramdam ko ngayon. Mantakin niyo, excused nga yung buong klase namin sa acads dahil sa event na'to pero anong ginawa nila? Pinapasok nila kami ngayong Sabado, araw na dapat nagpapahinga kami para tumulong tapusin yung mga gawain. Gupit dito, dikit ng kung ano doon. Nakakaloka.

At hindi pa dun nagtatapos ang kalbaryo ko mga kapamilya, nangangalahati na namin yung araw nung pinull out ako nung baklang voice coach ko nga. De, ang saya saya ko nung una, pahinga din kasi yun 'di ba? Pero hindi, nung inakala kong mahahayahay na ako, dun naman nagsimula yung kaartehan nung bading na coach na'to para ayusin yung pananalita ko. grabe lang, mga friends. Mas ginusto ko pang mag-gupit na lang ng mga papel kanina.

Kaya sa sobrang pagod ko, keber na kung may makakita o ano, itinulak ko pahiga si Kristian sa sahig ng founder's hall kung nasaan kami ngayon, at ginawa ko siyang unan. Magmukha na akong pabebe o padede pero walang makapipigil sa aking matulog lalo pa sa antok ko ngayon.

Mabuti nga at hinayaan lang ako ni Kristian eh. Actually, mukhang gusto niya nga yung inuunan ko siya. Hinihimas himas niya yung buhok ko, parang yung ginagawa ni tatay sa akin nung bata ako para makatulog.

Malaki ring tulong sa pagpapatulog ko sa sarili ko yung amoy ng boyfriend ko. No, hindi siya amoy paksiw o sinigang pero yung kabaliktaran nun. Nakakainis na sa dami ng ginawa namin ngayong araw, hindi pa rin humuhulas yung bango niya. Kainis. Pabango na nga yata niya yung ipinapawis niya eh. Nakakaloka. Ang bango pa rin ni Kristian.

Dala na rin sa lamig na ibinibigay ng kinalulugaran namin, sa init na ibinibigay ng katawan ni Kristian at sa kalabisang pagod ko, hindi rin nagtagal ay nakatulog ako. Finally.






Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog o kung may oras nga ba ang naipahinga ko. Ang alam ko lang, naalimpungatan ako dahil sa mga mahihinang tinig na narinig ko. Huwag lang talagang mga hindi makatotohanang nilalang ang mga ito kundi nako. Ikawawala ng tino ko iyon.

Para-paraan (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon