"Love love love" Hayyy! Ang saya sayang mag-tampisaw sa lambot ng aking kamang mula pa sa Pransya. Ang saya maging mayaman!
Pero syempre biro lang ang lahat ng iyon, maganda lang ako sa personal pero ilusyonada pa rin naman po ako.
Pero totoo na bago ang kama ko, sumweldo kasi ng malaki laki si tatay nung isang araw at itinatanong kung may gusto ba ako ipabili. Eh ayaw ko nga nung una dahil sayang din yun, dagdag na lang sana sa ipon namin. Mapilit lang talaga ang tatay kaya ayan, nagpabili akong bagong kutson. Mas malaki at malawak na tuloy yung kama ko kumpara dati. Masaya 'to! Hihihi
Wala akong balak ngayong araw kundi ang magbabad sa aking bagong kama. Ipapahinga ko at magbabawi ng lakas ang araw na ito kapalit nung limang araw na pinagod ako ng eskwelahan ko. Tae 'yan! Feeling mga espanyol yung eskwelahan namin eh, sapilitang paggawa ang peg eh. Kaunting kaunti na lang at mag-aaklas na ako talaga eh.
Nasa kahimbingan ako ng tulog nung nauulinigan ko ang walang tigil na pag-kahol nung mga aso ng kapitbahay namin. Medyo nairita ko kasi ibig sabihin mayroong may bisita sa kalapit mga bahay na hindi pa nilalabas.
Ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa pag-tulog nung bigla namang tumunog yung phone ko. Dali dali kong sinagot yung phone ng hindi sinisilip kung sino yung tumawag.
"Wala kang balak pag-buksan ako ng pinto? Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito."
"Wala."
"Dalian mo na, may dala akong meryenda."
Agad akong napatayo at pinuntahan siya. Hindi pa kasi sinabi agad na may dala palang pasalubong eh, dami dami pang sinasabi sa telepono. Eh alam niyo naman ako, magada lang sa personal pero may kasibaan din.
Akmang hahalik sa akin si Kristian nung pagbukas ko ng gate kaya idinikit ko sa nguso niya yung pinto ng gate. Alam naman niyang pinagtitinginan na siya ng mga makukuda naming kapitbahay, gagawa pa ng ikapapahamak namin lalo.
Iniwan ko siyang inaayos yung dinala niyang meryenda sa kusina. Agad akong babalik sa kwarto kasi bang init pala rito sa baba namin, hindi nga pala nalagyan ng aircon yung baba. Pang-kwarto lang namin ni tatay ang kaya ng kaban ng kayamanan namin.
Uli kong inihimlay ang aking sarili sa malambot pa sa bulak kong kama. Wala na talagang makakapigil sa akin ngayon. Sayaaaaa!
Pero binabalak ko pa lang ipikit yung mga mata ko, hindi ko na nagawa dahil sa pagpugpog sa akin ng halik nung magaling hong boyfriend.
Nakakakilig, oo. Ang sweet, oo. Pero hindi yun ang hanap ko kasi ngayon eh, ang hanap ko, isang matiwasay at mahaba habang pahinga. At mukhang malabo kong makuha iyon ngayon.
Nakapatong sa akin si Kristian habang ang dalawa niyang braso ay naka-tungkod sa pagitan ng aking balikat. Nagmumukha siyang nagpupush up kada hahalik siya sa akin. Iniwasan ko yung isa sa mga halik niya bago ko siya marahang tinulak paalos sa ibabaw ko. "Alam mong malalaman ni tatay na nagpunta ka dito."
Tumango tango si Kristian blang sagot.
"Tapos nakuha mo pa pansin nung mga makuda naming kapitbahay, ano bang plano mo Kristian?"
Umalis muna siya sa pagkakapatong sa akin bago umupo sa tabi ko. "Wala naman. Gusto lang kitang pag-silbihan ngayon, love."
"Lumpo na ba ako?"
"Hindi pa pero mukhang malapit na." at automatic na napataas ang kilay ko aa aking narinig. May balak yata 'tong masama sa akin eh, gusto pa yata akong gawing imbalido. "Malapit ka ng malumpo bilang pagod na pagod ka naman lagi katatakbo sa isipan ko eh."
BOOM!
Niyakap ko si Kristian nung tuluyan na siyang nahiga sa tabi ko. "Ang corny corny mo sa part na yun, love."
"Mahal kasi kita, love."
"I love you din, love." marahan kong sabi bago tuluyang iainiksik ko ang sarili ko sa tabi niya. Wala lang, mas nakakatulog ako talaga agad kapag nakadikit ako kay Kristian. Mas nakadikit, mas maganda. Feeling linta ako eh.
