"Pagsabihan mo yang syota mong hilaw Delos Reyes kundi makakatikim na talaga sa'kin yan." kulang na lang ang pag-uusok ng ilong ko sa sobrang inis sa mga nangyari sa akin.
Kawawa naman tuloy tong pancakes na inorder ni Kristian, nadamay pa't gula-gulanit na tuloy. Tsk. Favorite ko pa naman yun. Tae kasi ng bruhang 'yan eh. Kagigil ampupu.
"Paalpasin mo muna ngayon love, saka ko na kakausapin kapag umulit."
Napataas agad ang kilay ko sa aking narinig. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Wow. Hindi mo naman sa'kin sinabi na mabait ka na pala ngayon, Kristian. Nuon, kahit hindi totoo, sinugod mo ako agad dahil lang sa sinabi ni Piper na sinampal ko siya. Tas ngayon? Tss."
Ta! Mali yata makipag-usap sa lalaking 'to eh. Dapat siguro kay Mico na lang ako nag-sumbong. Baka may ginawa na agad yun. Psh. Pandagdag 'tong sinabi ni Kristian sa inis ko eh.
Napansin agad ni Kristian ang pagbabago ko. Sinubukan niyang hawakan yung kamay ko pero inilalayo ko. Naasar ako sa sinabi niya talaga.
"Love, babae pa rin naman kasi yun. Paalpasin mo na oh, huling beses na."
Tuluyan na akong tumayo mula sa aking pagkakaupo, medyo marahas pa nga yung pag-tayo ko kaya may mga kasabay kaming kumakain na napatingin sa akin. Nagulat sa ginawa ko si Kristian, akma niyang hahawakan muli ang aking kamay pero marahas ko siyang sinanggi.
"So dahil bading ako, magpaparaya ako. So dahil hindi ako babae, hindi ko na papatulan ang babae kapag ipinahiya ako. At dahil baliko ang kasarian ko, dapat ko lang patawarin ang babaeng walang habas na nagtapon ng mainit na kape sa damit ko." tuluyan ng umapaw yung asar ko ngayong araw at ayan, nag-simula na silang kumawala. Keber na kung mapahiya ako sa mga kasabayan namin sa restaurant na'to. "Hindi naman ako nasabihang may mga ganyang patakaran pala ang pagiging bakla, Delos Reyes. Pero sige, uunawain ko na lang. Yun naman lagi ginagawa ko. At uunawain ko na lang na mas inuna mo pa yung bruha mong ex kesa kampihan yung taong sinasabi mong mahal mo. Tss"
At agad akong umalis sa lugar na yun. Akma pa ngang susunod sa akin si Kristian kundi ko lang sinabihang magkakagulo talaga kaming dalawa kapag sinubukan niya eh. Wala na, asar na asar na talaga ako ngayon at talagang mangyayari yung banta ko kung sakaling sumunod siya sa'kin.
Oh eh bakit nga ba asar na asar ako? Tae kasi talaga yang Piper bruha na yan eh. Ang kapal! Naaalala ko nanaman! Tss!
Ganto kasi yung nangyari, so may practice ulit kami para dun sa program. Eh nasa founder's hall kami ngayon na kilalang pinakamalamig na parte ng eskwelahang ito, so marami sa amin yung inaantok at nangangatog sa lamig. Yung ibang gustong manatiling gising eh bumili ng kape.
Wala ako sa dalawang iyon. Tahimik akong nagprpractice ng sayaw sa isang gilid nung hall. Ayaw ko na kasi mapag-initan nung choreographer namin. Kahiya kaya.
So ayun nga, practice practice ang peg ko. Sayaw sayaw ganun. Kahit pinapawisan, ramdam na ramdam ko pa rin naman yung lamig na dala nung hall. Pero all of a sudden, nakaramdam ako ng biglaang pag-init sa aking likuran. Init na hindi normal. Init na nakapapaso't nakalalapnos. Sobrang init na napahiyaw ako sa sobrang sakit, yun ang tumawag sa pansin at gumising sa diwa ng lahat
Nilingon ko kung sino yung tarantadong gumawa sa akin nun. At sino pa ba ang nakita ko? Si Piper, may hawak na styro cup habang umaarteng gulat na gulat.
"OMG! Sorry Charlie! Nadulas ako eh."
At talagang naging kasing init ng kapeng itinapon sa akin yung ulo ko. Halos masaktan ko na agad 'tong bruha na'to kundi nga lang ako naawat agad ni Louie at nung ilan pang kaklase kong lalaki.
