"BILOOOOOOOOG!" sigaw ni Papa.
"POOOOOOOOOOO"
Parang bundok ang layo namin ni Papa ng marinig ko ang sigaw niya.
"Mga parr teka lang, tawag ako ni Papa"
"Bumili ka nga ng paminta anak tsaka toyo, kulang yung pang-adobo natin"
Dali-dali akong tumakbo. Papuntang tindahan at pabalik, para akong nakikipagkarera sa anino ko. Yung DOTA kasi naghihintay na.
"Pa, heto na!"
"Yung asin suka rin pala anak, ubos na. Heto yung bote oh"
"Dapat kasi kapag nag-uutos sabay-sabay na. Ang hirap hirap magpabalik-balik sa tindahan"
"BILOOOOOOOOG!" sigaw ni Papa.
"Lagyan mo na ng tubig yung washing machine! Maglalaba na ako" dugtong niya.
Tumayo ako mula sa pagkakapanuod ng movie. Pinause ko muna at sinimulan mag-igib.
"Pagkatapos niyan idala mo yung mga hanger dito ha tsaka magwalis ka sa taas"
"Hindi pa lang ako tapos mag-igib may utos na naman kayo. Aba, isa-isa lang naman"
"Bilog ..." Panimula ni Papa.
"Kung anu-ano inuuna mo, mag-aral ka nga Bilog"
"Nag-aaral naman ako ah"
"Pumapasok ka lang! 70, 75, 80, 79, 76 at 77? Grado ba 'to ng nag-aaral?"
"Edi sana kayo yung pumasok. Kayo pa kasi ang nakakaalam" padabog ko siyang iniwan habang hawak ang bagsak kong card.
"Bilog" tawag sa akin ng isang boses.
Sa pagkakataong ito, hindi si Papa ang tumawag sa halip ay isang doktor.
"Comatose ang Papa mo" balita niya habang nakasilip ako sa labas ng kwarto kung saan ka nakahiga katabi ng mga aparato.
Napagod ka pala kakatrabaho. Hindi na kinaya ng katawan mo.
Pabalik-balik ako sa tindahan pero pabalik-balik ka sa iba't ibang kompanya para magtrabaho.
Nagdadabog ako kasi naantala panunuod ko pero tahimik ka lang kahit naantala ko ang pagpapahinga mo.
Naiinis ako kasi akala mo hindi ako nag-aaral pero nalulungkot ka kasi hindi ko nasuklian pinagpaguran mo.
Papa.
Magpapakabait na ako.
Ilang utos pa po ba ang ibibigay niyo para lang bumangon ka?Click the ⭐ button
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Short StoryKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.