Whew. Sa wakas! Nabawi ko rin yung tulog na kailangan ko! Ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag kumpleto at sobra pa yung naitulog mo 'no? Parang ready nanaman akong sumabak sa pagpapapagod.
Pero dahil may kaharutan akong taglay sa katawan, muli kong dinama yung yakap ng boyfriend kong may makisig na pangangatawan. Ang yummy yummy kaya ng katawan ni Kristian, buti nga lagi siyang nagsusuot ng sando o tshirt kundi nagkagulo na ang sangkabadingan sa katawan niya.
Sikreto lang natin 'to, naaadik ako sa amoy ni Kristian. Gustong gusto ko talaga siyang inaamoy, kahit yung kilikili niya gusto kong inaamoy amoy palagi. Ewan ko ba, ang bango niya kasi lagi, parang 24/7 siyang mabango. Yung parang pabango ang ipinapawis, iniihi at idinudumi niya? Grabe talaga. Ang bango lang.
At yung bango niya eh hindi yung nakakasulasok, hindi ganun. Nakakaadik talaga yung klase ng bango niya. Hahanap hanapin ng ilong mo. Gugustuhin pa nga ng ilong mong tumambay at mag-kape habang naglalaro ng COC sa kilikili ni Kristian eh. Sobrang manly ng amoy niya. Nakaka-kilig! Kaya ang saya lagi amoyin ng boyfriend ko eh.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-simot ng amoy ni Kristian nung may marinig akong tumikhim. Sinawalang bahala ko nung una kasi akala ko guni guni lang pero naulit ng dalawa pang beses yung pag-tikhim kaya nilingon ko na. Medyo scary nga lang kasi baka mamaya psycho pala yung tumitikhim at ginigising lang ako para panoorin ko ang sarili kong mahati sa maliliit na piraso. Shiz! Ang kadiri ng imagination ko!
"Ay kabayong inanakan!" napa-upo talaga ako sa sahig dahil aa biglaang pagtalikwas ko nung makita ko kung sino yung tumitikhim.
Paano ba 'to? Lagot na lagot ako. Saglit akong napatingin kay Kristian na tulog na tulog pa rin hanggang ngayon, kung kelan naman kailangan ko ng tulong oh. "N-napaaga ka y-yata ngayon, t-tatay?"
"At mabuti ngang napaaga ako." walang emosyong sagot ni tatay habang naka-tingin sa aming dalawa.
Pinagising ng tatay si Kristian tapos ay pinasusunod kami sa kanya sa sala. Habang inaalog alog ko si Kristian para magising, kabadong kabado na talaga ako. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa mga susunod na oras. Feeling ko, kinakailangan ko ng mag-empake ng gamit at lisanin ang syudad na ito. Paalam Antipolo, hindi ka malilimutan ng isang magandang nilalang na gaya ko.
Kabaliktaran ko si Kristian. Kung over na sa over acting ang ginagawa ko, si Kristian chill pa more ang peg. Ni hindi ko makitaan yung bisugo ng takot, eh kanina ko pa sinasabing nahuli na kami ni tatay. Ngingiti ngiti lang sya, pagpapacute lang pala ang ipinunta nito dito. Kaloka. At ang mas kinaloka ko pa, mas inabala pa niya talaga ang sarili niya sa pananalamin. Galing.
"Maupo kayo." heto na talaga. This is really is it! Halos lumuwa na puso ko sa kaba! Para akong humaharap sa husgado at ipagtatanggol ang kalayaan ko.
Ang blangko ng expression ni tatay, hindi ko talaga makita kung ano yung nararamdaman niya. "Matinong sagot, totohanan na ba 'yan?"
"Hind---" naputol yung gagawin ko sanang pagtanggi nung siniko akong bigla ni Kristian tapos ay sinamaan pa ako ng tingin. Eh anong ineexpect niyang sasagot ko kung hindi ko inasahan yung isasagot niya?
Hinawakan ni Kristian yung kamay ko. Nung una nga ay inaalis alis ko pa dahil nga nasa harap namin ang tatay pero ayaw paawat eh, hinayaan ko na lang di kalaunan. "Opo tito, wala na po itong halong lokohan."
"Siguraduhin mo, huwag mong kalilimutan yung pinag-usapan natin." ang tangi ko na lang narinig kay tatay bago siya tumayo, inayos yung upuan kinalagyan niya at umalis. "Iiwan ko na muna kayo, puntahan ko lang si pare sa kanila."
At tuluyan niya nga kaming iniwan dalawa.
A-ano 'to? Yun na yun? Pagkatapos kong kabahan? Anyare?