Kaya yun, nakipag-kita ako kay Kristian para sana kausapin niya ng matino yung bruhang iyon na tigilan ako. Pero nasaksihan niyo naman kung ano yung nangyari 'di ba? Parang ayos lang sa kanya yung halos mabalatan ako ng buhay eh. Tarantadong iyon. Bahala na siya! Magsama dila nung gagang bruha na yun. Tss.
Tanghali. Magkasabay kaming kumakain ni Louie ng tanghalian sa canteen. Pinalipas ko ang araw kahapon na walang text o tawag na ibinigay kay Kristian. Hanggang ngayon kasi nag-iinit pa rin ang dugo ko kapag naaalala yung mga sinagot niya sa akin.
"Babes, ano bang meron sa likod mo? Para kasing pinagtitinginan ka eh." pagtatanong sa akin ni Louie na ikinataka ko naman.
Lumingon ako sa paligid, totoo nga ang sinabi niya. Para akong pinag-uusapan ng mga tao. So agad akong tumingin sa kung ano mang meron sa likod ko, wala naman akong makita kakaiba bukod sa iilang balat na naka-labas dahil sa pagsusuot ko ng sando. Kinapa ko pa nga yung likod ko baka kasi may papel pa lang nakadikit at napagtrtripan ako. Pero wala rin eh. Kaya ang ginawa ko ay tumalikod para si Louie na ang patinginin ko. Napansin ko ang tunog ng gulat na ginawa ni Louie, hindi nagtagal, naramdaman ko ang pagpatong niya ng damit niya sa likod ko.
Napa-kunot ang noo ko sa ginawa niya kaya tinanong ko siya kung ano bang meron sa likod ko.
"Huwag mo muna alisin yang damit ko sa likod mo." paunang sabi ni Louie na ngayon ay gaya ko na ring naka-sando na lang. "Hindi mo ba nakita nung naliligo ka kanina na sobrang namumula yung likod mo?"
Huh? Namumula yung likod ko? Bakit? Wala naman akong maalalang may ginawa ako ngayong araw na maaring maging dahilan ng pamumula ng likod ko. Parehas kaming nagtaka ni Louie kung paanong nangyari yun sa likod ko nung bigla na lang umakto siya na parang nalinawan.
"Babes, paso yan. Yan yung nakuha mo dun sa nangyari sayo kahapon sa Founder's Hall. At mukhang hindi basta basta mawawala yan."
At muling nag-init ang ulo ko sa narinig. Huwag na huwag lang talagang magpapakita sa akin yang Piper na yan kundi tutustahin ko talaga siya. Mangingitim kang bruha ka sa'ken.
Natapos ang araw na hindi ko nakita si Piper, laking pasasalamat ko. Naglalakad na kami ngayon ni Louie palabas ng school nung makita naming papalapit si Mico. Yown! Pupuntahan ko sana siya sa kanila eh.
"Kamusta?" bati niya sa aming dalawa.
"Pagod."
Hindi ko alam kung anong parte sa sinagot namin ni Louie ang nakakatawa kung kaya't natawa si Mico. Pinagtinginan lang namin siyang dalawa pero binaliwala niya iyon, pinagmasdan niya akong maigi.
"Bakit may kapa ka? Superhero ba galawan natin, Charlie?."
Imbes na magsalita, tumalikod na lang ako at hinubad yung damit ni Louie na nagsisilbing takip sa paso ko. Narinig ko rin ang gulat ni Mico bago ko humarap muli sa kanila.
"Anong nagyari? Sino gumawa niyan sa'yo Charlie? Pulang pula yung likod mo!"
Tinamad na akong sagutin siya kaya si Louie na lang ang pinagpaliwanag ko. Gulat na gulat yung reaksyon ni Mico sa mga narinig. "Alam na ba 'to ni Kristian?"
"Alam niya. Kinampihan niya pa nga yung bruha eh." walang gana kong sabi bago tuluyang mag-lakad at iwan silang dalawa.
Napansin kong tahimik lang na sumusunod yung dalawa sa paglalakad ko. Hinayaan ko nalang sila, nakakatamad magbigay ng emosyon ngayon. Walang ano ano'y biglang may humintong motor sa tapat ko.
"Charlie, loves, mag-usap na tayo oh."
Neknek mo. Bahala ka diyan.
"Loves naman oh. Sige na, sorry na."
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. " Pwede ba? Kung ayaw mong marinig ang mga sunod kong sasabihin, lubayan mo muna ako? Hindi ko pa kasi nalilimutan yung ginawa mong pagkampi sa ex mo. Oh kaya naman ayaw mo siyang pagsabihan eh kasi hindi pa pala talaga kayo naghihiwalay? Sabihin mo lang Kristian , kakayanin ko ulit na layuan ka. Baka kasi nagagambala ko na ulit yung pagmamahalan niyong dalawa eh."