Ang tingin ko kasi sa sarili ko ay isang marangak na dalaginding - mahinhin, mahiyain at kongkretong imahe ng living Maria Clara.
Kaso ang hirap panindigan ng character na ito sa buhay ko lalo na kapag nand'yan na ang makalaglag pangang kakisigin ni Ronron, ang ultimate crush na kaklase ko.
Mapapakagat labi ka nalang sabay mapapapadyak sa inis dahil alam mong wala namang chance para mapakinggan niya ang confession ko.
Kung magcoconfess ako, gusto ko ay makikita ko ang reaction niya. Kaya ayaw kong idaan pa iyon sa mga gasgas na diskerte.
Masyado ng cliche yung pagwe-wave sa Messenger, yung pagsasabi ng 'Hi'. Oras kasi na i-seen ka niyan, doon na nagtatapos ang kaligayahan mo.
Ayaw ko rin naman yung magre-react ako sa 'My Day' niya tapos sasabihing 'Sorry, napindot lang' pagmumukhaing mulala lang ako ng style na iyun.
"Hay nako, Rush! Nagpapaganda ka na naman kay Ronron" bungad ni Shamae paglabas niya ng CR.
"Para saan pa? Ako? Magpapaganda? Eh simula't sapul alam ko naman na na bokya ako doon" sagot ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin.
"Sussss! I-deny mo lang Lianne. Hindi halata eh. Sa tagal mo d'yan sa harap ng salamin? Hahahah grabe hindi nga halata" panunukso niya.
"Hahahah Tara na nga! Tapos ka na ba tumae?" bawi ko sa kanya habang kunwari kong tinatakpan ang ilong ko
"Kaganda mong babae, napakahalimaw naman ng sikmura mo" dagdag ko.
"Ang grabe mo sa akin ha!" sabay hiklas niya sa buhok ko "Tara na! Nandoon na yung guro natin panigurado"
"Upang masukat ang bilis ng pag-iisip niyo, magkakaroon tayo ngayon ng on-the-spot role play" mataray na anunsyo ni Mrs. Alcarez habang hawak ang kinatatakutan naming index card.
"Bubunot ng tatlong pangalan para sa unang grupo na magtaanghal. Isang minuto ang ibibigay para sa preparasyon at tatlo naman sa presentasyon. Nasa grupo ang pasya kung anoang magihing istorya at karakter ng bawat isa sa inyo" dagdag niya.
"Shara Mae Sy" wika niya pagkabasa sa unang nabunot na index card. "Swerte naman ni Shamae" matawa-tawang bulong ko sa sarili.
"Ronedick Abante" pangalawa ni Mrs. Alcarez.
"Omg si crush iyon ah!" napapikit nalang ako saglit at nanalangin na sana 'wag ako.
Kahit na nand'yan pa si Ronron, ayaw ko lang. Magmumukha lang akong shushunga shunga sa harap niya.
" And ang last ay si Alvin Sereglio" bigkas ng aming guro.
"Bakit ang tagal ni Alvin?!" Naiinis na sabi niya.
"Excuse Ma'am! Sorry po pala, nakalimutan kong sabihin na sinasakit nga po pala si Alvin kaya wala siya ngayon" pagsingit ni Ronron.
"Oh sige, meaning - " Bumunot ulit siya mala sa mga index card "Ikaw Ms. Lianne Rush Conio ang kukumpleto sa first group" usal ni Mrs. Alcarez.
Halos takasan ako ng kaluluwa ko nang marinig ko ang pagbanggit sa pangalan ko. Umakyat ang lamig sa buo kong katawan at hindi na mapakali ang mga brain cell ko sa pagfunction.
"Okay, I will give you one minute to prepare" hudyat ng aming guro. Nandito na kaming tatlo sa harapan. Dahil si Ronron ang top student sa klase, siya na ang hinayaan namin na magpasya sa magihing role at daloy.
"Rush? Ikaw yung kaibigan ni Shamae. Pumunta ka sa likod niya at kapag nagstart, mag-adlib ka nalang na kinocomfort mo siya" Hindi na ako nagulat doon.
Lagi namang ganoon. Kung hindi ako kaibigan, ako yung ginahasa, yung pinatay o kaya yaya.
Ang sad 'no? Hanggang sa mga ganito ba naman wala akong chance na maging bida ng isang kwento.
"Last 10 seconds" paalala ng guro.
Pupunta na sana ako sa likuran ni Shamae ng bigla siyang nakipagpalit sa akin.Bakit kaya?
"Wag na ako Ronron. Si Rush na lang please. Di ko kayang gawin iyan baka makasira pa ako ng grade natin." Tuga niya habang itinutulak ako papalapit kay Ronron.
"Okay! Lights, Camera and Action!"
Kumakabog ng todo ang puso ko. Nasa gitna nila ako ngayon.
Kailangan raw kasi magkahawak kamay kami ni Shamae kaya hawak niya ang kanang kamay ko. "Ano gagawin natin?" Pasimpleng bulong ko kay Ronron.
"Sasampalin kita" pabulong niyang sagot.ANO? SERYOSO SIYA? UNCRUSH ZONE NA NGA AKO TAPOS MASASAMPAL PA AKO? KAYA NAMAN PALA AYAW NI SHAMAE DAHIL AKO ANG IPAPAHAMAK NIYA. PAMBIHIRA NAMAN, OO.
Pumikit na si Ronron at humugot ng malalim na paghinga bago kumuha ng bwelo para sampalin ako.
"BOOOOOOOO!" Hiyawan ng mga kaklase ko na ligayang ligaya sa buay dahil nakita nilang may sampalan na naganap.
Aray! Ang sakit besz. Pinalad ako ha. Kinamot kamot ko yung sinampal niya dahil sa lakas ng pagkakagawa niya. Ikaw rin baga naman ang hampasin ng isang barako. Ewan ko lang kung hindi nagputukan tong mga tagyawat ko."SINAKTAN MO AKO!" hiyaw sakin ni Ronron.
At sa kanya pa talaga nanggaling iyun ha.
"AKALA KO BA RUSH AKO LANG?! PERO NILOKO MO AKO! IPAGPAPALIT MO NA NGA LANG AKO, BAKIT SA KAPWA MO PA BABAE?" dagdag niya.
Tekaaa! Heto ata ang purpose niya kung bakit holding hands kami ni Shamae. Kasi TOMBOY ako. Aba! Ay ganoon na ba ako kamukhang lalaki?
"Sinabi ko sa'yo na mahal kita. MAHAL NA MAHAL!Pinaramdan ko sa'yo lahat lahat ng pag-ibig na maaari kong maibigay para sana kahit papaano, sumagi sa isip mo na hindi ko deserve na iwanan mo"
Ang heartfelt ng lines niya. Sa sobrang emosyonal, unti-unting sumisilip ang mga luha sa itim na itim niyang mata. Inalis niya ang kamay ko sa kamay ni Shamae. Nanginginig niyang hinawakan ang mga ito at itinapat sa kanyang dibdib na tila ba nangungulila sa tunay na pagmamahal.
"Rush, tayo nalang kasi sa huli" sambit niya sa seryosong tono.
"Hindi naman ito totoo" kontra ko habang inaalis ang kamay ko sa dibdib niya.
"Rush? Please naman!"
"HINDI NGA ITO TOTOO RONRON AT KAILANMAN HINDI MAGIGING TOTOO" diin ko. Syempre tinodo ko na. Grab the opportunity ika nga. Kaya lagot ka sakin crush!
"Paano mo nasabing hindi ito totoo?" malungkot niyang tanong.
"Kasi Ron kung totoo ito, bakit hindi mo ako kinakausap kapag mag-isa ako? Bakit hindi mo ako nilalapitan kapag nahuli mo akong nakatingin sa iyo? O di kaya kausapin man lang sa chat? Kung gusto mo na tayo nalang, bakit ako pa ang kailangang magpadala ng friend request? Friend na nga lang nirerequest ko, ang tagal mo pang i-accept! Kung totoo man ito, bakit kailangan ako nalang lagi ang nagfifirst move? Hindi mo nga pinupusuan mga picture ko samantalang ako, ginamit ko na lahat ng facebook account ng pamilya ko para mapusuan ka lang. Para malaman mo na PINUPUSUAN KITA at KAPUSO-PUSO KA! Bakit hindi ka nagrereact sa mga 'My Day' ko? Ikaw lang ang laman noon Ronron KASI IKAW ANG KUMUKUMPLETO NG ARAW KO! Ikaw lang at laging ikaw lang ang tinutukoy ng lahat ng pinopost at shineshare ko sa timeline ko kasi ikaw lang ang sagot sa " WHAT'S ON YOUR MIND?" ni Facebook! Kung gusto mo na tayo lang, bakit araw-araw iniisnab mo ako? Araw-araw binabalewala mo ako? Bakit araw-araw pinaparamdam mo sa akin na ang hirap mong abutin, na ang IMPOSIBLENG MAGKAROON NG LABEL ANG NAMAMAGITAN SA ATIN?! Hindi ito totoo Ronron. Wag mo na akong lokohin. Wag mo na akong harutin dahil HULOG NA HULOG NA AKO! Oo na! Gwapo ka na ngang punyeta ka at normal na ang pagkaguluhan ka ng mga babae. Pero sana next time, wag ka nang ngingiti sa akin. Wag ka nang titingin saakin. Lahit kasi nabibigyan ko ng malisya dahil nga CRUSH NA CRUSH KITA! Happy ka na? May madaragdag na naman sa listahan ng papaiyakin mo!"
Then boom! Nagpalakpakan ang madla. Natulala si crush. Ang ending, mataas na grade ko, nakapasok pa ako sa Theatre Club PLUS nakapagconfess pa ako kay crush.
Click the ⭐ button
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Krótkie OpowiadaniaKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.