TyraSays: I'll let you guys in on a funny secret. Alam niyo ba na wala pang last name si Mico up until ginawa ko itong chapter na'to? Reason why? It was so hard to find a surname that would fit Mico's persona. I even tried finding a perfect surname mula sa facebook friends ko but they're not that good enough. Ang weird ko 'no? Hahahahahahahahahaaha
-------------------------------------------
"I wonder what goes through your head when you hear my name."
Nakapako ang aking tingin sa isa sa aking facebook post. Hindi ko magawang maiwaglit ang aking mga mata dahil sa aking mga nakikita.
45 likes. 82 comments.
OMG.
OH. MY. GOSH.
Binasa ko ang mga comments na katangahan lang po talaga dahil pinalala nun ang kahihiyan na aking nadadama.
Carlos Laurel: Hindi ko alam kung parte ito ng kung anong pag-iinarte mo anak pero sasagutin ko ng matino ito. I remember my happiness with your name. Ngayon, ipagpatuloy mo na yang paglalaba mo.
Aww. Ang tatay talaga ang pinaka-unang mag-comment! Mahal na mahal talaga ako ng tatay ko, mag-eenglish ba yan ng ganyan kung hindi? Matindihan na. Babawi nga ako sa kanya, ipagluluto ko siya ng favorite niyang ulam. Tama.
Louie Tuscano: Ano pa ba? Eh di ang aking pinakamamahal! I miss you babeeee!
Nailing na lang ako sa kalokohan ni Louie. May mga emoticons pa talaga yung comment niya. Namimiss ko na tuloy makasama yung hinayupak na yun, wala akong makabiruan ng todohan sa klase ko eh.
Russel Eugenio: Astigin!
Lian Mateo: Sweeeeeet!
Von Santos: Pamatay!
Taraaaaaaaay. Hayop kung pumuri ang mga tinuturuan ko oh. Mataasan nga grades ng mga 'to mamaya. De joke lang, hindi ko gawain yun 'no.
Binasa ko pa ang ilan sa mga comments na nakalagay duon. Karamihan galing sa mga classmates ko, namimiss na raw kasi nila ako. May mga ilan pang nagcomment mula dun sa klaseng tinuturan ko, mga nagpapalakas yata hahahaha
Sa kinabuuan, tatlong comment ang nangibabaw sa dami ng likes na nakuha.
Unang una na si tatay na kasing rami ng likes ng post ko ang nag-like nung comment niya. Alam naman kasi ng lahat ng nakakakilala sa akin na sobrang lapit ko kay tatay, nasasaksihan pa nga ng mga kaklase ko yun minsan kapag sinusundo nila ako sa bahay at nandun ang tatay.
Ikalawa sa pumatok ay yung comment ni Mico.
Mico Jorell Vasquez: I remember authenticity, sweetness and humanity. I remember my superfriend. I remember who I cared the most.
Cat tea! Pakilig 'tong nilalang ng lupang 'to. Asaaaaaaar! Pero kinilig pa rin ako. At natouch. Ang bait bait talaga ng tingin niya sa akin. Authenticity, sweetness and kindness daw. Napakalinis ko sa mga salitang iyan, walang bahid karumihan. Haha
At ang pangatlo, ang pinakahuling comment na nakatanggap ng pinakamaraming like. Ang comment na pinaka-kontrobersyal.
Ang comment ni Kristian.
Kristian Delos Reyes: Naalala ko yung pinaka-unang taong nagpahalaga sa akin bilang kung sino talaga ako.
Ang mga sumunod sa comment ni Kristian na iyon ay medyo hindi na kagandahan, nagbitiw ng ilang mga hindi kagandahang salita si Piper at ilang mga babae pa na parang hatak niya sa post kong iyon. Natural na sinagot naman iyon nung mga kaklase kong babae pati na nung mga tinuturuan ko. Hindi ko alam kung paano sila natigil pero buti na lang at natigil sila.