ISANG GABI SA KALYE CRISOLIDAD

55 6 0
                                    

"Preee ... Ako? Ako pa? Hindi ... Ak-ako ... Lasing ha? Kay-kaya ko to preeee. Strong! Strong to preee HAHAHAHAH" matapos ang usapan na iyon sa telepono ay tuluyan ng umikot ang paningin ko.

"OMG!" sigaw ng isang babae sa 'di ko maaninag na direksyon.

"Arayy!" Ang tanging lumabas sa bibig ko matapos humalik ang mukha ko sa kalawakan ng kalsada sa Kalye Crisolidad.

"Omg! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?" bulalas ng hindi ko nakikilalang babae ng ipinihit niya ako sa pagkakahiga sa kalsada.

Sinasampal-sampal niya ang pisngi ko na para bang naninigurado kung gising pa ako. "Hoy, lalaki bumangon ka nga jan. Jusko! Akala ko ba hindi ka lasing? Bulataw ka pala ih. Tignan mo, bumagsak ka sa daan. Iwwww nakakahiya ka"

Hindi matino ang imaheng nakikita ko. Epekto yata ito ng pulang kabayo. Pero base sa naaaninag ko, isang babae na nakaputing off-shoulder na dress ang nagmagandang loob na lumapit at umupo sa tabi ko.

"Si-sino ka ... Ka ba?" Nabobolol na tanong ko.

"Naku! Halika nga muna, aakayin na kita. Kung ayaw mong matodas at matsugi agad, kailangan muna nating umalis dito. Omg ha. Dito ka pa talaga sa gitna ng daan humiga" madaldal na wika niya.

"Heheheh" iyon nalang ang tanging nasagot ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang paghila ng kamay niya sa akin. "Omg! Ang bigat mo naman" Isinampay niya ang braso ko sa balikat niya at naglakad kami.

Ramdam ko ang hirap niya lalo na at tila muli akong nag-aaral sa paglalakad dahil sa kawalan ng lakas ng aking mga paa.

"Dadalhin muna kita sa aking bahay, Ginoo ha? Hindi kita kayang iwan sa daan. Mamaya konsensya ko pa kung magahasa ka"

Matapos ang ilang minuto ay nakita ko na ang hudyat na nasa destinasyon na kami. Nasa bahay na niya kami.

"Gusto kong ... Humig ... Humiga, Miss"

"Oo na, ihihiga na kita, Sir. Hello? Bigat na bigat na kaya ako"

Dahan-dahan niya akong inihiga. "Oh, magrelax ka na jan" wika niya habang Ramdam ko ang maingat na pag-alalay niya sa akin.

"Bakit nan... Dito tayo?" Tanong ko sa kanya nang may makita akong mga bituin sa langit.

"Heheheh ano kasi. Hindi na kita pinasok sa bahay. Baka kasi kung anong isipin ng mga tao sa atin kapag nakita nila na nasa bahay ka. At saka, gusto kong marelax ka kaya ... Hayan! Diba ang ganda ng mga star?" Nakaupo siya sa tabi ko. Buong lawak na nakangiti. Bagaman medyo nahihilo ako, kapansin-pansin pa rin ang kanyang kagandahan. Mahaba ang kanyang buhok, maputi. Kahit tanging liwanag lang ng buwan at mga tala ang aming ilaw, sa porselanang kutis niya ay masisilaw ka rin.

"Huy! Diba ang ganda?" Tanong niya sa akin sa pangalawang pagkakataon.

Natulala ako. Hindi lamang dahil maganda siya. Pero dahil naalala ko na ang babaeng kagaya niya ang dahilan ng paglalasing ko.

"May pinagdadaanan ka 'no? Sabi na eh! Kaya alam mo dito kita dinala malapit sa tahanan ko? Kasi sabi nila, kapag malungkot o may pinagdadaanan ang isang tao, maganda raw na panglunas rito yung mga star.

Dahan-dahan akong bumangon. Sinubukan ko.

" oh, hoy wait lang. Tutulungan kita" lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang likod ko at inalalayan ako sa pag-upo.

Tinignan niya ako sa mata.

"Bakit ba ang lungkot lungkot mo?" Tanong niya sa akin.

"Nagmamahal kase ako"

"Hoy! Kapag nagmamahal, dapat sumasaya. Sa lahat yata ng nagmamahal, ikaw lang yung malungkot na nakilala ko"

"Bakit nagmahal ka na ba? Nagmahal ka na ba kagaya ng pagmamahal na ginawa ko? Ang hirap kasi sa inyong mga babae, kapag kaming mga lalaki ang nasasaktan, wala lang sa inyo."

"No! Hindi 'yan totoo." Angal niya.

"TOTOO!" Sagot ko. "Kung totoo na may concern kayong mga babae kapag nasasaktan kami, bakit yung babaeng dahilan ng paglalasing ko ayun! Sleeping beauty na. Ang himbing himbing ng tulog"

"Alam mo kasi, Sir. Ang hirap sa inyong mga lalaki, palagi ninyong sinasabi na hindi kami nagkecare sa feelings niyo. Eh kung tutuosin, kasalanan niyo rin naman. Hello? Ang lalaki kapag nasasaktan, hindi naman niya sinasabi ah. Hindi niyo sinasabi yung sinasabi niyan!" Sabay turo sa dibdib ko. "Palagi kayong nagkukunwaring malakas, matibay, buo! Kahit HINDI. NAMAN. TOTOO!"

Napatahimik ako.

"Tama ako, 'di ba? Bakit? Alam ba nung girl na nasasaktan ka? Diba hindi? Kasi lagi ninyong excuse na porke lalaki kayo, wala na kayong karapatan na maging mahina kahit minsan"

Ngumiti siya sa akin. At dali-daling niyakap ako.

"Hindi kita bibitawan sa pagkakayakap hanggang hindi ka umiiyak, Sir. Alam mo kaya nagiging kaibigan ninyong mga lalaki ang alak, yosi at droga? Palagi niyo kasing iniisip na hindi kayo dapat umiiyak. Na hindi dapat kayo nagiging mahina. Which is MALI. Babae man o lalaki, bakla o tomboy, matanda o bata - LAHAT PWEDENG MAGING MAHINA. Lahat pwedeng umiyak. Hindi naman kasi ibig sabihin na mahina ka at naging luhaan ka ay natalo ka na. Ibig sabihin lang nito, naging malakas ka dahil tinanggap mo sa sarili mo na 'Shit, sagad na sagad na ako. Wala na akong lakas sa mga oras na ito' Kaya Sir, iiyak mo na 'yan" sabay tapik niya sa likod ko.

Napayakap naman ako ng mahigpit sa kanya at doon ay bumuhos ang luha ko.

"Tama ka. Tama ka nga na nagbebreakdown ako ngayon. Tama ka na malungkot ako. Family, social life ko, financial - lahat lahat nagsabay-sabay"

Kumalas siya sa pagkakayakap. At hinawakan ang mukha ko.

"Sir, tandaan mo. Mabuti nang iiyak natin lahat ng kadilimang nakikita natin sa buhay bago pa man tuluyang malunod ng mga baradong luha ang kabuuan natin"

"Thank you! Thank you, Miss. Ako nga pala si Timothy"

"Lucia. Lucia Montecillo! Nice meeting you"

Sabay naming pinanuod ang mga bituin sa langit matapos ang madamdaming usapan na iyon. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na ako.

Sa pagmulat ng aking mata, labis na pagkagulat ang naramdaman ko.

Nandito ako sa isang sementeryo.

Sa harap ng isang puntod na may pangalang ...

LUCIA MONTECILLO

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon