< Charlie Devin's POV >
Finally! Dumating na ang most awaited day ko of every week, ang Friday! Mahaba-habang pahingahan ito. Whoo!
"Paalam na muna para sa aking gwapong gwapo at batang batang tatay, magpapasabog muna ako ng utak. Okay?" pamamaalam ko kay tatay. Oy huwag kayo, sinabayan ko pa ang pamamaalam ko ng kiss and hugs. So bongga! Hahaha
Iniabot na muli ni tatay yung baon ko. At muli, for the fifth time ngayong linggo ay inihulog ko sa alkasya yung kalahati ng baon ko bago ako tuluyang nag-lakad papunta sa terminal ng tricycle.
Sa limang araw na may pasok ako sa eskwelahan, limang araw ko ring nakakasabay si bisugong hilaw. At gaya ng dati, wala pa rin siyang ipinagbago, isa pa rin siyang malaking bisugo.
"Oy babe! Kamusta araw mo?"
"Maaliwalas kanina pero ngayon parang babagyuhin nanaman yata." mataray kong sagot ng walang tinginan sa kanya.
Nakita ko namang nakunot ang noo niya. "Babe, kadalasan limang araw lang nireregla ang mga babae 'di ba? Bat meron ka pa rin?""Ako nga Delos Reyes eh tigil tigilan mo sa mga katarantaduhan mo! Mapanira ka ng araw eh." asar kong sabi. Bwisit kasi eh, pang-limang araw niya nang sinusubukang galitin ako. Tch!
Biglaan naman niya akong inakbayan. At sa pag-akbay niyang iyon, saglit kong siyang naamoy. Mabango, in fairness. Hahaha! "Eh bakit ba kasi ayaw mong kumalma kapag ako kausap mo? Wala namang nakaka-galit sa paglapit ko sa'yo."
Anong wala? Baliw ba siya? Nakakagalit kaya yung mga katarantaduhan niya! Lalo kapag kasama niya yung mga alagad niyang hipon kada tatambay sila sa tindahan ni Michael. Oo na, ako na pikon! Pero kung mararanasan niyo yung naranasan ko sa bisugong 'to, mapipikon din kayong panigurado.
"Alam mo, kesa inaasar mo ako araw araw, bakit hindi mo na lang sabayan yung syota mo? Anong klase kang boyfriend kung hindi mo siya hinahatid sa eskwelahan niya?" pagpapangaral ko. Tama naman ako 'di ba? Ang sweet na boyfriend, hinahatid yung girlfriend niya sa school.Bigla namang parang nag-iba yung mood nitong kinakausap ko. "Ayaw niya eh. Nakaka-asiwa raw tignan. Pati baka daw intrigahin siya nung mga kaklase niya."
Eh? Ano namang klase yun? Ba't may ganung kaartehan yung syota nito? Parang ang babaw na dahilan naman nun. Medyo naawa ako kay bisugo dahil duon ah.
"Para sa akin, isa sa mga napakagandang gawain ng mga lalaki ang ihatid ang kanilang mga mahal. Ang sweet kaya kapag ganun!"
"Gusto mo ikaw na lang ang ihatid ko?" eh? Ano namang kabaliwang sumapi rito at nag-alok ng ganyan?
Hindi na ako naka-sagot kasi hinatak niya na ako habang naka-akbay pa din papunta sa terminal.
Tinotoo niya yung alok niya. Inihatid nga ako ni bisugo sa tapat ng eskwelahan ko, nabaitan ako sa ginawa niya.
"Salamat sa pag-hatid."
"Wala yun. Para naman kumalma na 'yang regla mo kapag kinakausap mo ako." naka-ngiti niyang sagot sa akin. Err, pa-cute siya. Tss
Isinukbit ko na sa balikat ko yung bag ko. "Oh paano, salamat uli. Pasok na ako ha?"Tumango tango naman si bisugo sa paalam ko. "Nga pala, pwedeng ipagdasal mo akong swertehin mamaya? Kailangan ko eh."
Naguluhan man sa sinabi niyang iyon eh tumango na lang ako. Mukhang kailangan niya nga talaga eh. Tsaka, ano namang masama kung ipagdadasal ko nga siya? Hindi naman ako kampon ng kasamaan tsaka parang bayad ko na rin yun sa pag-hatid niya sa akin ngayon. Tama ba ako mga bebe? Good. Hahaha
Wala namang magandang nangyari sa school ko bukod sa pagkakadapa nung maarte kong kaklase kaya lalaktawan na natin ang bahaging iyon ng araw na'to. Ays ba yun? Good.
Muli ay nag-lalakad nanaman ako pauwi. At gaya nung unang araw, dumaan muna ako sandali sa plaza. Naisipan ko kasing mag-libot ng kaunti eh.
Naka-abot ako sa may likod ng plaza. Akala ko kasi may makikita pa ako pero wala na pala. Naisipan kong bumalik na nung maka-rinig ako ng mga boses na nag-uusap.
"P-pero bakit? M-mahal naman kita ah." sinilip ko kung sino iyong lalaking parang nagmamakaawa. Si Kristian!Anong nangyayari rito? Bakit nakaluhod si bisugo sa harap nung syota niya? Bakit parang nagmamakaawa yung tono niya?
Tinawanan naman siya ng malakas ni Piper, yung syota niya. Ayy, bitchy attitude. Pwe! "Bakit ako? Tinanong mo ba kung mahal kita? Tss"
"P-pero hindi naman magiging tayo kung hindi mo ako mahal 'di ba?" ang sagot ni Kristian dun sa maldita niyang syota matapos maka-bawi sa gulat mula sa narinig.
Muling tumawa na parang ewan yung malditang syota ni bisugo. "Nag-palipas oras lang ako Kristian. Kaya habang hinihintay ko yung pag-balik sa'kin ni Mico, nagpa-aliw muna ako sa'yo."
Ayy tengene. Hindi lang pala maldita ang bruha, makati din. Pakamot. Tsk. Kung anong ikinaputi ng balat niya, yun yung ikinaitim naman ng ugali niya. Lecheng bruha 'to. Pero sino nga pala si Mico?
"Oh pano? Maiwan na kita ha? Don't worry, I had fun. Thanks!" ganun ganun lang, iniwan ni bruha si Kristian duon ng nakaluhod. Bruhang tunay!Nakakaawang pag-masdan ngayon si Kristian. Napakalayo niya sa masayahing siya kada pag-trtripan niya ako. Mas lalong napakalayo duon sa napakalambin na siya na nasaksihan ko nuon. Napaka-lungkot niyang tignan ngayon.
Sa kabaitang ipinaramdam sa'kin ni Kristian at sa lambing na nakita kong kaya niyang gawin, masasabi kong bobo ang bruhang si Piper. Pinakawalan niya ang isang lalaki pinapangarap ng lahat ng mga kababaihan, pati na ng mga gaya ko. Sana lang, mas lamang yung lalaking pinili niya kesa dito sa lalaking iniiyakan siya ngayon.
Dahil sa tindi ng pagka-awa ko dun sa tao, hindi ko na napigilan ang sarili kong lapitan siya. Mukhang kailangan niya kasi ng makakaramay eh.
