Weak-ipedia

68 8 0
                                    

"Marunong na si Totong manuod mag-isa"
pagmamalaki ni Clara

"Si Yancy naman marunong nang magselfie"
pagmamayabang ni Rose

"Nako, yung anak ko mas magaling pa sa aking maglaro ng Temple Run" abat ni Andy

"Wala kayo sa anak ko, maalam na agad iyun magpost sa Facebook" ani Maria

"Yung anak ko nga marunong na mag-Face Time habang kausap yung Daddy niya" pahayag ni Chona.

Napansin ng mga magulang na hindi nakikisawsaw sa usapan ang Kumare nilang si Aida.

"Oh ikaw Aida? Marunong na rin ba sa gadget yung anak mo?" bulalas ni Chona.

"Hindi marunong manuod mag-isa yung anak ko, pero marunong na siyang pumasok mag-isa. Hindi rin siya marunong humawak ng selpon para magselfie, pero maalam iyon na humawak ng lapis at papel. Hindi niya alam magpost sa Facebook pero marunong nang magbasa ang anak ko ng aklat. Hindi alam ng anak ko ying Face Time Face Time na iyan pero marunong gumalang at makipag-usap ang anak ko sa ibang tao" aagot ni Aida.

"Mahirap kasi kami, pero mayaman kami sa kaalaman kung paano gamitin sa mas kapaki-pakinabang na bagay ang mga biyayang meroon kami. Kayo ba? Alam niyo?" mapanghamong tanong ni Aida sa kanyang mga kumare.

Hiraya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon