"Best In Math, Genirose Dalton"
"Best In Science, Genirose Dalton"
"Best In Communication Arts in Filipino, Genirose Dalton"
"Best In Communication Arts in English, Genirose Dalton"
"Best In Social Science, Genirose Dalton"
"Leadership Awardee, Genirose Dalton"
"Journalism Awardee, Genirose Dalton"
"With Highest Honor, Genirose Dalton"
Nagpalakpakan ang lahat ng mahakot ni Genirose ang lahat ng award. Maliban sakin. Hindi ako pumalakpak kasi mas matalino ako.
"HOY! GENIROSE! MAS MATALINO AKO KAYA DAPAT NASA AKIN ANG MGA AWARD NA IYAN" sigaw ko habang papunta siya sa harap para ipresent sa klase.
"Huy, Jasper! Anong ginagawa mo"
"Tumahimik ka nga pare"
"Jasper, kumalma ka"
Inawat ako ng mga kaklase ko.
Nakatingin sa'kin ang lahat pero tinawanan ko lang sila."HAHAHAHAHAHAHAA"
"What's the matter, Mr. Jasper?"
"Eh Ma'am mas deserve ko iyang mga parangal na iyan dahil mas matalino ako kay Genirose. Alam nga niya iyang mga subject na iyan pero hindi naman niya alam na mahal ko siya. Kahit tanungin niyo pa po siya. Pero ako Ma'am, kahit tanungin niyo pa ako. Pramis! Alam na alam kong mahal ko si Genirose"
BINABASA MO ANG
Hiraya (COMPLETED)
Kort verhaalKoleksyon ng maiikling kwento para sa mga lumalaban at may pinaglalaban.