5 Things I Hate About You

10 2 0
                                    

"CRUSH MO AKO? PERO HINDI MO BA ALAM NA THESE ARE THE 5 THINGS I HATE ABOUT YOU?" sagot kong ikinagulat ni Alexa matapos niyang magconfess sa akin.

Kitang kita ko ang pagkaestatwa niya sa sandaling binitawan ko ang mga salita iyon.

"Una, ang tamad mong mag-aral" diretsahan kong saad. "May pangarap ka ba? Hanggang diyan ka na lang ba? Hanggang sa liptint ka na lang ba? Sa mga polbo mo at pangkilay? Ang lakas mong magconfess. Mas mataas pa 'yung confidence mong humarot kaysa sa confidence mong sumagot sa recitation"

"Grabe ka na ---"

"Sandali!" singhal ko. "Pangalawa, judgemental ka"

Ramdam ko ang pangangarera ng paghinga niya dala marahil ng hiya sa mga lumalabas sa bibig ko.

"Perfect ka ba? Wala kang kapintasan? Ang taas ng standard mo para punahin 'yung kamalian ng iba pero ang bumababa naman ang mga pamantayan mo kapag gwapo na 'yung nasa harapan mo. Bakit nagconfess ka sa akin? Dahil ba bumaba ang standard mo dahil gwapo ako? Paano kung sabihin kong mataas rin ang standard ko sa babae? Na ayaw ko ng hindi perfect?"

"..."

"Gusto mo pa rin ako?" tanong ko.

Tumango siya.

"Ikatlo, wala kang respeto sa sarili mo. Gimik dito. Gimik doon. Sa sobrang hilig mo sa mga party, lagi ka nalang involve sa mga third party issue sa campus. Anaconda ka, gurl? Nung minsan lang nahuli ka ng guard na may kahalikan tapos ngayon sasabihin mo sa harap ko na gusto mo ako?"

"Tama na, Noah!" sigaw niya.

"Hindi, Alexa. Pakinggan mo itong mga sasabihin ko. Ikaapat, mayabang ka!"

"Shut up!"

"Ikaw ang shut up. Bakit, Alexa? Nasaan 'yung mga pinagmamalaki mo? Palagi kang may fineflex. May binabrag. Wala ka namang napapatunayan dahil lahat hanggang salita lang sa'yo. Baka mamaya isa ako sa mga laruan mo. Baka mamaya umamin ka sa akin dahil akala mo gaya lang ako ng mga lalaking naakit mo sa mga pagpapakyut mo. Kung iyon ang tingin mo sa akin, tigilan mo ako dahil ayaw kong mag-aksaya ng oras para sa mga ganitong klaseng biruan"

"Ang grabe mo naman, Noah! Sinabi ko lang sa'yo na gusto kita ang dami mo namang sinabi. Wala naman akong sinabing gustuhin mo rin ako pabalik ah. Bakit kailangan mo pa akong pagsalitaan ng mga ganyan?"

She's about to walk away when I grabbed her arm, pulled her waist closer to mine and wrapped my arms around her.

"Huwag kang umalis at patapusin mo ako sa sasabihin ko" bulong ko sa kanya habang mahigpit na nakakulong sa yakap ko.

"The last thing I hate about you is that I love you. Ang dami kong dahilan para hindi ka magustuhan pero the fact that you stole my heart since the first day I saw you is the one and only reason to stay with this feeling ...

"... and to choose you over and over again"

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon